Brgy. Buli Health Station

Brgy. Buli Health Station Barangay Health Station

📢 Pabatid mula sa MHO PinamalayanIpinaaalam po na wala munang dental at medical check-up simula Lunes, Setyembre 8 hangg...
07/09/2025

📢 Pabatid mula sa MHO Pinamalayan

Ipinaaalam po na wala munang dental at medical check-up simula Lunes, Setyembre 8 hanggang Huwebes, Setyembre 11, 2025 dahil ang aming team ay lalahok sa benchmarking activity sa Maynila.

Gayunpaman, ang iba pang serbisyong pangkalusugan ay mananatiling bukas at available sa ating MHO sa nasabing mga araw.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta. 🩺✨

CALL KA LUNGS💕
04/09/2025

CALL KA LUNGS💕

Isa sa mga pangunahing programa sa unang 100 days ng ating People's MAYOR ang HAPPY LUNGS, PINAMALEÑOS! 🫁❤️

Patuloy ang laban para sa isang TB-Free Pinamalayan tungo sa mas malusog na komunidad.

Kamusta ka BAGA Pinamaleños? 🫁

May nararamdaman ka ba?

✔️ Ubo na tumatagal nang higit sa 2 linggo
✔️ Lagnat na hindi maipaliwanag
✔️ Biglang pamamayat
✔️ Kawalan ng gana kumain
✔️ Madalas na panghihina

👉 Baka TB na ‘yan!

Tara! Usap tayo

📞 Call ka ‘lungs’ sa TB Hotline! ☎️
0960 519 0415

8:00-5:00pm
Monday -Friday except holidays

Maari din po kayong 📍 Magtungo agad sa pinakamalapit na health center para sa:

✅ Libreng Konsulta
✅ Libreng Gamot
✅ Libreng X-ray

💪 Sama-sama po tayo tungo sa malusog na bukas.

02/09/2025
please scan for Dental Appointment! Thank you po
01/09/2025

please scan for Dental Appointment! Thank you po

Isang magandang Umaga nga Ka-Pinamaleño!!

Dahil marami po ang hindi makapag scan ito po ang ating link sa google form https://forms.gle/SJX6ayHAYsjG5uaH7

Pa-scan n lang po ng ating bagong QR-CODE. Maraming salamat po!

26/08/2025

Laging Panalo ang Pamilyang Planado👏👏👏

Tuloy-tuloy ang saya at sigla ng Bakuna Eskwela sa bayan ng Pinamalayan! Para sa mga may mga katanungan o pag-aalinlanga...
23/08/2025

Tuloy-tuloy ang saya at sigla ng Bakuna Eskwela sa bayan ng Pinamalayan!

Para sa mga may mga katanungan o pag-aalinlangan, narito po kami upang maghatid ng tamang impormasyon at kasagutan para mas maliwanagan.

Sama-sama po nating tiyakin na ang ating mga kabataan ay ligtas, malusog, at handa sa mas maliwanag na kinabukasan. Dahil ang kalusugan ng bata ay proteksyon ng buong pamilya! 👨‍👩‍👧‍👦

Bakunadong Pinamalenyo, Kayamanan ng Bayan!

18/08/2025
13/08/2025

Libreng Xray Vouchers para sa mga may sintomas ng TB 🫁

DITO SA PINAMALAYAN, DAPAT HAPPY LUNGS! 🫁
Ang Happy Lungs ay isa sa mga pangunahing programang tinututukan ng ating People’s Mayor, bilang bahagi ng adbokasiyang mapanatiling malusog at TB-free ang bawat Pinamaleño.

Alagaan ang iyong baga at kalusugan! Kung ikaw ay may sintomas ng tuberculosis gaya ng:
• Ubo na tumatagal nang mahigit dalawang linggo
• Panghihina ng katawan
• Walang gana kumain
• Biglang pangangayayat
• Pag-ubo ng may kasamang dugo sa plema
• Lagnat na hindi maipaliwanag o pabalik-balik na lagnat

📍 Magsadya lamang sa ating TB DOTS Center upang kayo ay matulungan at mabigyan ng tamang gamutan.
💡 Mayroon tayong libreng X-ray voucher at consultation para sa mga kinakailangang masuri, mula sa Philippine Business for Social Progress (PBSP) bilang suporta sa ating kampanya kontra TB.

Magandang araw po!Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa Bakuna Eskwela na gaganapin sa Buli Elementary School at Bu...
09/08/2025

Magandang araw po!

Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa Bakuna Eskwela na gaganapin sa Buli Elementary School at Buli High School sa darating na Agosto 14, 2025 (Huwebes) 1:30 pm .

Hinihikayat po namin ang mga magulang at mag-aaral na makilahok upang masiguro ang kalusugan at proteksyon ng ating mga kabataan laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta sa programang pangkalusugan ng ating komunidad! 💉✨

‼️ School-Based Immunization Program 2025 Ngayong Agosto 2025, muling magsasagawa ang Department of Health at Department...
07/08/2025

‼️ School-Based Immunization Program 2025

Ngayong Agosto 2025, muling magsasagawa ang Department of Health at Department of Education ng School-Based Immunization Program para sa kalusugan at proteksyon ng ating mga mag-aaral.

Layon ng programang ito na bigyan ng libreng bakuna ang mga piling grade levels sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

🧒👧 Sino ang mga target?
🎯 Grade 1 learners
🎯 Grade 4 girls (9–14 years old)
🎯 Grade 7 students

💉 Anu-ano ang mga bakuna?

✅ Measles-Rubella (MR)
👉 Proteksyon laban sa tigdas at rubella o German measles.

✅ Tetanus-Diphtheria (Td)
👉 Proteksyon sa tetano at dipterya, mga malulubhang impeksyong maaaring magdulot ng pagkamatay.

✅ Human Papillomavirus (HPV) Vaccine
👉 Para sa Grade 4 girls — laban sa HPV na maaaring magdulot ng cervical cancer sa kababaihan pagdating ng adulthood.

Mas panatag ang mga magulang kapag alam nila na protektado ang mga bata sa sakit. Ligtas, epektibo, at subok na ang mga bakunang ito.

Mga magulang, mga tagapag-alaga —
Ang pagbabakuna ay isang puhunan sa kinabukasan ng inyong anak. Ito ay ligtas, libre, at inirerekomenda ng ating mga eksperto sa kalusugan. Ang mga bakunang ito ay kapareho ng mga ibinibigay sa mga private clinics.

✍️ Huwag kalimutang lagdaan ang consent form at hikayatin ang inyong anak na magpabakuna sa araw ng School-Based Immunization.

Protektado ang batang bakunado.
Suportahan natin ang kanilang kalusugan—ngayon at sa hinaharap.

Para sa karagdagang detalye, makipag ugnayan lamang sa midwife o nurse na assigned sa inyong barangay.




Scan for dental appointment 🔈
01/08/2025

Scan for dental appointment 🔈

Isang Malusog na Ngiti po mga Ka-Pinamaleño!!

Sa mga nais pong mag-pa-appoint ng kanilang pag-linis o bunot ng ngipin maari lamang po na inyong I-SCAN ang QR Code para kayo ay pumili ng inyong schedule.

Project S.M.I.L.E. Pinamalayan
Scan Mo Ito! Linis at bunot ng ngipin, Eksklusibo para sa Pinamaleño!
Handong ng ating "People's Mayor", Hon. Rodel Magsino!

✅LIBRE
✅MAS MABILIS
✅WALANG PILA
✅IKAW ANG PIPILI

Note:
1. Exclusively for Pinamaleños Only (Para sa mga taga Pinamalayan lamang)
2. Slots are limited to 15 patients per day (Limitado sa 15 na Kliyente sa isang araw, 10 sa Umaga, 5 sa Hapon)
3. Please come 30 minutes before your schedule (Pumunta 30 minuto bago ang nakalaang oras)
4. Once you did not come at the requested scheduled time, due to high volume of patient daily, you will be rescheduled next month (Kung sakaling hindi ka nakapunta sa inyong naka takdang iskedyul, sa susunod n buwan ka pa ulit pwedeng mag-pasa ng panibagong iskedyul)
5. Appointments are unavailable on Wednesday, Saturday, Sunday and Holidays.(Walang Linis o Bunot ng ngipin tuwing Myerkules, Sabado, Linggo at Holidays)

Address

Pinamalayan
5208

Telephone

+639081354233

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Buli Health Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram