Municipal Health Office - Rizal, Palawan

Municipal Health Office - Rizal, Palawan The official page of the Municipal Health Office of Dr. Jose P. Rizal, Palawan

📣 BUNTIS CONGRESS 2025 | Barangay Taburi 🤰🎉📅 Setyembre 4, 2025📍 Brgy. Taburi Covered Court🍼 Tema: “Bawat Buhay, Ina at S...
05/09/2025

📣 BUNTIS CONGRESS 2025 | Barangay Taburi 🤰🎉
📅 Setyembre 4, 2025
📍 Brgy. Taburi Covered Court
🍼 Tema: “Bawat Buhay, Ina at Sanggol ay Mahalaga”

Isang makabuluhan at masayang araw ang ginugol ng ating mga buntis na ina sa ginanap na Buntis Congress na layuning magbigay-kaalaman at suporta para sa ligtas at maayos na pagbubuntis. 💕👶

🎊 Highlight ng programa:
👑 Search for Buntis Queen 2025!
Narito ang mga nagwagi:

👑 Buntis Queen: Diana Bacalso – Purok Manggahan
🥈 1st Runner-Up: Joy Mationg – Sto. Bulno
🥉 2nd Runner-Up: Mary Ann Maduha – Sto. Cadawan

👏👏👏 Congratulations sa ating mga winners at lahat ng kalahok!

🤱 Iba pang kalahok na buong giliw na nakiisa:
🌸 Mylen Remollo
🌸 Nelly Usot
🌸 Carlita Sakura

Maraming salamat sa suporta nina:

👨‍💼 Hon. Norman S. Ong – Municipal Mayor
👩‍💼 Hon. Maria Gracia Zapanta – Vice Mayor
🏛️ 17th Sangguniang Bayan ng Rizal

👩‍⚕️ Ms. Jenevil Tombaga, RN – MNCHN Coordinator, PHO
👩‍⚕️ Ms. Maria Fe Quizan, RM – MNCHN Coordinator, Rizal
👩‍⚕️ Ms. Charre Mae Cervantes, RM & Ms. Aser Agustin, RM – Taburi Midwives
🧑‍⚕️ Dr. Kristal Care M. Pineda – Municipal Health Officer
🤝 Kagawad Jenifier Lirazan – Committee on Health
🤝 Rey Vincent Abog, RSW – DSWD ML
At sa lahat ng IPMR, IP Leaders, Purok Presidents, Hilot, mga CVHWs, at higit sa lahat — sa ating mga buntis na kababaihan na aktibong nakiisa! 💗

Tunay ngang bawat buhay, ina at sanggol ay mahalaga. 👩‍🍼👶




Masayang at Tagumpay na Pagdiriwang ng Buntis Congress sa Barangay Taburi📍 Barangay Taburi📅 Setyembre 4, 2025Masayang is...
05/09/2025

Masayang at Tagumpay na Pagdiriwang ng Buntis Congress sa Barangay Taburi

📍 Barangay Taburi
📅 Setyembre 4, 2025

Masayang isinagawa at matagumpay na natapos ang Buntis Congress sa Barangay Taburi noong Setyembre 4, 2025. Layunin ng aktibidad na ito na bigyang-kaalaman, suporta, at pagkilala ang mga nagdadalang-tao sa komunidad.

Matapos ang mga makabuluhang talakayan ukol sa ligtas na pagbubuntis at pangangalaga sa kalusugan ng ina at sanggol, isinagawa ang Search for Buntis Queen na may temang:

“Bawat Buhay, Ina at Sanggol Mahalaga.”

Ang patimpalak ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng tamang prenatal care at wastong kaalaman ng mga ina sa panahon ng kanilang pagdadalang-tao.

Ang aktibidad na ito ay lubos na sinusuportahan ng ating Municipal Health Officer, Dr. Kristal Care M. Pineda, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng munisipyo para sa maternal and child health.

Dinaluhan ang kaganapan ng mga sumusunod na panauhin at tagapagtaguyod ng maternal health:
• Ms. Jenevil Tombaga, RN, MNCHN Coordinator mula sa Provincial Health Office
• Ms. Maria Fe Quizan, RM, MNCHN Coordinator ng Bayan ng Rizal
• Ms. Charre Mae Cervantes, RM at Ms. Aser Agustin, RM, Barangay Midwives ng Taburi

💐 Lubos na pasasalamat sa walang sawang suporta ng ating mga lider:
👨‍💼 Hon. Norman S. Ong – Municipal Mayor
👩‍💼 Hon. Maria Gracia Zapanta – Vice Mayor
🏛️ 17th Sangguniang Bayan ng Rizal

Kaisa rin sa tagumpay ng programa si Kagawad Jenifier Lirazan, Chairperson ng Committee on Health ng Barangay Taburi, kasama ang iba pang mga kagawad.
Taos-pusong pasasalamat din sa pakikiisa ni Rey Vincent Abog, RSW, DSWD Municipal Link.

Lubos din ang pasasalamat sa aktibong partisipasyon ng:
• IPMR at IP Leaders
• Mga Purok Presidents
• Traditional Birth Attendants o Hilot
• Mga buntis na kalahok
• Community Volunteer Health Workers (CVHWs) ng Barangay Taburi.

Ang ganitong mga aktibidad ay patunay ng pagkakaisa ng komunidad tungo sa mas ligtas, mas malusog, at mas maalam na pamumuhay para sa bawat ina at sanggol.



‼️Paalala:‼️Huwag Pabayaan ang Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) Ang Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) ay isang vi...
30/08/2025

‼️Paalala:‼️
Huwag Pabayaan ang Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD)

Ang Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) ay isang viral na sakit na karaniwang nararanasan ng mga bata. Kilala ang sakit na ito sa pagkakaroon ng mga rashes at sores sa kamay, paa, at bibig.

🦠 Mga Sintomas: 🦠
• Lagnat
• Pagkakaroon ng rashes sa kamay, paa, at minsan sa puwit.
• Mga paltos o sores sa loob ng bibig na maaaring magdulot ng sakit kapag kumakain o umiinom.
• Pagkakaroon ng sugat sa katawan na parang mga maliliit na paltos.

🤔 Paano ito Nakakahawa? 🤔

❗️Ang HFMD ay madaling kumalat sa pamamagitan ng: ❗️
• Direkta o hindi direktang kontak sa laway, sipon, o dumi ng taong may sakit.
• Pagkain o pag-inom mula sa kontaminadong gamit.
• Paghipo sa mga kontaminadong surface at pagkatapos ay paghawak sa mukha.

🤔 Paano Maiiwasan? 🤔
1. Palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.
2. Iwasan ang pagkakaroon ng malapit na kontak sa mga taong may sintomas ng HFMD.
3. Panatilihin ang kalinisan sa bahay at lugar ng trabaho o paaralan.
4. Iwasan ang pagpapasok sa paaralan o opisina kung may mga sintomas ng sakit upang hindi makahawa.

☝️Paalala: ☝️

Kung nakakaranas ng mga sintomas, mahalagang kumonsulta agad sa doktor upang makuha ang tamang gabay at gamot.

Sa kabila ng pagiging hindi seryoso ng sakit, mag-ingat pa rin at magbigay ng tamang pangangalaga, lalo na sa mga bata!

🎉 TAGUMPAY: Mass Drug Administration (MDA) Kontra Malaria at mga Aktibidad para sa Kalusugan ng Komunidad na isinagawa n...
28/08/2025

🎉 TAGUMPAY: Mass Drug Administration (MDA) Kontra Malaria at mga Aktibidad para sa Kalusugan ng Komunidad na isinagawa nuong August 23-25, 2025 sa Bgy. Ransang💊🦟

Isang makabuluhan at matagumpay na araw ng serbisyo at edukasyon ang isinagawa sa ating barangay sa ilalim ng programang Mass Drug Administration (MDA) kontra malaria!

Layunin ng aktibidad na hindi lamang maprotektahan ang mamamayan mula sa malaria, kundi palakasin rin ang kaalaman at kasanayan ng bawat isa pagdating sa kalusugan at tamang pangangalaga sa sarili at pamilya.

🪥 Toothbrushing Session para sa mga Bata
Sa pamamagitan ng aktwal na demonstrasyon at tulong ng ating mga health workers, tinuruan ang mga bata ng tamang paraan ng pagsesepilyo. Ipinabatid sa kanila ang kahalagahan ng malinis na ngipin at bibig sa pangkalahatang kalusugan, pati na rin ang regular na pagsesepilyo pagkatapos kumain.

🧼 Handwashing Activity
Itinuro sa mga kalahok—bata man o matanda—ang tamang hakbang sa paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig. Ipinaliwanag kung paano ito nakatutulong upang maiwasan ang pagkalat ng sakit, lalo na sa panahon ng tag-ulan kung saan laganap ang mga waterborne diseases. Isinagawa ito sa tulong ng interactive demonstration na sinamahan ng sayaw at awitin para mas maging masaya at madaling matandaan ng mga bata.

👩‍👧‍👦 Mothers’ Class: Family Planning
Isang espesyal na sesyon para sa mga ina at kababaihan ang isinagawa upang ipaliwanag ang kahalagahan ng family planning. Tinalakay dito ang iba’t ibang paraan ng pagpaplano ng pamilya, benepisyo ng pagkakaroon ng tamang agwat ng mga anak, at kung paano ito nakatutulong sa mas maayos na kinabukasan ng buong pamilya.

🥦 Talakayan tungkol sa Tamang Nutrisyon ng Pamilya
Ipinaliwanag ng ating mga health educators ang kahalagahan ng balanseng pagkain, tamang pagkain sa tamang oras, at kung paano gawing masustansya ang simpleng ulam sa abot-kayang paraan. May demo rin ng “pinggang pinoy” upang mas madaling maunawaan ang tamang bahagi ng go, grow, at glow foods sa bawat kain.

🎉 Palaro at Saya!
Nagkaroon din ng mga masasayang palaro para sa mga bata at kabataan na hindi lang nakakaaliw kundi may kasamang edukasyong pangkalusugan. Ito ay naging paraan upang mas mapalapit sa komunidad ang mga tagapagserbisyo habang pinapalaganap ang mensahe ng kalusugan at kaligtasan.

💚 Kami rin ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat ng ahensya at organisasyong naging katuwang sa matagumpay na pagpapatupad ng programang ito:
• Hon. Norman S. Ong - Municipal Mayor
• Hon. Maria Gracia Goh Macasaet-Zapanta - Municipal Vice Mayor
• Hon. Roberto Himaya- Bgy. Captain of Ransang
• Mga Opisyal ng Barangay Ransang
• Pilipinas Shell Foundation, Inc.
• Pinoy Workers
• Kapwersa Malaria
• Department of Health – Central Office
• Palawan DOH Office (PDOHO)
• Provincial Health Office
• Bureau of Fire Protection (BFP)
• Philippine National Police (PNP)
• Armed Forces of the Philippines (AFP)
. Coca-cola Philippines
. Riotuba Nickel Mining
. Mount Mantalingahan Eagles Club at Tarampitaw
• Mga Tanggapan ng LGU: MDRRMO, Engineering Office, MENRO, at GSO
• CVHWS at RHU-Lying In Staff sa pangunguna nina Dr. Ricky Dann Marquez at Dr. Romeo Dila Viga Jr.

Sama-sama nating labanan ang malaria at patuloy na itaguyod ang isang malusog, ligtas, at masiglang komunidad!



🦟 Matagumpay na Naidaos ang Mass Drug Administration (MDA) Kontra Malaria! 💊📍 Brgy. Ransang📅 August 23–25, 2025Isang mal...
26/08/2025

🦟 Matagumpay na Naidaos ang Mass Drug Administration (MDA) Kontra Malaria! 💊
📍 Brgy. Ransang
📅 August 23–25, 2025

Isang malaking tagumpay ang ating isinagawang Mass Drug Administration kontra Malaria sa Barangay Ransang nitong August 23 hanggang 25, 2025. Sa tulong ng masisipag na health workers, volunteers, at aktibong partisipasyon ng ating mga residente, matagumpay nating naabot ang layunin ng programang ito—ang protektahan ang komunidad laban sa sakit na malaria. 🛡️

Maraming salamat din sa ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ama ng ating bayan, Hon. Norman S. Ong at ang ating vice-mayor Hon. Maria Gracia Goh Macasaet-Zapanta at 17th Sangguniang Bayan. ✨
Gayundin ang aming lubos na pasasalamat sa masigasig at masipag na kapitan ng Bgy. Ransang, Hon. Roberto Himaya kasama ang kanyang mga Kagawad, mga Tanod at iba pang mga opisyales ng barangay. ✨

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na kampanya para sa malusog at ligtas na komunidad, kung saan ang bawat isa ay may mahalagang papel. Ang kooperasyon ng bawat pamilya sa Barangay Ransang ay patunay na kapag nagkakaisa, mas mabilis nating nakakamit ang kalusugan para sa lahat. 👨‍👩‍👧‍👦

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at tumulong upang maisakatuparan ang aktibidad na ito mula sa opisina ng Municipal Health Office sa pangunguna ng ating Municipal Health Officer, Dra. Kristal Care Pineda kasama ating mga Medical Officers Dr. Ricky Dann Marquez at Dr. Romeo Dila Viga Jr., mga Nurses sa pangunguna nina Nurse Rutchel Escabal Laborera, April Dawn Ticke at Earl Evangelista, mga Midwife, Nursing Attendants, Encoders at mga Logistics officers kami ay taos pusong nagpapasalamat sa inyong lahat.🩵






25/08/2025

CVHWs zumba dancers habang nagpapahinga, sumasayaw parin.. 😅 .Ransang

Maraming salamat po sa inyong tulong at suporta sa ating Bureau of Fire Protection at General Services Offices ng ating ...
23/08/2025

Maraming salamat po sa inyong tulong at suporta sa ating Bureau of Fire Protection at General Services Offices ng ating Local Government Unit at different Water Refilling Stations ng Bayan ng Rizal.

Basta sama-sama, kayang-kaya! 👏👏


Tingnan|| Ngaung Agosto 23, 2025 ay matagumpay na isinagawa ang unang dosis ng Mass Drug Administration (MDA) sa Baranga...
23/08/2025

Tingnan|| Ngaung Agosto 23, 2025 ay matagumpay na isinagawa ang unang dosis ng Mass Drug Administration (MDA) sa Barangay Ransang, bilang bahagi ng patuloy na kampanya kontra Malaria.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng ating mga lokal na lider sa pamahalaan sa pangunguna ni Hon. Norman S. Ong, Municipal Mayor kasama si G. Sherwin Macasaet bilang kinatawan ni Vice Mayor Maria Gracia Goh Macasaet-Zapanta, at si Konsehal Rolly Badenas mula sa Sangguniang Bayan.

Kabilang din sa mga dumalo at sumuporta sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang institusyon, kabilang sina:
• Dr. Bayo Fatuumbi, kinatawan ng World Health Organization – Philippines
• Dr. Justyne Barbosa-Roxas, Medical Specialist IV mula sa Provincial Health Office
• Hon. Marivic Roxas, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan
• Dr. Antonio Bautista, Program Manager ng Pilipinas Shell Foundation, Inc.
• G. Rey Angluben, Program Director ng PSFI
• Dra. Kristal Care Pineda, ating Municipal Health Officer

Buong puso rin ang aming pasasalamat sa Punong Barangay ng Ransang, Hon. Roberto Himaya, sa kanyang masigasig na pamumuno at suporta sa buong aktibidad.

Kami rin ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat ng ahensya at organisasyong naging katuwang sa matagumpay na pagpapatupad ng programang ito:
• Mga Opisyal ng Barangay Ransang
• Pilipinas Shell Foundation, Inc.
• Pinoy Workers
• Kapwersa Malaria
• Department of Health – Central Office
• Palawan DOH Office (PDOHO)
• Provincial Health Office
• Bureau of Fire Protection (BFP)
• Philippine National Police (PNP)
• Armed Forces of the Philippines (AFP)
. Coca-cola Philippines
. Riotuba Nickel Mining
. Mount Mantalingahan Eagles Club at Tarampitaw
• Mga Tanggapan ng LGU: MDRRMO, Engineering Office, MENRO, at GSO
• CVHWS at RHU-Lying In Staff sa pangunguna nina Dr. Ricky Dann Marquez at Dr. Romeo Dila Viga Jr.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng Mass Drug Administration ay patunay ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor para sa layuning mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga mamamayan.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at suporta! Sama-sama nating wakasan ang Malaria sa ating komunidad.




23/08/2025
Bayanihan during Pre-simulation of MDA sa ating Municipal Health Office.. ☺️   #08-19-2025
20/08/2025

Bayanihan during Pre-simulation of MDA sa ating Municipal Health Office.. ☺️


#08-19-2025

Tingnan|| Ginanap ngayong Agosto 20, 2025 ang simulation para sa nalalapit na Mass Drug Administration (MDA) sa Barangay...
20/08/2025

Tingnan|| Ginanap ngayong Agosto 20, 2025 ang simulation para sa nalalapit na Mass Drug Administration (MDA) sa Barangay Ransang. Pinangunahan ito ni Brgy. Captain Roberto Himaya, katuwang ang buong puwersa ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Dra. Kristal Care Pineda.

Dumalo rin sa aktibidad ang mga Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), Volunteer Barangay Sanitary Inspectors (VBSIs), at Malaria Service Provider MSPs) mula sa 11 barangay ng bayan ng Rizal, bilang paghahanda para sa gaganaping MDA sa Agosto 23–25, 2025 sa nasabing barangay.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng sponsors, at sa Pilipinas Shell Foundation Inc. (PSFI) para sa kanilang walang sawang suporta, lalo na sa mga tulong na ipinagkaloob sa pamamagitan ng pagkain, damit, at iba pang mahahalagang gamit para sa aktibidad.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa suporta ng aming mahal na Mayor, Hon. Norman S. Ong, kasama si Vice Mayor Maria Gracia Goh Macasaet-Zapanta at ang buong 17th Sangguniang Bayan Members, sa kanilang patuloy na pagtitiwala at suporta sa mga programang pangkalusugan ng ating bayan.

Ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa ay patunay ng ating kolektibong layunin tungo sa isang mas malusog at mas ligtas na komunidad.




Address

Purok Pagkakaisa, Punta Baja
Rizal
5323

Telephone

+639094259133

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - Rizal, Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Municipal Health Office - Rizal, Palawan:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram