Maron Dane De Leon

Maron Dane De Leon SIPAG KABATAAN NG PINEDA
(SIKAP)
YOUTH ORGANIZATION

17/07/2025
Bilang isang ALS Coordinator at masugid na tagasuporta ng Pineda Learning Center, lubos akong nagpapasalamat sa pagkakat...
17/07/2025

Bilang isang ALS Coordinator at masugid na tagasuporta ng Pineda Learning Center, lubos akong nagpapasalamat sa pagkakataong maging bahagi ng pagbabago sa buhay ng ating mga mag-aaral. Isang karangalang makapaglingkod at maging instrumento sa pagbibigay pag-asa sa mga nangangarap ng pangalawang pagkakataon sa edukasyon.

Salamat sa tiwala, suporta, at pakikiisa ng bawat magulang, g**o, at miyembro ng komunidad. Ang tagumpay ng bawat isa sa inyo ay tagumpay rin ng ating samahan.

Patuloy tayong magtulungan, magtagumpay, at magsilbing liwanag sa landas ng edukasyon.

Mula sa puso, maraming salamat po.

Minamahal naming mga ALS Graduates Isang mainit at taos-pusong pagbati sa inyong lahat!Ngayong araw na ito, pinagdiriwan...
17/07/2025

Minamahal naming mga ALS Graduates

Isang mainit at taos-pusong pagbati sa inyong lahat!

Ngayong araw na ito, pinagdiriwang natin hindi lamang ang inyong pagtatapos, kundi ang inyong katapangan, sipag, at matibay na loob. Sa kabila ng mga hamon sa buhay, pinili ninyong bumangon at ipagpatuloy ang inyong edukasyon. Ipinakita ninyo na ang pag-aaral ay hindi nasusukat sa edad, estado sa buhay o nakaraang pagkukulang bagkus, ito ay bunga ng kagustuhang matuto at umasenso.

Sa inyong pagsusumikap at sakripisyo, hindi lamang ninyo binago ang inyong sariling landas, kundi nagsindi rin kayo ng pag-asa sa puso ng iba, mga kapwa kabarangay, kabataan, at pamilya na humahanga at natututo sa inyong halimbawa.

Ang Pasig ay buong puso ninyong ipinagmamalaki. Naway magsilbing inspirasyon ang inyong tagumpay para sa mas marami pang kababayan nating nangangarap. Huwag kayong titigil sa pangarap ang pagtatapos na ito ay simula lamang ng mas makulay ninyong kinabukasan.

Patuloy kayong mangarap, magsikap, at maglingkod sa kapwa. Kayo ang patunay na kahit saan ka man magsimula, posibleng marating ang tagumpay basta't may tiwala sa sarili at pananalig sa Diyos.

Mabuhay kayong mga Graduates ng ALS lalo sa Barangay Pineda! Kami ay saludo sa inyo!i

Maraming salamat sa paanyaya, isang karangalan bilang ALS coordinator ng Brgy. Pineda na makasama sa inyong pagtatapos. ...
15/07/2025

Maraming salamat sa paanyaya, isang karangalan bilang ALS coordinator ng Brgy. Pineda na makasama sa inyong pagtatapos. Mabuhay ang mga NAGSUSUMIKAP! 🎓👏

"KABATAAN NG PINEDA"Isang mapagpalang araw sa inyong lahat, mga Kabarangay! Muli pong magbubukas ang ALS Enrollment (Alt...
23/05/2025

"KABATAAN NG PINEDA"

Isang mapagpalang araw sa inyong lahat, mga Kabarangay! Muli pong magbubukas ang ALS Enrollment (Alternative Learning System). Ito po ay libre para sa lahat, kaya huwag nang palampasin ang pagkakataong maipagpatuloy at matapos ang inyong pag-aaral.

Ang Alternative Learning System (ALS) ay isang programa ng Department of Education (DepEd) na layuning matulungan ang mga sumusunod: mga kabataang huminto sa pag-aaral (Out of School Youth), mga manggagawa, mga Persons with Disabilities (PWD), mga nakalaya mula sa kulungan, dating rebelde, mga katutubo (Indigenous People), at iba pang nais makabalik sa pag-aaral o gustong matuto muli kahit hindi nakatapos.

Mga kailangang ihanda para sa pag-enroll:

Xerox copy ng PSA Birth Certificate
3 pirasong 2x2 na litrato na may pangalan sa ibaba (Apelyido, Unang Pangalan, Gitnang Inisyal)
Long plastic envelope

akong pangarap. Hindi pa huli ALS na ang sagot!

MAG ISKOLAR KA PAR'Gusto mo ba mag-aral pero hindi kaya financially? This is the opportunity for you to pursue! We have ...
16/07/2024

MAG ISKOLAR KA PAR'

Gusto mo ba mag-aral pero hindi kaya financially? This is the opportunity for you to pursue! We have coordinated with the Meralco Foundation Inc. Polytechnic Institute -
Pasig to seek scholarship programs para sa ating mga kabarangay at tayo ay pinalad na mapagbigyan na makapag provide ng 50 slots para sa inyo.

COURSES OFFERED:

•Automotive Technology
• Industrial Automation & Mechatronics Technology
•Information Technology
• Network System and Security Administration
• Digital Arts and Design
• Semiconductor Manufacturing Technology
• Industrial Electrical Technology
• New Industrial Technician Program (ITTP)

REQUIREMENTS:

•Report Card (Form 138)
• High School Diploma(photocopy)
•Cetrificate of Good Moral
•PSA/NSO Birth certificate (photocopy)

Fitst come first serve basis po ang ating forms and ibibigay lang ito para sa mga unang makakapag submit ng complete requirements. Pwedeng to-follow ang ibang requirements but we will prioritize those na kumpleto ang requirements. For more details, please send me a message on this page!




Pride of SAGAP and Pride of PINEDA 🏳️‍🌈💖Let's Support our Queen Emman Javier for Upcoming Queen of Pasig 2023 👑 Just cli...
18/11/2023

Pride of SAGAP and Pride of PINEDA 🏳️‍🌈💖

Let's Support our Queen Emman Javier for Upcoming Queen of Pasig 2023 👑 Just click the Picture of Emman Javier Pineda Candidate #11 and Tap Heart ♥️ React Thankyou 💖

LET'S GO BRGY. PINEDA 🏀💪
28/09/2023

LET'S GO BRGY. PINEDA 🏀💪

PASIG CITY LEAGUE 2023 (INTER-BRGY)
BOUND TO SEMI-FINALS!

The Pineda Men's Basketball Team will going up against Brgy. Rosario for the slot to finals. Let's show our full support as these players are ready to get that championship!

Kapitolyo Amphitheater
September 29, 2023 - 7:30pm
GOODLUCK, PINEDA!


‼️‼️‼️
22/09/2023

‼️‼️‼️

Sa pinakahuling 24-hour monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal at nakapagtala ng limang volcanic tremors. Patuloy itong nagbubuga ng Sulfur Dioxide Flux (SO2) na nagdudulot ng Volcanic Smog.

Para sa mga nasa apektadong lugar, narito ang ilang paalala na dapat nating gawin upang makaiwas sa mga sakit dulot ng paglanghap ng usok mula sa Smog.

Let's Support our PINEDA BasketBall Team on Friday 8:30pm @ Kapitolyo Amphitheater 🏀💪
20/09/2023

Let's Support our PINEDA BasketBall Team on Friday 8:30pm @ Kapitolyo Amphitheater 🏀💪

PASIG CITY LEAGUE 2023 (INTER-BRGY)

BOUND TO SEMI-FINALS!

The Pineda Men's Basketball Team will going up against Brgy. Rosario for the slot to finals. Let's show our full support as these players are ready to get that championship!

GOODLUCK, PINEDA!


Address

Pineda
Pasig City
1600

Telephone

+639279909273

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Maron Dane De Leon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Maron Dane De Leon:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram