19/08/2025
🐶🐱 Rabies Cases Bumaba This Year… Pero Wag Maging Kumpiyansa! 🚨
Sabi ng DOH, may 211 rabies cases na naitala hanggang Aug 2, 2025 — mas mababa kaysa last year, pero rabies is still deadly! ⚠️
👉 Puwede itong makuha sa kagat, kalmot, o laway ng a*o, pusa, at stray animals.
👉 57% ng mga ka*o, hindi pa rin sure kung bakunado ang hayop.
💉 Kaya mga furparents, make sure na bakunado ang pets nyo!
At kung makagat o makalmot:
🧼 Hugasan agad with soap + running water (10 minutes).
🏥 Dumiretso sa Animal Bite Treatment Center.
📍 Pasig residents? Huwag mag-alala—nandito ang Dr. Care Animal Bite Center, Palatiw para sa inyo!
🕖 Open everyday 7AM–9PM
KASO NG RABIES MABABA KUMPARA NOONG NAKARAANG TAON, DOH NAGPAPAALALANG 'WAG MAGING KAMPANTE
Mula January 1 hanggang August 2, nakapagtala ang DOH ng 211 na ka*o ng rabies sa bansa. mas mababa ito ng 21% kumpara sa 266 na ka*ong naitala sa parehong panahon noong 2024.
Pero paalala ng DOH na ‘wag maging kampante dahil nakamamatay ang Rabies na naipapasa sa kagat, kalmot, at laway ng a*o, pusa, at iba pang hayop na mayroon nito.
Sa tala ng DOH, halos pantay lang ang mga naitalang ka*o mula sa alaga o domestic pets at galang hayop o stray animals.
Samantala, nasa 121 o 57% naman ng kabuuang ka*o ay hindi tukoy kung nabakunahan ang hayop o hindi.
Kaya panawagan din ng kagawaran sa publiko na tiyaking bakunado ang mga alagang hayop at maging responsible pet owners.
Makipag-ugnayan sa inyong beterinaryo o lokal na pamahalaan para sa bakuna ng inyong alaga.
At kung sakali namang makagat o makalmot, hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at umaagos na tubig sa loob ng 10 minuto, at agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center o Animal Bite Treatment Center.