Gumaca Nutrition Action Office Page

  • Home
  • Gumaca Nutrition Action Office Page

Gumaca Nutrition Action Office Page Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Gumaca Nutrition Action Office Page, Health & Wellness Website, Gumaca, .

LUMIKHA, MAGPATUPAD, AT SAMASAMANG ISAGAWA ANG MGA PROGRAMANG PANG NUTRISYON NA TUTUGON SA KOMPREHENSIBO AT PANGUNAHING PANGANGAILANGAN NG MGA GUMAQUENO MULA SA KALUSUGAN NG INA AT SANGGOL HANGGANG SA PAGTANDA NITO

15/08/2025
Nutrition Month Culminating DayBagaman at Agosto na, Patuloy padin naman ang pagbibigay Serbisyo NG ating nutrition prog...
12/08/2025

Nutrition Month Culminating Day

Bagaman at Agosto na, Patuloy padin naman ang pagbibigay Serbisyo NG ating nutrition programs sa komunidad. Kaya nausad man ito Dahil sa bagyo, sinikap nating maidaos ito sa Simpleng paraan

Agosto 11, 2025 sa Gumaca Municipal Gym, nagtipon tipon ang mga 4ps, LGBT cooking contest participants, SNED students at g**o nila, BNS, at nutrition staff sa pagdadaos NG Culminating day.

Dito malugod tayong pinaunlakan NG piling tagapag Salitang, isa ring MNAO at Nurse 2 sa bayan NG Atimonan. Si ma'am Aidel Laude Dalisay. Inspiring message na Iniwan nya ay makabuluhang suporta NG lgu at stakeholders, collaboration sa ibang organization, at Pagtangkilik NG komunidad para sa Kalusugang pang Nutrisyon sa buong kabayanan.

Dito rin natin inilahad ang mga nnalo sa home gardening, cooking contest, at bottle coloring contest.

Maraming salamat sa sa lahat ng sumuporta sa gawaing ito Mula sa ating mga contestants, lgu employees, RHU personnel, nutrition staff, BNS, superiors Dra Soriano, VM Rico Javinez Banal, Mayor Webster Letargo, Dr Elchor Caralian, PDAO head Sir Hamilton Villapando, at sa iba pa na nagdulot NG tagumpay sa Pagdiriwang na ito

On the Spot Bottle Coloring ContestBilang susog padin sa Pagdiriwang NG Nutrition Month, Kahapon August 11 2025 sa Gumac...
12/08/2025

On the Spot Bottle Coloring Contest

Bilang susog padin sa Pagdiriwang NG Nutrition Month, Kahapon August 11 2025 sa Gumaca Municipal Gym ay ating Isinagawa ang malikhaing pagkukulang sa note NG ating piling mag aaral NG SNED o Special Needs Education. Ito ay sa kolaborasyon natin sa butihing PDAO head si Hamilton Villapando at sa g**o NG SNED na si ma'am Principe.

Sa taunang Pagdiriwang NG nutrition month ay lagi natin Silang kasama upang buhay na buhay ang inklusibong pananaw natin sa mga katulad nila. Sila may mga natatagong ding angking talino na naipakikita sa pamamagitan ng pagpipinta. Matapos na Ilahad ang mga criteria ay ito ay Binigyan kulay na

Mga komitiba NG nutrition program ng RHU ang masusing pumili NG mga mananalo sa patimpalak na ito. Isa sa nakamamanghang bahagi NG programa ay pagbibigay interpretation nila sa Kung ano ang kanilang ipininta. Mahusay itong ipinaliwanag NG g**o nila ma'am Principe

Ang announcement NG mananalo ay sa Culminating Day.

August BNS Monthly MeetingFocus on Roles and Responsibilities especially During Calamity and NIE (Nutrition in Emergency...
10/08/2025

August BNS Monthly Meeting
Focus on Roles and Responsibilities especially During Calamity and NIE (Nutrition in Emergency)

Nitong nakaraang August 7, 2025 sa Nutrition office Nagkatipon ang mga, BNS upang magbigay NG mga instructions na kinakailangan sa paggampan nila sa barangay

Una NG nagsalita ang ating PMNP Technical Manager Nica May Mendoza upang ipa alala ang mga dapat isumite mga datos para, sa pangangailangan NG programa Mula sa bnap, EOs at pag punk NG mga community volunteers. Inilahad naman NG ating HEPO Jay Mark Barretto Livado ang update sa mga commodities na Dumating para sa kapakinabangan NG mga BHS at implementation NG health education promotion sa mga health centers. Nandian din na Ipalaganap ang Grievance box at Kung ano ang Halaga nito sa Nutrition function.
Ang inyong lingkod ay nagbigay puri sa, pakikisangkot NG ating bns sa gawaing pang Nutrisyon sa mga nasasakupang paaralan sa katatapos na nutrition month. Pagbibilin sa maayos na masterlistng, mga bagong nutrition equipment Gaya MG height board at weighing scales. Binigyan diin din natin ang gampanin nila sa panahon NG sauna at kalamidad na uminog sa Quad Cluster public health, nutrition in emergency, Wash, at mental health and psychosocial support.

Umaasa tayong magsisikap upang samasama g I taas ang kalusugan pang Nutrisyon sa ating bayan.

First Dietary Counseling at Body Fat Analysis para sa LGU Gumaca Employees, Dinumog 😀😊😀 80 LGU  Clients Served Akala ko ...
24/07/2025

First Dietary Counseling at Body Fat Analysis para sa LGU Gumaca Employees, Dinumog 😀😊😀 80 LGU Clients Served

Akala ko nung una mga 30 Lang ma'am Irene Laude Morales ang magpapa diet counseling sayo, abah half day pa Lang nka 40 na tayo!!!!
At Natapos ang activity ay halos 80 clients ang napagsilbihan.

Mali ako.. Dahil ito ay kaunahang pagkakataon sa LGU Gumaca na MA assess ang nutritional status, ay nagkaroon NG Labis na interes ang ating mga empleyado na malaman Kung ano ba kondisyon nila, overweight, underweight, o obese😅

July 22, 2025 sa Gumaca Municipal Library, tayo ay pinaunlakan sa paanyaya sa Nutritionist Dietitian NG QPHN Gumaca na maging tagapayo NG kalagayang pang Nutrisyon. At hindi naman tayo nabigo sating Amiga. Maaga pa lamang NG 9am ay nagsimula na kami. Unti unting nag datingan, vitals signs taken, heights at weight jot down. Humarap Kay ma'am Irene at matimong in interview. Ipinaliwanag ang BMI, DBW, at paliwanag sa Pinggang Pinoy. Gumamit a tayo NG Body Fat Analyser upang iakma ang porsiyento NG taba at muscles sating katawan. Buong wili na na kinig, nagtanong, at Baon Baon ang bawat health suggestions na ibinahagi NG Dietitian.

Nakakatuwa, nakikita at nadadama ang pagpukaw NG interes NG lgu employees sa Nutritional status nila.

Hayaan nyo, next year, may ganito muling activity para Makita Kung nag improve tayo sa target nating Desirable Body Weight!

Maraming salamat po Ma'am Irene sa walang sawang suporta sa gawain Kong pang Nutrisyon, sa paggabay NG MHO Dr Este Mari Soriano, sa pamumuno NG punongbayan Webster Letargo
Lubos na pasasalamat din sa tulong NG BNS, nutrition staff, nutrition committee, at library personnel sa pagppahiram NG bahagi NG silid aklatan

Havey na Havey ang FoodieSa Luto NG LGBT  2025Isang masustansya at matagumpay na annual cooking contest ang naisakatupar...
22/07/2025

Havey na Havey ang Foodie
Sa Luto NG LGBT
2025

Isang masustansya at matagumpay na annual cooking contest ang naisakatuparan sa araw na ito Hulyo 14 2025 sa Gumaca Municipal Gym.

Ang taunang patimpalak na ito ay nilahukan NG Ibat ibang sektor sa, nakalipas na 3 taon.
Ngayon ay Binigyan kulay natin ito sa mga kaanib NG LGBT na pinamumunuan ni Sir Alvaro Monzon Flavier. Mula sa nasabing mechanics, nakabuo tayo NG 7 gripo na may 3 miyembro. Nilalayon ng gawaing ito linang in at Bigyang Halaga ang galing NG pagsasamasamasama NG Ibat ibang uri ng sustansya Mula sa mga sangkap, lasa, at Malik hain NG mga kalahok.

Sumigla rin ang programa sa mga dumalaw at nag Salitang konsehal NG bayan upang magbigay suporta sa mga kalahok. BInigyang panahon din na ating MHO Dr Soriano at Sir DjVhong Zoleta naman bilang kinatawan NG ating punongbayan ang hapon sa mga mensaheng Iniwan nila.

Masigla, masaya, at matimong siniyasst NG ating mga piling hurado ang mga luto. Sila ay Sina :

Maria Sheila Sazon Villaseñor - RND
Chief Dietitian Lopez St Jude General Hospital
Ruthie Rnd Sarmiento - Dietitian RPMCI
Liezel Mendoza - OMA Agriculture Technologist

😍😍😍
19/07/2025

😍😍😍

Health and Nutrition Advocate     "Yung parang nakikipag kwentuhan ka Lang sa mga magulang habang nagse share NG knowled...
17/07/2025

Health and Nutrition Advocate





"Yung parang nakikipag kwentuhan ka Lang sa mga magulang habang nagse share NG knowledge ukol sa importance NG Health and Nutrition"

Pamantayang ating pinaninindigan at patuloy na isinasagawa sa bayan NG Gumaca sa pag integrate NG First 1000 Days of Life at pagbibigay diin sa kahalagahan NG Nutrisyon. Ito ay buhay na buhay Lalo at napapanahon sa Buwan ito.

Sa ilalim NG Tema sa Taong ito " Food at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin", tayo ay nagbahagi nakipagkumustahan sa mga magulang NG NCDC sa pamamatnubay NG kanilang g**o ma'am Mary Jane Rosales Kung paano nila naaaruga at napalulusog ang kanilang anak. Matimong ipinaliwanag natin ang layunin NG Tema na masig**ong sapat, masustansya, at malinis ang pagkain ihahain sa hapag, na ito ay Nutrisyong Karapatan NG lahat mayaman man o Mahirap at Hindi pribilehiyo NG iilan. Ipinaliwanag ang tungkulin ginagampanan NG pamilya, bayan, at pamahalaan upang Bigyang pansin at maging sa multi sectoral na pakikisangkot NG pribado at pandaigdigang samahan. Ikinintal natin ang relasyon nito sa First 1000 Days of Life na dapat sa sinapupunan pa lamang ay natutugunan na ang pangangailangan NG Ina at sanggol upang maiwasan ang malnutrition. Dahil ang pamilyang malusog at nagdudulot NG mbilis na pag unload NG bayan at bansa. Naririyan din ang pamamahagi natin NG Pinggang Pinoy at 10 Kumainments sa mga magulang at pa liwanag sa Tama at angkop na pagkain NG 3 to 12 years old na bata. Namahagi din tayo NG seeds upang gumawa sila NG home gardens.

Maraming salamat po sa Oras NG pakikinig ninyo sa akin at nawa magkaroon tayo NG panibagong pananaw hinggil sa pagsasabuhay NG nutrition sating pamilya

BNS NakiisaNBS Caravan sa GumacaHulyo 10, 2025Southern Quezon Convention CenterKaalinsabay NG Nutrition Month Kick Off, ...
13/07/2025

BNS Nakiisa
NBS Caravan sa Gumaca
Hulyo 10, 2025
Southern Quezon Convention Center

Kaalinsabay NG Nutrition Month Kick Off, ilang piling BNS ang naging bahagi NG Newborn Screening Caravan. Isang proyekto sa pakikipag tulungan NG Ibat ibang ahensya Mula sa national level hanggang LGU at ng GMA 7.

Sa activity na ito, tumulong ang ating BNS sa height and weight measurement NG mga Ina at sanggol, MUAC measurements, pag alalay sa sanggol habang kinukunan NG blood sample, at pag alalay sa mga mag iina. Kasama rin sila NG ating PDOHO personnel ma'am Angelica Labita, RND sa pag a assess NG mga mag iina.

Lubos na pasasalamat sa dagliang pasabi at oaggampan NG inyong tungkulin.

BNS GumacaMalugod na Nakiisa
13/07/2025

BNS Gumaca
Malugod na Nakiisa

Gulayan NG 4Ps at MagsasakaKalusugan at Buhay SasaganaHulyo 10, 2025Brgy Bamban Gumaca, QuezonSa pakikipag ugnayan natin...
13/07/2025

Gulayan NG 4Ps at Magsasaka
Kalusugan at Buhay Sasagana
Hulyo 10, 2025
Brgy Bamban Gumaca, Quezon

Sa pakikipag ugnayan natin sa Office of the Municipal Agriculture sa pamumuno ni Ma'am Swendy Elejerio, matagumpwy nating naisagawa ang Vegetable Garden Lecture.
Bukas palad tayong pinaunlakan ni Kapt Eroa NG Bamban upang magamit ang kanilang Brgy hall upang pagdausan NG pag aaral.
Nakatutuwa ang ipinakitang partisipasyon NG mga miyembro NG 4Ps at Magsasaka sa mga bawat topic na amin inilahad. Ilan sa mga ito ay ang kaalaman hinggil sa Ibat ibang uri ng butong Gulay, pamamaraan NG pagtatanim, Ibat ibang uri ng garden, at paggawa NG organikong pataba. Binigyan din natin sila NG kaalaman ukol sa Nutrisyon at layunin Kung bakit sila ay Ilan sa mga beneficiary NG programa sa Buwan ito.

Halos 30 participants din ang nakinabang sa makabuluhang gawaing ito.

Maraming salamat sa mga naging tagapagsalita natin ma'am Alpuerto at ma'am Elejerio. Taos ang suporta NG ating punongbayan Webster Letargo, Dr Elchor Caralian, Committee on Health and Sanitation, at Dra Soriano, MHO

Address

Gumaca

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gumaca Nutrition Action Office Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Gumaca Nutrition Action Office Page:

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram