13/03/2025
Kaisa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of Civil Defense ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagsasagawa ng First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Huwebes, March 13, 2025, sa ganap na 03:00PM.
Bilang suporta sa 1st Quarter NSED, hinihikayat ang lahat ng empleyado at maging ang mga bibisita sa Temporary Pasig City Hall, Old Pasig City Hall Complex, Regional Trial Court, at iba pang pansamantalang lokasyon ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan, gaya ng Tanghalang Pasigueño, Pasig City Sports Center, at Revolving Tower, na makiisa sa pag-“‘Duck, Cover, and Hold.”
Inaanyayahan din ang lahat na lumahok sa evacuation drill at tumungo sa itinalagang evacuation areas:
- Temporary Pasig City Hall: open spaces sa paligid ng pasilidad
- Old Pasig City Hall Complex (kasama ang PSA-Pasig Outlet, DILG-Pasig, at COMELEC-Pasig) at Tanghalang Pasigueño: open spaces sa harap ng Tanghalang Pasigueño
- Pasig City Sports Center: open spaces sa paligid ng Pasig City Sports Center (ilalim ng Sky Way sa Quadrangle, Tanghalang Pasigueño, at area sa Road 2)
- Revolving Tower: harap ng mismong gusali
Para sa mga empleyado ng City Hall, huwag kalimutang isuot ang inyong mga hard hat at dalhin ang Emergency Go Bag na ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Mahalaga itong makasanayan para laging maging handa sakaling makaranas ng matinding sakuna tulad ng lindol.
Maraming salamat po at inaasahan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang pakikiisa ng bawat isa.