09/08/2024
Halika na kayo.... "NENE, USAP TAYO".
Ang "Teenage Pregnancy" o maagang pagbubuntis ay ang pagdadalang-tao ng mga babaeng nasa edad 12 anyos hanggang 19 anyos, isa ito sa malaking isyu na kinakaharap hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong Mundo
"Buntis Ako!", Hindi pa Ako handa!"
"Ano Ang masamang epekto nito sa katawan ko??!"
"Paano Ang pag-aaral ko??!"
Maaring maraming katanungan na parang walang kasagutan...
Sa ganitong sitwasyon Ng ating mga kabataan (Teenage Pregnant) ang mga kabataan ina ay nangangailangan ng "prenatal care" ng sa gayon ay mapangalagaan ang kanilang kalusugan.
Maraming naididulot sa isang babae ang maagang pagbubuntis. Maaari itong magdulot ng komplikasyon sa kanilang kalusugan o kalagayan. Kabilang sa mga ito ay malnutrisyon, maternal death, anemia, kakulangan ng pag aalaga sa sarili, stress, depresyon at marami pang iba. Maging ang sanggol na kanilang isisilang ay maaaring magkaroon ng masamang epekto gaya ng mababang timbang at ibang komplikasyon.
Kakailanganin rin nila ang suporta ng kanilang pamilya upang mabigyan sila ng atensyon na kanilang kailangan sa ganitong sitwasyon, at komprehensibong kaalaman tungkol sa "Teenage Pregnancy" at kung ano nga ba ang naidudulot nito nang sa gayon ay malaman nila ang maaring maging epektong nito.
Kung kaya't ating tinalakay ang mga paksang ito:
HEALTH PREGNANCY FOR TEENS
(Adolescent Child Bearing)
POST PARTUM DEPRESSION
(Mental Health Program)
FAMILY PLANNING
EXCLUSIVE BREASTFEEDING.
Ang ANAKPAWIS HEALTH CENTER kaisa ang CAINTA MUNICIPAL HEALTH OFFICE ay nagdaos ng isang activity na naglalayon na mabigyan ng sapat na kaalaman ang ating mga "teenage mother" upang maging handa sila sa pisikal, mental at emosyonal na pagbabago.
#"NENE,USAP TAYO"