23/12/2025
‼️ PABATID SA PUBLIKO ‼️
Ang San Francisco Water District po ay pansamantalang magsasara ng tanggapan sa mga sumusunod na araw:
Disyembre 24, 2025 (Miyerkules) – Bisperas ng Pasko (sa bisa ng Proklamasyon Blg. 727 s.2024)
Disyembre 25, 2025 (Huwebes) – Araw ng Pasko (sa bisa ng Proklamasyon Blg. 727 s.2024)
Disyembre 29, 2025 (Lunes) – Work Suspension (sa bisa ng Memorandum Circular No. 111, s.2025)
Disyembre 30, 2025 (Martes) – Araw ni Jose Rizal (sa bisa ng Proklamasyon Blg. 727 s.2024)
Disyembre 31, 2025 (Miyerkules) – Huling Araw ng Taon (sa bisa ng Proklamasyon Blg. 727 s.2024)
Enero 1, 2026 (Huwebes) – Unang Araw ng Bagong Taon (sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1006 s.2025)
Enero 2, 2026 (Biyernes) – Work Suspension (sa bisa ng Memorandum Circular No. 111, s.2025)
Mahalagang Paalala: Ang tanggapan po ng SFWD ay BUKAS sa araw ng Biyernes, Disyembre 26, 2025 para sa inyong mga pagbabayad at ulat ng mga sirang linya ng tubig. Pagkatapos nito, ang muling pagbubukas ng tanggapan ay sa Enero 5, 2026.
Maaari ring magbayad ng inyong mga water bills sa ating mga online ECPay Partners (Gcash, MAYA, Prince Hypermart, etc.) at sa Landbank LinkBiz Portal. Ang mga due date ay ililipat sa pinakamalapit na araw na bukas ang tanggapan ng SFWD.
Para naman sa mga ulat ng mga sirang linya o kuntador ng tubig, maaaring magtext o tumawag sa 0909-570-8191 o magpadala ng mensahe sa aming FB Page @ San Francisco Water District_Quezon.
Maraming Salamat po.