03/04/2026
-Exodo 33:14-
SINABI NG DIYOS,
"Sasamahan ko kayo at bibigyan ko kayo ng Kapayapaan," sagot ni Yahweh.
-John 14: 27-
SINABI NG PANGINOON JESUS, "Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag mabagabag ang inyong kalooban at huwag kayong matakot. ❤️🙏
Panginoon maraming salamat po sa pagpapatawad at pag-ako mo sa lahat ng aming mga kasalanan,🙌
Maraming Salamat po sa sakripisyo na ginawa mo para sa amin Panginoong Jesus na siyang Hindi na namin kailangan gawin pa dahil Ikaw na po ang gumawa para sa amin ➕😇
Maraming salamat po sa pagpapagaling ng aming mga karamdaman,😰🥵
Maraming salamat po sa lahat ng biyaya na binibigay mo sa amin kahit Hindi namin hinihingi, at una sa lahat ay ang Biyaya na binibigay mo sa amin tuwing Umaga na ginigising mo kami at binibigyan kami ng panibagong buhay para magpatuloy kasama ka☝️🥰
Maraming salamat po panginoon sa bawat ORAS, Minuto at Segundo na lagi mo kaming iniingatan saan man kami magpunta at naroon 🏃🧍
Dalangin po namin Panginoon na ikaw po palagi ang Manahan sa aming Puso at Isipan at ikaw po ang Maging Number 1 sa mga Buhay naming mga Anak mo 🙏🤲🥰
Maraming Salamat po Panginoon at para po sa inyo lahat ng Papyri, Parangal at Pasasalamat in JESUS name amen 🙏❤️
Thank you Lord 🥰 God Is Good All Time, All The Time God Is Good 😇🙏❤️☝️➕