04/10/2025
Ang tunay na lakas ng kabataan ay hindi nasusukat sa bisyo, kundi sa disiplina, pangarap, at tamang gabay.” 💪💚
Sa ginanap na Drug Awareness Seminar sa Batasan Hills National High School, sabay-sabay nating pinanday ang kamalayan at puso ng ating mga kabataan — upang piliin ang tamang landas, umiwas sa tukso, at maging inspirasyon ng pagbabago sa ating Barangay. 🌱
Ang programang ito ay patunay ng ating malasakit at pagbibigay-halaga sa kinabukasan ng kabataan — dahil kapag inalagaan natin sila ngayon, masisiguro nating mas ligtas, mas matatag, at mas maayos ang Batasan Hills bukas. 💚
Salamat Kap Jojo Abad, Kgd. Wenky Dela Rosa and Council.