12/06/2025
๐ข๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐จ๐ฃ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ-๐ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐ป๐ผ๐ฟ ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐๐ ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป
Sa loob ng 333 na taon, kinahon ang Pilipinas sa relihiyon, paniniwala, at paraan ng pamumuhay ng mga Espanyol. Maging ang pangalan ng ating bansa ay nakabatay sa pangalan ni Haring Philip II ng Espanya noong ekspedisyon. Dahil sa hindi patas na pagtrato ng mga Espanyol sa ating mga kababayan, sari-saring himagsikan ang inilunsad ngunit hindi nagtagumpay. Bilang huling hakbang ng kanyang mga layunin, nabuo ang La Liga Filipina sa pamumuno ni Dr. Jose Rizal kasama ang ibang mga Ilustrados. Matapos ang pagkabuwag nito ay nabuo ang Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (K*K). Ito ay pinamunuan ni Andres Bonifacio na nakipagdigma gamit ang dahas laban sa dahas para sa kalayaan ng Pilipinas. Matapos ang himagsikan ng mga Pilipino mula 1896-1898, idineklara ni Emilio Aguinaldo ang araw ng ating kalayaan.
Sa araw na ito, ginugunita natin hindi lamang ang pagwawagi laban sa dayuhang pananakop, kundi pati na rin ang sakripisyo ng mga bayani at mamamayang Pilipino na patuloy na lumalaban. Gayunpaman, mahalagang suriin din natin ang mga makabagong anyo ng paniniil at hindi pagkakapantay-pantay na umiiral sa ating lipunan. Hindi sapat na ipagdiwang lamang ang kalayaan kung nananatiling marami ang hindi nakakamtan ang karapatang dapat ay likas at nararapat na natatamasa. Sa ilalim ng kasalukuyang panahon, patuloy na umaangat ang iilan habang ang nakararami ay naiisantabi.
Ngayon, mahigit isang siglo na ang lumipas, muling sinusubok ang ating Konstitusyon at pambansang soberanya. Mula sa pagkaantala ng impeachment, patuloy na agresyon sa ating mga dagat, at impluwensiya ng mga dayuhan sa politika, mas lalong nararapat na ipaggunita, ipaglaban, at ipagsigawan ang tunay na diwa ng Araw ng Kalayaan.
Ang kalayaan ay hindi lamang alaala ng ating kasaysayan, kundi isang patuloy na tungkulin at hamon bilang mamamayan: labanan ang anumang uri ng panghihimasok sa ating bansa, tiyakin ang pananagutan sa pamahalaan, at patatagin ang mga institusyong tunay na naglilingkod sa sambayanan. Palibhasa ang tunay na kalayaan ay may kaakibat na pananagutan, dapat natin itong pangalagaan.
Kaya naman kasabay ng pagdiriwang at pagbabalik-tanaw, gamitin natin ang makabuluhang araw na ito upang pagtibayin ang ating pagkakakilanlan bilang isang malaya at makabayang sambayanan. Sama-sama nating ipagpatuloy ang laban para sa katarungan, katotohanan, at karapatang pantao. Patuloy tayong maninindigan para sa isang pamahalaang tunay na naglilingkod at hindi nang-aabuso at hindi bulag sa pangangailangan ng taumbayan.
Tayo ang kalayaan. Tayo ang kinabukasan. At habang tayo ay nagkakaisa, walang pwersa ang makagagapi sa bayang mulat, matatag, at tunay na malaya.
Mga Sanggunian:
El Filibusterismo. (n.d.). Pinterest. Retrieved from https://in.pinterest.com/pin/1109504058200019131/.
Lasco, L. (2009). Luzon bolo chisel ground. Wikipedia. Retrieved from https://en.m.wikipedia.org/wiki/File:Luzon_bolo_chisel_ground.JPG.
Onion, A., Sullivan, M., Mullen, M., Zapata, C., & Lombardo, C. (2025, May 27). Philippine Independence declared | June 12, 1898. History.com. https://www.history.com/this-day-in-history/june-12/philippine-independence-declared
Otiรฑar. (2007). Noli Me Tangere. Wikipedia. Retrieved from https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Noli_Me_Tangere.jpg -jump-to-license.
Philippine Revolution. (n.d.). Wikipedia. Retrieved from https://en.m.wikipedia.org/wiki/Philippine_Revolution.
Sacramento, A. (n.d.). La Solidaridad by Graciano Lopez Jaena. Pinterest. Retrieved from https://at.pinterest.com/pin/la-solidaridad-by-graciano-lopez-jaena--492722015499596340/.