Sagad Health Center

Sagad Health Center Sagad Health Center is a community-based DOH-accredited Primary Care Facility that offers quality health services

📢 LIBRENG FLU VACCINE 📢Magkakaroon po tayo ng libreng Flu Vaccine para sa ating mga Senior Citizens at Persons with Disa...
08/09/2025

📢 LIBRENG FLU VACCINE 📢

Magkakaroon po tayo ng libreng Flu Vaccine para sa ating mga Senior Citizens at Persons with Disability (PWD) sa Barangay Sagad.Maari lamang pong pakidala ng inyong Senior ID/PWD ID at vaccination cards.

Para sa Persons with Disability (PWD)
📍 Lugar: Sagad Multipurpose Hall
📅 Petsa: September 12,2025
⏰ Oras: 9:00 am to 11:00 am

Para sa Senior Citizens
📍 Lugar: Sagad Multipurpose Hall
📅 Petsa: September 16,2025
⏰ Oras: 9:00 am to 11:00 am

Hinihikayat po namin ang lahat ng Senior Citizens at PWD na dumalo at magpabakuna para sa dagdag proteksyon sa kalusugan.

💉 Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalusugan!

04/09/2025
Magandang araw mga Pasigueños. Meron na po tayong namatay sa tigdas (measles) dito sa ating lungsod at mula January hang...
29/07/2025

Magandang araw mga Pasigueños. Meron na po tayong namatay sa tigdas (measles) dito sa ating lungsod at mula January hanggang ngayon, may 13 na tayong kumpirmadong kaso ng Measles. Kung matatandaan, ang kauna unahang kaso ng tigdas ay mula sa isang 10 taong gulang na kung sana nabakunahan siya sa ating paaralan, hinde sana siya magkakatigdas o maiiwasan sana ang pagkakaroon ng pulmonya na siyang komplikasyon ng Tigdas. Bakuna lamang ang tanging paraan upang mailigtas natin ang ating anak sa mga sakit na kagaya ng Tigdas.

Ngayong AGOSTO 2025, ang pamahalaan ng lungsod ng Pasig sa Pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) at ng Department of Education (Deped) ay maglulunsad ng malawakang bakunahan sa ating mga pampublikong paaralan laban sa Tigdas, Rubella, Tetanus at Dipterya para sa ating mag aaral sa Grade 1, 2 at 7. May libre ding bakuna para sa ating kababaihan sa grade 4 laban sa cervical cancer.

Ang ating mga bakuna ay libre, ligtas at epektibo.

Kaya kung ikaw ay may anak na nag aaral sa pampublikong paaralan at ito ay Grade 1, 2 at 7 o anak na babae na grade 4,

Mangyari lamang makipag usap sa ating class adviser,school nurse o health center staff na nakakasakop sa inyong brgy para sa inyong karagdagang kaalaman.

Tandaan ang Pasigueñong Bakunado, Sigurado Protektado.

Maraming Salamat po.

Magandang araw po mga kabaranggay!Ang Pasig City Health Department, kaisa ang Department of Health at Department of Educ...
28/07/2025

Magandang araw po mga kabaranggay!

Ang Pasig City Health Department, kaisa ang Department of Health at Department of Education ay maglulunsad ng School-Based Immunization Program (Bakuna Eskwela Plus) para sa mga mag-aaral na Grade 1, Grade 2, Grade 4 at Grade 7 ngayong darating na buwan ng Agosto 2025.

Ang mga bakunang ibibigay ay dagdag proteksyon laban sa mga sakit na Measles o tigdas, Rubella o tigdas hangin, tetano, dipterya (para sa mga mag-aaral na Grades 1, 2 and Grade 7) at human papilloma virus o bakuna laban sa cervical cancer (para sa mga Grade 4 students na babae lamang).

Kasama rin ang Oplan Goodbye Bulate o pagpupurga sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 12.

Ang pagbabakuna sa Sagad Elementary School ay magaganap sa darating na August 4 at September 01, 2025, habang sa Sagad High School ay sa August 12 at August 28, 2025.

Ang pagbabakuna at pagpupurga ay ligtas at epektibo.

Makipag-ugnayan lamang po sa inyong eskuwelahan at sa ating health center para sa karagdagang impormasyon.

Hinahangad po namin ang inyong kooperasyon. Sama sama po nating protektahan ang inyong mga anak laban sa mga sakit. Sapagkat ang mga mag-aaral ay protektado sa bakunang sigurado.



Maraming salamat po!

Ang Sagad Health Center ay buong pusong nakilahok sa isinagawang Disaster Preparedness: FIRE DRILL bilang bahagi ng amin...
25/06/2025

Ang Sagad Health Center ay buong pusong nakilahok sa isinagawang Disaster Preparedness: FIRE DRILL bilang bahagi ng aming layunin na mapanatili ang kaligtasan at kahandaan ng aming komunidad.

Ang programang ito ay nagbibigay ng mahalagang kaalaman sa wastong pag-iwas sa sunog, tamang pagtugon sa oras ng sakuna, at pagtiyak sa kaligtasan ng bawat pamilya. Naniniwala kami na ang kaalaman at kahandaan ay mahalagang sandata upang maiwasan ang sakuna at maprotektahan ang buhay at ari-arian.

Kami ay nagpapasalamat sa lahat ng ahensya at indibidwal na naging bahagi ng makabuluhang aktibidad na ito. Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas, handa, at matatag na komunidad.

“Sa Sama-samang Pagkilos, Sunog ay Maiiwasan!”

Address

E. Angeles Street
Pasig
1600

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sagad Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram