04/01/2026
10 years ago, may nagsabi rin sa’kin:
“Wag ka na sumali sa networking. Mga nauna lang ang kumikita diyan.”
Minsan naiisip ko…
Paano kaya kung pinakinggan ko sila?
• Nakuha ko kaya ang mga pangarap ko ngayon?
• Kumakain kaya ako ng masasarap at healthy?
• Nakapag-travel kaya ako sa iba’t ibang bansa?
• May TIME at FINANCIAL FREEDOM kaya ako ngayon?
Ang totoo, kahit anong gawin mo sa buhay, may nauna na sa’yo.
Trabaho. Negosyo. Propesyon. Kahit saan.
Ang tanong lang talaga ay:
Ano yung pipiliin mo—at tatagal ka ba doon?
10 years ko na itong ginagawa,
hanggang ngayon may nagsasabi pa rin:
“Mga nauna lang ang yumaman diyan.”
Nakakatawa lang…
Yan din ang sinabi nila 10 years ago.
Ang problema sa maraming tao, madali silang sumuko.
Hindi talaga nila gustong yumaman—
na-hype lang sila sa idea ng pagbabago, kaya hindi pangmatagalan.
Ang totoong pag-angat sa buhay,
dapat galing sa loob.
Hindi dahil uso.
Hindi dahil may nag-invite.
Kundi dahil desidido ka.
Yung mga nagsabi sa’kin noon ng negative tungkol sa business na pinasok ko?
Hanggang ngayon, hindi pa rin umasenso.
Hindi dahil mali sila noon—
kundi dahil wala rin silang sinubukan na bago.
Irony ng buhay:
Sa trabaho, hindi ka rin naman “nauna” doon—
pero bakit ka pumasok?
Bakit ka tumagal?
Kung tutuusin, mas malaki pa nga ang CHANCE sa Network Marketing
kumpara sa karamihan ng opportunities sa labas—
lalo kung titignan mo kung ilang tao na ang napayaman nito globally.
Kung scam ito,
matagal na itong ipinagbawal sa maraming bansa.
Kung scam lahat ng network marketing,
matagal na sana itong pinasara sa Pilipinas.
Pero hindi.
Dahil legitimate business ito—
at totoo: marami na ang umasenso at yumaman.
Hindi lang ito para sa lahat.
Dahil hindi lahat kayang tumagal.
Mas madali kasing huminto
kaysa panindigan ang desisyon.
Mas madali magbago ng isip
kaysa magtiis hanggang magbunga.
Kaya konti lang ang yumayaman—
dahil konti lang ang may ganitong mindset at tapang.