15/08/2021
MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS
‼️BABALA: Ang post na ito ay naglalaman ng mga litratong maaaring nakakatakot o hindi kaaya-aya para sa mga ibang magbabasa.
✅ Ang mga ito ay mga mata ng dalawang pasyente na mayroong LEPTOSPIROSIS.
✅ Sa kaliwa ay naninilaw ang mata kasama na ang balat, samantalang sa kanan ay may mga hemorrhage o pagdurugo sa mata. Ang mga ito ay senyales ng SEVERE LEPTOSPIROSIS o WEIL'S SYNDROME.
✅ Ang LEPTOSPIROSIS ay sakit na nakukuha sa tubig na na-contaminate ng ihi ng DAGA na mayroong LEPTOSPIRA, isang uri ng BACTERIA. Ang sakit na ito ay endemic sa ating bansa.
✅ Bukod sa DAGA, maaari ring dalhin ng ibang hayop gaya ng BAKA, BABOY, KABAYO, A*O ang mga LEPTOSPIRA.
✅ Kadalasang nagkakaroon ng LEPTOSPIROSIS kapag sumuong sa baha, ngunit maaari ring makuha ito sa paglusong sa mga fish pond, palayan, at iba pang maruruming tubig. Pwede rin itong makuha sa LUPA o PAGKAIN na naihian ng hayop.
✅ Ang SEVERE LEPTOSPIROSIS ay isang nakamamatay na sakit kung mapabayaan. Maaari kang magkaroon ng mga sumusunod:
- ACUTE KIDNEY INJURY (tumataas ang crea o kumukonti ang ihi)
- JAUNDICE (naninilaw ang buong katawan)
- PULMONARY HEMORRHAGE (nagdudugo ang mga baga)
✅ Ang pinakaepektibong paraan ay umiwas sa paglusong sa baha kung hindi kinakailangan. Maaaring gumamit ng BOOTS kung hindi maiiwasan ang paglusong sa baha.
(Palakasin ang immune system at subukan gamitin ang silver colloidal)
Para sa karagdagang katanungan message nyo lang ako.