16/04/2026
Bakit ka nandito sa caption? Magrresign ka na din? 😂 btw Pinaka-relate ako sa number 4. 👀
1️⃣ May runway ka na.
Ano ba yung "runway"?
Isipin mo yung eroplano. Bago siya makalipad, kelangan niya ng bwelo.
Eto yung mahabang road pang take off. That’s what you call a runway.
It’s the same with money.
Your runway is the money you have saved para mabuhay ka kahit walang pumapasok na sweldo.
Ask yourself: "Ilang buwan ako pwedeng mabuhay nang walang sweldo?"
Kung "isang buwan lang"... wala ka pang runway. Hindi ka pa pwedeng lumipad.
Some say na kelangan may at least 6 months ka ng runway…
Syempre depende yan kasi yung iba single while yung iba may dependents.
Whatever your necessary runway is, ang tanong lang talaga ay ilang buwan ang meron ka bago ka mag apply ulit?
2️⃣ Naiimagine mo na nang malinaw yung version mo na wala sa trabahong yun.
Hindi mo siya pinipilit isipin. Kusang lumalabas.
Habang nasa shower ka.
Habang nasa commute.
Habang nasa meeting na boring.
Nakikita mo na yung sarili mo na iba ang ginagawa…
Mas malaya. Mas alive. Mas ikaw.
Pag yung version na yan ng sarili mo mas malinaw na sa utak mo kaysa sa kasalukuyan mong reality, hindi ka na nagdadream…
Naghahanda ka na.
3️⃣ Hindi mo na ma-justify yung trade-off.
Dati, ginagawa mo yung math sa utak mo.
"Okay lang yung pagod, malaki naman sahod ko."
"Okay lang yung stress, may benefits naman."
"Okay lang yung walang oras, may career naman ako."
Pero ngayon, hindi na bumabalanse yung equation.
Yung oras na nawawala sayo.
Yung energy.
Yung peace.
Yung relationships.
Yung kalusugan mo.
Lahat ng yan, mas mahal pa kaysa sa kahit anong sahod…
At alam mo na yun ngayon.
4️⃣ Nawawalan ka na ng respeto sa boss mo, sa kumpanya mo, o sa sarili mo.
Pwede mong makayanan yung pagod.
Pwede mong makayanan yung mababang sahod.
Pwede mo pang makayanan yung walang growth.
Pero pag nawala na yung respeto? Tapos na yan.
Lalo na pag yung nawalan ng respeto ay sa sarili mo.
Pag tinitignan mo na yung sarili mo sa salamin at iniisip mo, “Hanggang dito na lang ba ako?”
Pag nahihiya ka na sa sarili mo dahil alam mong mas malaki yung kaya mo…
Pag araw-araw mong sinasabi sa sarili mo na "okay lang" pero alam mo sa loob mo, hindi.
Yan. Alam mo na yan.
5️⃣ Hindi ka na natatakot mawalan ng trabaho. Mas natatakot ka pang mag stay.
Dati, yung pag-isip pa lang ng pag-resign, kinakabahan ka na.
Paano yung sahod?
Paano yung benefits?
Paano yung security?
Pero ngayon, mas malaki na yung takot mo na magstay kaysa sa takot mong umalis.
Yung “katahimikan” na ramdam mo paggising mo, hindi yan peace. Yan ay numbness.
At kapag mas pinipili mo na yung numbness kaysa sa unknown... it’s time.
So tanungin mo sarili mo:
May runway na ba ako?
Nakikita ko na ba yung version ko na wala dito?
Hindi ko na ba ma-justify yung trade-off?
May respeto pa ba ako sa saraili ko?
Mas takot ba ako mag stay kaysa umalis?
Hmmm… alam mo na yung sagot noh?
Hope this helps!
---
Hi, I'm Daryl, business enthusiast and also a content creator, nag gguide ng mga interested mag business mapa local o intl.
Help kita to grow more 📩