10/01/2022
CTTO
“Patient: Ayoko na magpavaccinate doc, nakakatakot ang side effect. Pati naman mga doctor na nabakunahan may covid din.
Ako: Well, isipin natin na ang Covid19 ay Ulan.
Pag di tayo lalabas, di tayo mauulanan. Di mababasa.
Kung lalabas tayo na may payong, pwede tayo mabasa pero di todotodo
Kung mas matagal tayo sa ulan, mas nababasa tayo.
Kung didikit tayo sa taong basa, mababasa din tayo.
Kung naka kapote tayo at bota(rain boots), less likely tayo mabasa kahit may lumapit sa atin na basang basa na.
Yung payong ay Mask. Kung naka mask tayo, less likely tayo magka covid.
Yung kapote ay bakuna, Kung may kapote, less likely mabasa
Yung Bota(rain boots) ay face shield.
Yung mga taong pwedeng dumikit sa atin na "basang basa" ay mga taong may covid na asymptomatic or symptomatic. Kelangan natin lumayo sa kanila para di tayo mabasa (social distance)
Ngayon, yung mga doctor na nagkakacovid ay babad ng 12-24 hours sa covid ward. Hindi lang "umuulan" dun, nagswiswimming na sila sa ulan, sa droplets and kaya naka parang scuba gear na sila(PPE). Pero since matagal ang babad nila dun, may posibilidad na mabasa pa rin dahil sa tagal ng pagkakababad or maling pagtanggal ng ppe.
Get your vaccines. It's added protection. Yes, hindi siya absolute protection but it still helps
***This is the simplified version of how viral load and transmissibility of Covid-19 works