27/10/2025
Kapag binubusisi ng doktor ang pulso ng isang tao, hindi lamang ito pagbibilang ng tibok kundi pagsusuri ng kalagayan ng katawan. Ganito rin ang gampanin ng estadistika: ito ang pulse check ng bayan.
Sa pang-araw-araw, malinaw ang gampaning ito sa lagay ng panahon. Dito nakadepende ang pag-usad ng ating bente-kwatro oras. Bagaman hindi laging tuwiran ang anyo ng panahon, estadisika ang nagsisilbing sandigan upang higit natin itong maunawaan.
Kalimitang iniuugnay ang โ80% chance of rainโ sa lawak ng isang lugar na makararanas ng ulan. Ngunit sa katunayan, ang tamang interpretasyon sa datos na ito ay ang posibilidad na hindi bababa sa 0.01 pulgadang ulan ang matatanggap ng isang lugar.
Maging lawak, dami, at tagal ng pag-ulan ay nabibigyang-linaw ng estadistika. Kaya sa tulong ng datos, mas kampante ang magsasaka sa pag-ani, mas panatag ang mangingisdang pumalaot, at mas tiyak din ang bawat isa sa simpleng pag-alis ng tahanan.
Sa Pilipinas, matagal nang nahaharangan ang malayang pag-access sa mga raw weather data mula sa ahensya ng pamahalaan. Halimbawa, noong 2017, tanging mga tracks ng nagdaang bagyo ang makikita sa website ng PAGASA, at ang ibang datos ay kailangang pormal na hingin sa kanilang offline archive. Bagaman layunin nitong mapangalagaan ang datos at matiyak na itoโy maipapakahulugan lamang ng mga kwalipikadong mananaliksik o institusyon, nanatiling mahirap ang proseso ng pagkuha. Dahil dito, mas pinipili ng ilan ang kumuha ng datos mula sa mga banyagang ahensya tulad ng NOAA at JMA na mas madaling ma-access. Sa kasalukuyan, ang karaniwang inilalabas ng PAGASA ay period averages lamang o pinagsama-samang estadistika para sa mahabang yugto ng panahon.
Hindi rin nakakatulong ang namumutawing kahinaan sa pag-unawa ng datos. Maraming sikososyal at panlabas na salik ang nagdudulot nito:
- Pangangamba ng maraming estudyanteng Pilipino sa matematika batay sa 2022 PISA (Ordonez, 2024)
- Mababang pananaw sa asignatura at magkakaibang pamamaraan ng pagkatuto. (Utete et. al., 2023)
- Limitadong pasilidad at kagamitan sa pagkatuto bunsod ng pagtapyas sa badyet ng edukasyon. (Ordonez, 2024)
- Kakulangan sa mga eksperto sa estadistika na mas epektibong makapagtuturo ng asignatura
Ayon kina Nousak et. al. (2024), ang mga sumusunod ay makatutulong sa maayos na pagtuturo ng estadistika:
- Pagbibigay-motibasyon at interes sa mga estudyante sa (a) pagpapakita ng kahalagahan ng estadistika; (b) pagbibigay-daan sa aktibong partisipasyon; at (c) pagbibigay ng wasto at angkop na mga datos na aaralin
- Pagiging bukas sa mga tanong at pagkakamali ng mga mag-aaral
- Paggamit ng mga batayang at simpleng konsepto sa pagbuo ng pag-unawa
- Pagbibigay ng praktikal na pagsasanay kung saan aktibong binibigyan ng feedback ang mga mag-aaral
Hindi rin maikakaila na ang pagdagdag ng badyet sa edukasyon ay mahalaga sa mas mapanuring lipunan. Ang pagkakaroon ng mas maayos na pasilidad at mas maraming kwalipikadong g**o ay mahalaga sa pagbuo ng positibong kapaligiran para sa pagkatuto.
Sa kasalukuyang digital na panahon, laganap ang ibaโt ibang pinagmumulan ng datos. Kaakibat ng panahong patuloy na hinuhubog ng teknolohiya at datos ay ang posibilidad ng manipulasyon. Hindi na bagong usapin ang tahasang pagkakalat ng mali o manipuladong impormasyon para sa interes ng iilan. Gayunman, hindi magiging ganap ang kamalayang kritikal na kayang tumugon o lumaban dito kung limitado pa rin ng access sa mahahalagang datos. Nararapat lamang ang kolektibong aksyon ng akademiya at mga institusyon na gawing bukas at inklusibo ang pagpapalaganap ng impormasyon. Sapagkat karapatan ng publiko na malaman ang mga pag-aaral na makatutulong upang mas maunawaan ang mga isyung panlipunan, pang-ekonomiya, at pangkapaligiran.
Higit sa lahat, mahalagang maipaunawa sa mga mamamayan ang mga batayang konsepto at metodolohiya na ginagamit sa estadistika. Nararapat na mas mabigyang-linaw ang mga datos at graph na madalas ay labis na pinasisimpleโat tuluyang nawawalan ng lalim at kontekstong nagsasalaysay ng mga kwentong nais nitong ibahagi. Ang estadistika ay hindi lamang para sa mga eksperto, kundi para lahat ng nais maunawaan ang tinig ng bayan.
Dapat nating basahing maigi ang ritmo ng lipunan. Sa panahon ngayon, hindi sapat ang simpleng pulse checkโdahil ang datos na walang wastong tinig ay katotohanang mananatiling hindi naririnig.
[SANGGUNIAN]
https://tinyurl.com/PULSEReferences
โ๏ธ: Jelo Landicho, Jewel Santiago, Raven Catuday, Savinica Diego
๐จ: Jessica Casangcapan