29/06/2025
ADDITIONAL INFORMATION:
Dapat “enjoyable” ang Fitness Journey mo. Mahirap maging consistent kung hindi mo trip yung workout program mo. maraming klase ng workout ang pwede mong piliin sa kapag nasa Fitness ka.
example, Merong mga tao na ayaw ng workout program ko. mas gusto nila yung madami like Circuit training, so yun ang “Optimal” para sa mga ganung klase ng tao. Meron namang mga tao na choice nila busisiin ang science behind fatloss or building muscle, dahil nag eenjoy sila mag aral.
Wala din masama sa Broscience kung trip nila at nakakakita sila ng resulta make sense dba.
So Dito sa Fitness ang kaylangan mong gawin is,
1. Hanapin mo kung anung Workout Split yung nag eenjoy ka.
2. Nasa sayo kung gusto mo aralin maigi ang science sa Fitness or hindi. As long as nag rerecover ka ng tama sa Workout at nag pprogress ka.
3. Proper sleep/Nutrition Calorie Goal
4. Develop “Good Attitude” sa kapwa Gym bro mo kahit magkaiba kayo ng opinyon sa Fitness
5. Be Consistent
Matuto tayung rumespeto sa kapwa. Both Sciencebased or hindi, pareho tayung gumagamit ng Dumbbell and Barbell ha. Babaan ang Ego.