Leonel Pace Thoughts

Leonel Pace Thoughts healthy is wealthy

Good morning
15/07/2025

Good morning

Keep in healthy life To help this world class natural products
17/05/2025

Keep in healthy life
To help this world class natural products

15/07/2024

Natural Way to a Healthy Life
February 25, 2021 ·
BENEPISYO NG MALUNGGAY
SCIENTIFIC NAME: Moringa Oleifera
ENGLISH: Horseradish tree or horseradish plant/Drumstick tree/ Ben oil tree
TAGALOG: Malunggay
BISAYA: Kamunggay
Ang Malunggay o Moringa Oleifera ay isang tropical tree na karaniwang tumutubo sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Ito ay itinuturing na “Miracle Tree” dahil sa dami ng nagagamot nitong sakit. Hindi lang ito isang halamang gamot kundi gulay din ito na masarap ipangsahog sa mga iba’t-ibang ulam. Kinikilala din itong “king of super foods” dahil sa taglay nitong mga nutrients at chemicals na siyang nagpapagaling sa maraming karamdaman.
MGA NUTRIENTS AT CHEMICALS NA MAKUKUHA SA MALUNGGAY
- Calcium
- Iron
- Protein
- Vitamin A, B, C at E
- Carbohydrates
- Phosphorus
- Potassium
- Amino acids
- Photochemicals
- Phytochemicals
- Fiber
HEALTH BENEFITS OF MALUNGGAY
1. STRONG BONES
Ang dahon ng malunggay ay may 17 times na amount ng calcium kesa gatas ng baka at 25 times iron ikumpara sa spinach. Ang calcium ang nagpapatigas ng ating buto at panlaban din sa osteoporosis. Kaya nakakabuti ang pagkain ng malunggay para mapatibay ang ating mga buto.
2. ANEMIC
Kung ikaw naman ay anemic o kulang sa dugo, mainam na kumain ng malunggay, nakakatulong ito sa pagpapadami ng dugo dahil sa taglay na calcium at iron nito.
3. STRESS/ANTI-AGING
Ang malunggay ay mataas din sa protein, potassium, Vitamin A at C. Ang Vitamins na makukuha sa malunggay ay tinatawag na anti-oxidants na lumalaban sa stress at nagpapabagal sa pag-edad ng ating katawan o anti-aging.
4. MALNOURISHED CHILD
Dahil sa mga Vitamins na taglay ng malunggay ito ang pinapakain sa mga payat na bata at malnourished child. Kaya sanayin ang mga bata sa pagkain ng malunggay.
5. HEALTHY & STRONG BODY
Pampalakas din ito ng katawan, kumain lang ng 1 tasang dahon ng malunggay araw-araw upang mapunuan ang Vitamins na kinakailangan ng katawan. Ang Malunggay ay may higit sa 15 essential amino acids. Napakahalaga ng amino acids sa pagbuo ng mga bloke ng mga protina, at ang protina ay may malaking papel sa pagbuo ng kalamnan at pagpapalakas ng ating buong katawan.
6. NURSING MOTHER
Ang malunggay ang pinapakain sa mga bagong panganak na Nanay dahil ito ay nagpaparami sa gatas ng ina lalong-lalo na kung wala pang lumalabas na gatas pagkatapos manganak. Ang ginagawa lang ay isahog sa ulam na may gata at papaya siguradong magkakaroon ng maraming gatas ang mga bagong panganak na Nanay. May iba din na umiinom ng malunggay capsule na mabibili sa mga suking botika na iniresita ng kanilang mga Doktor. Kya ugaliing maglagay ng dahon ng malunggay sa ulam araw-araw. Pwede rin itong pakuluan at inumin upang madagdagan ang iyong gatas. Ang mga sustansya ng malunggay ay makatutulong din sa sanggol.
7. CONSTIPATED
Kapag ikaw naman ay constipated, kumain ng 1 - 2 tasang dahon sa gabi, makakatulong ito sa pagnormal ng pagdudumi.
8. WOUNDS
Kung ikaw ay may sugat, itapal lamang sa sugat ang dinurog na malunggay leaves. Hugasan muna ng mabuti ang mga dahon at durugin ito, lagyan ng konting tubig at initin pagkatapos itapal ang malunggay paste sa sugat. Maari ring gamitin ang pinaglagaan ng ugat ng malunggay bilang panghugas ng sugat para madali itong maghilom.
9. METABOLISM
Ang mga dahon ng malunggay ay may mataas na antas ng Vitamin B na napakahalaga para sa proseso ng ating metabolism. Mayroon din itong fiber na tumutulong sa pagtunaw ng mga pagkain at magkakaroon ng magandang sistema sa bituka.
10. WEIGHT LOSS
Ang malunggay ay nagtataglay ng maraming fiber at maaari nitong mapabilis ang metabolismo ng ating katawan na nagreresulta sa mabilis na nutrient absorption at calorie conversion na nakakabawas ng timbang. Bukod sa mababang nilalaman na calorie, ang fiber ng malunggay ay talagang nakakatulong dahil ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pagtataguyod upang magkakaroon ng mas magandang panunaw.
11. ANTIOXIDANT
Ang malunggay ay may 12 times na mas maraming Vitamin C kaysa sa mga oranges, ang Vitamin C ay tinatawag na antioxidant na nakikipaglaban sa mga free radicals at mga toxins sa ating katawan at ang Vitamin C rin ang nagpapalakas ng ating Immune System upang makaiwas sa sakit.
12. SKIN CARE
Ang Vitamin E mula sa malunggay ay 3 beses pang higit kaysa sa Spinach. Itinataguyod ng Vitamin E ang magandang balat at ito ang pangunahing sangkap ng karamihang produkto para sa kutis o balat.
13. EYE HEALTH
Ang mga dahon ng malunggay ay mayaman sa Vitamin A, isang bitamina na nagtataguyod ng paglago at pag-unlad para sa ating immune system at malinaw na paningin. Ang mga carrots ay isang mahusay na mapagkukunan ng Vitamin A ngunit ang mga dahon ng malunggay ay may 10 times Vitamin A ikumpara sa carrots.
14. ANTI-INFLAMMATORY
Mayroon itong mahigit 30 anti-inflammatory compounds. Napakahalaga ng pagkakaroon ng anti-inflammatory sa iyong diyeta at lubos na kapaki-pakinabang sa iyong katawan at immune system. Maaari nitong pababain ang tsansa sa pagkakaroon ng mga sakit at mapapabilis nito ang pagpapagaling ng iyong karamdaman.
15. CANCER
Ang Phytochemical na taglay ng malunggay ay may antioxidant effect na pinoprotektahan ang ating mga cells mula sa nakakapinsalang free radicals upang labanan ang sakit na cancer at binabawasan ang panganib ng pagbuo ng ilang mga uri ng cancer.
16. DIABETES
Ang diabetes ay isa sa mga tanyag na sakit ngayon, ang mga taong nakakaranas ng sakit na ito ay kailangang mapanatili ang kanilang blood sugar level. Ang malunggay capsule ay maaaring makatulong para sa pagpapanatili ng blood sugar level at pagpapababa ng cholesterol.
17. BLOOD PRESSURE
Ang pag-inom ng malunggay tea ay nakakatulong sa pagpapababa ng blood pressure at blood sugar, nababawasan nito ang panganib ng pagkakaron ng sakit sa puso at stroke.
18. ASTHMA
Maaari ring makatulong sa kondisyon ng hika ang pag-inom ng gatas na hinaluan ng katas ng malunggay.
19. REUMATISM
Ang pag-inom ng malunggay tea ay mainam rin na panlaban sa rayuma at iba pang pananakit ng kalamnan. Pwede ring ipantapal ang dinikdik na dahon ng malunggay sa parte na may rayuma.
20. BRAIN HEALTH
Sinusuportahan ng malunggay ang kalusugan ng utak at tumutulong para sa matalas na kaisipan. Sinubukan din ito bilang panggamot para sa sakit ng Alzheimer at nakitaan ng positibong epekto sa kalagayan ng pasyente. Taglay rin nito ang mataas na uri ng bitamina E at C para labanan ang oxidation sa neurons ng utak at sa pangkalahatang kalusugan nito. Nagagawa nitong gawing normal ang serotonin, dopamine, at noradrenaline sa utak na may mahalagang papel sa memory, kalooban, kalusugan ng organs sa katawan, mga reaksyon tulad ng stress at kasiyahan at kalusugan ng kaisipan. Ilang halimbawa nito ay pagkalungkot at psychosis.
21. CARDIOVASCULAR SYSTEM
Ang pinulbos na dahon ng malunggay ay may mga benepisyo para sa malusog na puso, lalo na sa pag-control ng lipids ng dugo, ang pag-iwas sa pagbuo ng mga bara sa mga arterya, at pagpapababa ng cholesterol level.
22. LIVER HEALTH
Ang malunggay ay naglalaman ng mataas na konsentrasyon ng polyphenols sa mga dahon at bulaklak nito na nagpoprotekta sa atay laban sa oxidation, pagkalason, at pinsala.
Ang malunggay ay maaaring makabawas sa pinsala sa atay, fibrosis at reverse oxidation sa atay. Ang langis ng malunggay ay makakatulong ring ibalik ang mga enzyme ng atay sa normal na antas, nagbabawas ng oxidative stress, at nagtataas ng nilalaman ng protina sa atay.
Ang atay ay may pananagutan para sa detoxification ng dugo, paggawa ng apdo, metabolismo ng fructose, metabolismo ng taba, at pagproseso ng nutrisyon. Maaari lamang itong matupad sa tulong ng mga enzyme ng atay kaya mahalaga na manatili sila sa normal na level. Halimbawa, ang mas mababang antas ng hepatic enzymes ay maaaring makaapekto sa kakayahang i-filter ang dugo. Kaya ugaliing kumain ng malunggay dahil may malaki itong maitulong para sa kalusugan ng ating atay.
23. ANTIMICROBIAL/ANTIBACTERIAL
Ang malunggay ay may mga katangian ng antibacterial at anti-fungal na lumalaban sa mga impeksyon. Ito ay epektibo laban sa mga uri ng fungi na nagdudulot ng mga impeksyon sa balat at mga strain ng bakterya na responsable para sa mga impeksyon sa dugo at ihi at mga problema sa pagtunaw.
24. APHRODISIAC
Kung ang mag-asawa ay nawawalan na ng gana sa sexual life, ang malunggay ay makakatulong sa problemang ito ng mag-asawa. Ibinabalik nito ang sigla ng buhay mag-asawa.
25. S***M COUNT
Ang dahon ng malunggay na ginawang tsaa ay napatunayan na puno sa mga multi-vitamins. Habang ang mga prutas ng malunggay naman ay maaaring magdala ng solusyon para sa problema ng mga kalalakihan. Para sa mga may problema sa s***m, ang malunggay ang pinakamahusay na paraan upang madagdagan ang bilang at dami ng semilya sa mga kalalakihan.
Ilan lang po ito sa mga benepisyo na hatid ng malunggay para sa ating kalusugan, marami pang iba. Tunay na king of super foods ang malunggay kaya tinagurian itong “TREE OF LIFE”.
Marami na ang mabibiling gamot ngayon sa mga kilalang drugstores na gawa sa malunggay kagaya ng; capsules, tea, oil, lotion at iba pa.
May mga pagkaing mabibili na rin na ang pangunahing sangkap ay malunggay.
Kaya ugaliing kumain ng malunggay araw-araw para sa kalusugan ng ating katawan.
PAALALA:
- Mainam pa rin ang pagkonsulta sa Doktor lalo na sa may malubhang karamdaman upang mabigyan ng tamang dosage at gamot batay sa uri ng karamdaman.
Don't forget to LIKE and FOLLOW this page, if you think this very informative to all of us, SHARE this post. THANK YOU ❤❤❤

07/06/2024
Sa mga nais pong magpakonsulta, mayroon po tayong gaganapin na HEALTH FORUM sa lahat ng may mga health concerns dito lan...
07/06/2024

Sa mga nais pong magpakonsulta, mayroon po tayong gaganapin na HEALTH FORUM sa lahat ng may mga health concerns dito lang po sa no. 112 west avenue QC, every Tuesday and Friday. 😊😊

You can contact: 09801785161
(Mr. Leonel Pace)

PM FOR MORE DETAILS! Thank you! 📩

05/06/2024

Bantayan ang kinakain at alagaan ang kalusugan para makaiwas sa kidney disease.

Tingnan ang comments section para sa link ng buong detalye.

Address

Blk 8 Lot 98 Phase 1-D Kasiglahan Village San Jose
Rodriguez
1618

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Leonel Pace Thoughts posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Leonel Pace Thoughts:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram