13/12/2023
Good morning Lord. What a beautiful day it is❤
UPDATE!
Finally, after ng ilang araw na pabalik balik natapos na din Ang daddy mag ayos ng PO sa EAMC kahapon. Waiting for approval na lng para ma schedule Ang operation. Hopefully, this first quarter of 2024. Hindi man po kami umabot sa aming timeline na November o December dahil isang taenga lng talaga ang afford namin non pero sumubok kami na mangalap ng Guarantee Letter kahit last quarter na September last week na kami nagstart at sa wakas sa tulong ng mga GL ung initial plan na isa lng muna ay naging dalawa na kasi yun pala yung plan mo na ibigay sa kanya Lord. Walang hanggang pasasalamat po Ama dahil fully paid na ang device na gagamitin para operation at magsisilbing daan para sya makarinig. 🙏 pang PF at HB n lng ang isipin ikaw na po bahala Lord ha.
Nakapabuti mo Panginoon. Yung dating hindi namin alam kung anong gagawin ngayon heto na malapit na kami sa finish line ng pakikipagsapalaran. Hindi man naging madali para sa amin ang journey na ito, since 2020 pa kami pabalik balik ng manila, nabaon sa loan para mi pang gastos pero hindi mo kami pinabayaan. Nanjan ka palage kahit minsan nakakalimot kami kahit nong una ay nagtampo ako sa inyo pero hindi pala dapat dahil nanjan ka lng nakaalalay sa min. Worth it lahat pagod at sakripisyo namin.
Maraming Maraming salamat po Panginoon sa lahat ng mga taong ginamit ninyong instrumento para tulungan kami nawa'y buhusan nyo po sila ng liglig at umaapaw na biyaya. Sa lahat ng pinansyal na tulong na natanggap nmin mula kay Mama at Papa, Kay sis Imerie, Kay kuya Ian sa pagbili ng lote, sa lahat ng mga tao (kakilala, kaibigan, klasmeyt o hindi man) na nagpadala ng tulong sorry hindi ko na maisa isa maraming maraming salamat sa inyo at syempre hindi mawawala ang Aircavaliers ng loandon bridge is falling down nang daddy🤣.
Sa mga Senator, Congressman, Partylist, at DSWD na nagbigay ng Guarantee Letter na umabot ng 859k maraming salamat po lalo na mga staff na nag asikaso. Ganun din naman sa aking matikas na classmate pagbalik namin jan ang hopia🤣
Sa pamunuan ng PCGK9 force at mga kasamahan sa trabaho ng aming daddy Maraming maraming salamat po (hindi ko na po babanggitin dito). God bless you all po
Sa mga supermom ng CI mommies na hindi nagsasawang sagutin Ang mga tanong ko kahit paulit ulit na lng🤣 malaking bagay din talaga yung magkaron ka ng kausap na parehas kayo ng pinagdadaanan kahit hindi kayo magkakakilala ng personal. padayon lng tayo mga mi.
syempre hindi mawawala ang Gruppo Hearing buti na lng merong kayo dto sa Pilipinas, nagkaron kami ng pag asa na pwede palang makarinig ang anak namin. Kay Sir JV, sir manny at ms angel salamat po sa inyo. Sobrang thankful dahil merong ganitong device salamat sa taong nakaimbento nito alam ng Dios kung gaano ko sya pinasasalamatan.
Salamat din Kay Doc (surgeon) at sa kanyang mga kasamahan, Kay ms. jane ganun din sa mga social worker ng EAMC sa pag assist sa aming daddy.
Syempre sa mga kapatid ko, kay tasha Kay tita eden na iniiwanan ko lage Kay rylie dahil wala syang yaya para makatipid 🤣 salamat sa pagtatyaga magbantay sa hindi makulit at malikot na bata🤣
Kay tita Helen at sa kanyang pamilya thank you so much po tita sa pagpapatuloy sa inyong tahanan.
Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa iyo Ama. Ikaw na po ang bahala sa kanila bless them all Lord.
RYLIE CLINTT ABANIEL FRIAS
3 years old and 5 months
Diagnosed w/ Conginetal Hearing Loss, Bilateral, Profound (sa mga nagtatanong kung bakit nagkaganun ang case ng anak namin, nagkatigdas po ako nong 2 months preggy that's why)
For Cochlear Implant Operation soon😍
Excited na kinakabahan na kami anak. 🙏 malapit mo na marinig Ang malumanay na boses ng nanay mo wag mo sanang pagsisihan nak🤣 mahal na mahal ka namin palangga kaya kahit mahirap kinaya ng mommy at daddy at kakayanin pa namin lalo para sayo.
PS: patapos na po ang tshirt at mug natin paantay lng po sa mga omorder pasensya na po at sobrang busy talaga.