
08/08/2025
๐ต๐ญ Ngayong Buwan ng Wika, itinatampok natin ang mga laro ng ating lahi.
Naalala nโyo pa ba? ๐ค
Sino ang mag-aakala na sa kasimplehan ng mga larong ito, walang mamahaling laruan, kundi sarili, kalsada, gamit sa paligid, imahinasyon at ka-LARO lamang ang kailangan, ay napakarami na palang naitutulong sa ating paglaki at paghubog? ๐
Sa bawat takbo, talon, habulan, at tawa, nahahasa ang ating katawan, isipan, at pakikipagkapwa. Natututo tayong maging malikhain, matiyaga, maghintay, at higit sa lahat, maging masaya sa simpleng bagay. ๐
Ngayong buwan, balikan natin ang saya ng luksong baka, tumbang preso, piko, patintero, at chinese garter. Ang mga larong nagpatibok ng ating kabataan at patuloy na magbubuklod sa atin bilang mga Pilipino. ๐ต๐ญโจ