22/09/2021
Mag report sa LGU at mg isolate ayon sa protocol ng DOH
Dumating na tayo sa point na we need to know how to take care of ourselves. Overwhelmed na ang healthcare system natin. Pagod na ang mga healthcare workers natin, aligaga na ang mga BHERT and the LGUs.
Dapat by this time, alam na natin ang mga simple home remedy if makaramdam tayo ng symptoms. Marami namang video na nagshe-share nyan. Mismong mga doctors pa.
AND HERE IS MY PERSONAL PLEA TO THOSE WHO ARE ALREADY “VACCINATED.”
May tinatawag na “breakthrough infection.” Ito ang nangyayari sa mga vaccinated na. Nagkakaron pa rin ng Covid19 kahit fully vaccinated na.
Ang kaibahan natin, we are less likely to go severe. Kaya kadalasan, homecare na lang.
Pero since asymptomatic to very mild symptoms lang, eto ang kadalasang nangyayari sa mga vaccinated people na may breakthrough infection:
1. Sasakit ang ulo.
2. Sisipunin.
3. Pagkalipas ng 3 days wala ng sipon.
So akala mo, wala lang. Akala mo nahamugan ka lang. Akala mo, normal na sipon lang.
So ang next mong gagawin, lalabas ka. Mamamalengke ka, pupunta ka sa public places, papasok ka sa trabaho. Hindi mo alam dala-dala mo pa din ang virus.
So ano ang result? Nakapanghawa ka ng hindi mo alam. Ang masaklap pa, yung nahawa mo “unvaccinated” na maaaring mamatay.
That 20,000 cases a day we have, ay dahil sa mindset na to.
Top 5 symptoms of Breakthrough Infection;
1. Headache
2. Sipon
3. Sneezing
4. Sore Throat
5. Loss of Smell
Reminder, this is not an “all or nothing” symptoms. Kahit isa lang dyan, candidate ka na for breakthrough infection.
So, to all who are vaccinated, please, kung nakaramdam kayo ng sakit ng ulo, sipon, lagnat, wag nyong balewalain. Treat it as breakthrough infection. Mag-isolate na kayo. Wag na muna kayong lumabas. Unless wala kayong hawak na document na negative kayo, wag muna kayong lumabas.
OA? Yes OA. Pero sa panahon ngayon, mas mabuti ng maging OA kesa isawalang-bahala.
Last year, ang concern natin is kung paano tayo hindi mahahawa.
Ngayong year na to na marami ng vaccinated, dapat isipin din natin kung paano tayo hindi makakapanghawa.
Again, overwhelmed na ang ating healthcare and government system. Let’s do our part naman. Keep safe po sa ating lahat!🙏😇