
20/05/2025
Ang AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) ay isang malubhang kondisyon na dulot ng HIV (Human Immunodeficiency Virus), na unti-unting sinisira ang immune system ng isang tao. Kapag humina ang panlaban ng katawan, nagiging mas madali para sa ibaโt ibang sakit at impeksyon na umatake.
Mahalagang tandaan na ang AIDS ay hindi agad-agad na nakukuha sa simpleng pakikisalamuha, at ito ay maiwasan sa pamamagitan ng tamang kaalaman, ligtas na pakikipagtalik, at regular na pagpapasuri. Sa pamamagitan ng edukasyon, maagang pagsusuri, at wastong gamutan, maari nating mapigilan ang pagkalat nito at mabuhay nang may dignidad ang mga taong apektado.
Para sa dagdag na kaalaman at impormasyon, makilahok sa pamamagitan ng pag-like, share, at follow sa aming page. Maari rin kayong magtanong o makipag-ugnayan sa pamamagitan ng:
page: Telepharmassist
Email: telepharmassist@adamson.edu.ph