17/10/2025
May Ubo, Sipon, at Lagnat na ba lahat?
Ano ang mga sintomas ng Flu at Influenza-like Illness?
- Ubo, sipon, lagnat, pagsakit ng ulo, kasukasuan, tiyan, maaring magkaron din ng pagsusuka o pagtatae
Paano nahahawa sa Flu at Influenza-like Illness?
- Nakukuha ito sa paglanghap ng droplet mula sa taong may Flu na bumahing o umubo, o sa tumalsik na laway ng taong may Flu
- Maari ding mahawaan kung may nahawakan na mga bagay na kontaminado ng Flu Virus, at ihahawak sa mata, sa ilong o sa bibig
Paano makakaiwas sa Flu at Influenza-like Illness?
1. Magsuot ng facemask kung ikaw ay may sakit para hindi makahawa sa iba, or kung pupunta sa lugar na matao para hindi ka mahawa sa taong may sakit
2. Ugaliing maghugas ng kamay
3. Takpan ang bibig o ilong kung uubo o babahing
4. Mainam na manatili na lang sa bahay kung ikaw ay may sintomas
5. Siguraduhing may maayos na bentilasyon sa bahay
6. Magpa Flu Vaccine kada taon
Kung may sintomas ka na ngayon, maaari pa bang magpa Flu vaccine kapag gumaling na?
- Oo. Dahil iba iba ang strains ng Flu, maari ka pa ding mahawa ng ibang strain kung ikaw ay gumaling na ngayon. Mas Mainam na maging protektado laban sa iba ibang strains ng Flu sa pamamagitan ng Flu Vaccine.
- Ang Flu Vaccine ay naglalaman ng TATLO o APAT na strains. Kung ikaw ay nahawa ng isang strain ngayon, maaari ka pang magkaFlu ulit ng 2-3 beses pa ulit o higit pa.
ALAM MO BA?
Na ang Flu Vaccine ay dapat taon taon binabakuna, dahil kada taon din ay nag iiba ang strain ng Flu. Hindi dahil nakapagpabakuna nung nakaraang taon ay protektado ka na sa Flu forever (walang forever π ...sa Flu). Kadalasang nilalabas ang bagong Flu Vaccine tuwing Marso o Abril kada taon. Kapag may nailabas ng Flu Vaccine, mainam na magpabakuna na bago pa dumating ang Flu Season, upang protektado ka na bago pa magsimula ang Flu Season (tuwing tag-ulan).
Lamang ang may alam! At ang may Flu Vaccine!
Kung wala ka pang Flu Vaccine, magmessage ka na para maschedule natin ang bakuna mo. π