01/09/2025
Pagod ka ba talaga, o sugar crash lang yan?
Minsan hindi lang “pagod” ang dahilan kung bakit mabilis tayong nauubos ng energy. 😮💨
Naalala ko dati, after lunch, biglang bumigat yung katawan ko. Akala ko kulang lang sa tulog, pero totoo pala, mataas ang sugar ko that time.
Grabe yung feeling… parang alerto ka sa labas, pero lutang na lutang yung utak mo sa loob.
Doon ko na-realize, hindi pala biro ang blood sugar. Kapag masyadong mataas, tahimik siyang sumisira ng energy, mood, at focus natin araw-araw.
Masarap pala yung feeling na stable lang, yung hindi ka kinakain ng biglaang taas-baba ng sugar sa katawan. 🙏