09/01/2026
‼️STRICT AND CLEAN LOW CARB FOR
METABOLIC HEALING‼️
Kung ang health goal mo ay metabolic healing, mahalaga ang malinaw at ligtas na approach.
Strict and clean low carb ay hindi lang bawas carbs. May malinaw itong layunin.
👉Para saan ang strict and clean low carb⁉️
• Para pababain ang insulin
• Para kontrolin ang blood sugar
• Para bawasan ang visceral fat
• Para pahupain ang chronic inflammation
• Para ayusin ang hormone signaling
• Para suportahan ang metabolic healing
👉Ano ang ibig sabihin ng strict⁉️
• 20 to 50 g net carbs kada araw
• Layunin pababain ang insulin
• Tinutulungan bumuti ang blood sugar at visceral fat
👉Ano ang ibig sabihin ng clean⁉️
• Totoong pagkain lang
• Walang asukal at refined flour
• Walang ultra processed food
👉Ano ang kinakain⁉️
• Itlog, isda, karne, manok
• Full fat dairy na walang added sugar
• Gulay na hindi starchy
• Natural fats
👉Ano ang iniiwasan⁉️
• Kanin, tinapay, oats
• Matatamis na prutas at fruit juice
• Patatas, mais, peas
• Sweetened drinks at sauces
✅ Importante ang homemade electrolytes
Kapag mababa ang carbs, mas maraming tubig at sodium ang nailalabas ng katawan.
Kapag hindi napalitan, maaaring makaramdam ng hilo, panghihina, cramps, o palpitations.
Bakit mas okay ang homemade
• Walang sugar
• Walang artificial sweeteners
• Mas kontrolado ang sodium, potassium, at magnesium
• Mas tugma sa strict and clean low carb
Ito ay suporta sa hydration, nerve function, at muscle function habang nag aadjust ang metabolismo.
🔹Bakit mahalaga ang individualized approach
• Iba iba ang insulin response ng bawat tao
• Iba iba ang activity level at stress load
• Iba iba ang stage ng metabolic disease
⚠️Mahalagang PAALALA
Kung may medical conditions ka o umiinom ng maintenance medications, dapat itong gawin na may gabay ng doktor na may kaalaman sa low carb.
Habang bumubuti ang metabolismo, maaaring magbago ang kailangan sa gamot.
Ang tamang guidance ay mahalaga para sa kaligtasan at tamang adjustment.
Mas gumagaling ang katawan kapag tinanggal ang mga nagpapahirap dito at iniayon ang plano sa sariling pangangailangan.
Educational only. Not medical advice.
&Wellness