30/07/2021
SALAMAT SANA MAKAMIT ANG KATARUNGAN!
Dalawang mga suspek na miyembro ng gun for fire, natumbok na ng Cotabato Police Office na siyang responsable sa pamamaril sa isang doctor sa Pikit, Cotabato
PIKIT, COTABATO- Kabilang sa grupo ng mga gun for hire ang dalawang mga suspek na sasampahan ng kaso ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO na nasa likod ng pagbaril at pagpatay sa isang doktor sa Pikit, North Cotabato nitong nakaraang linggo.
Ito ang sinabi sa ni CPPO Deputy Director Police Lt. Col. Bernard Tayong.
Ang biktimang si Doctor Robert Cadulong ay pinagbabaril habang naglalakad malapit sa isang paaralan.
Ayon sa PNP, isa ang conflict of property sa mga sinusundang anggulo ngayon ng PNP hinggil sa pagbaril. Pero wala pang maibigay ng impormasyon ang PNP sa kung sino ang nag-utos sa dalawang mga suspek para barilin ang biktima.
Hawak na rin ng PNP ang salaysay ng mga witness na makakatulong sa imbestigasyon at sa pagsampa ng kaso laban sa dalawang suspek.
Sa ngayon ay wala pang naibigay na opisyal na pahayag ang pamilya dahil hiniling nilang bigyan sila ng panahon para ipagluksa ang pagkamatay ng kanilang kaanak.
Hindi rin muna pinangalanan ng PNP ang dalawang mga suspek na sasampahan na ng kasong murder.