25/04/2022
Ano ang Prostate Enlargement?
Ang prostate enlargement o benign prostatic hyperplasia (BPH) ay ang paglaki ng prostate gland sa mga kalalakihan. Ang prostate gland ay parte ng reproductive system ng mga lalaki na matatagpuan sa bandang ilalim ng pantog. Ito ay gumagawa ng prostatic fluid na sumasama sa semilya o s***m cells tuwing nilalabasan. Mahalaga ito dahil kailangan ng s***m cells ng proteksyon mula sa acidity ng va**na.
Ang prostate enlargement ay karaniwang nangyayari kapag nagkaka-edad ang isang lalaki. Natatamaan nito ang urethra (ang daluyan ng ihi palabas ng ari) kung kayaโt nararanasan ang masakit at mahirap na pag-ihi.
Paano Maiiwasan ang Prostate Enlargement?
Hindi maiiwasan ang paglaki ng prostate sapagkat ito ay kaakibat ng pagtanda ng tao. Gayunpaman, maaaring sundin ang mga sumusunod upang hindi masyadong makasagabal ang BPA:
Iwasan ang pag-inom bago matulog.
Bawasan ang pag-inom ng kape at alcohol lalo na pagkatapos kumain ng hapunan.
Subukang umihi nang regular (tuwing 4 o 6 na oras) upang makasanayan ito ng iyong pantog.
Huwag intaying mapuno ang pantog bago ilabas ang ihi.
Limitahan ang pag-inom ng mga decongestant o antihistamine dahil mas nakakaapekto ito sa paglabas ng ihi.
Magkaroon ng sapat na ehersisyo.
Sumunod sa wastong diet dahil nakakaapekto sa prostate enlargement ang labis na katabaan o obesity.
Nakatutulong din ang pagkonsumo ng mga sumusunod: itlog, isda, gatas, keso, manok, soya at tokwa.
Magpatingin sa inyong doktor kung kayo ay mga sintomas ng prostate enlargement upang mabigyan ng tamang lunas ang inyong karamdaman.