=new Loverz united=

=new Loverz united= FUn and MANY QUOTES, tambayan ng cute

07/04/2012

A Silent Love

From the very Begining, the girl's family objected strongly on her dating this guy. Saying that it has got to do with family background & that the girl will have to suffer for the rest of her life if she were to be with him.

Due to family's pressure, the couple quarrel very often. Though the girl love the guy deeply, but she always ask him: "How deep is your love for me?"

As the guy is not good with his words, this often cause the girl to be very upset. With that & the family's pressure, the girl often vent her anger on him. As for him, he only endure it in silence.

After a couple of years, the guy finally graduated & decided to further his studies in overseas. Before leaving, he proposed to the girl: "I'm not very good with words. But all I know is that I love you. If you allow me, I will take care of you for the rest of my life. As for your family, I'll try my best to talk them round. Will you marry me?"

The girl agreed, & with the guy's determination, the family finally gave in & agreed to let them get married. So before he leave, they got engaged.

The girl went out to the working society, whereas the guy was overseas, continuing his studies. They sent their love through emails & phone calls. Though it's hard, but both never thought of giving up.

One day, while the girl was on her way to work, she was knocked down by a car that lost control. When she woke up, she saw her parents beside her bed. She realised that she was badly injured. Seeing her mum crying, she wanted to comfort her. But she realized that all that could come out of her mouth was just a sigh. She has lost her voice......

The doctors says that the impact on her brain has caused her to lose her voice. Listening to her parents' comfort, but with nothing coming out from her, she broke down.

During the stay in hospital, besides silence cry,.....it's still just silence cry that companied her. Upon reaching home, everything seems to be the same. Except for the ringing tone of the phone. Which pierced into her heart everytime it rang. She does not wish to let the guy know. & not wanting to be a burden to him, she wrote a letter to him saying that she does not wish to wait any longer.

With that, she sent the ring back to him. In return, the guy sent millions & millions of reply, and countless of phonecalls,.. all the girl could do, besides crying, is still crying....

The parents decided to move away, hoping that she could eventually forget everything & be happy.

With a new environment, the girl learn sign language & started a new life. Telling herself everyday that she must forget the guy. One day, her friend came & told her that he's back. She asked her friend not to let him know what happened to her. Since then, there wasn't anymore news of him.

A year has passed & her friend came with an envelope, containing an invitation card for the guy's wedding. The girl was shattered. When she open the letter, she saw her name in it instead.

When she was about to ask her friend what's going on, she saw the guy standing in front of her. He used sign language telling her "I've spent a year's time to learn sign language. Just to let you know that I've not forgotten our promise. Let me have the chance to be your voice. I Love You. With that, he slipped the ring back into her finger. The girl finally smiled.

02/04/2012
02/04/2012

Biro

“Hoy, BADONG, maanong tigilan mo na’ng pananakot sa mga pamangkin mo, ha?” anang kanyang ina habang nag-aalmusal sila isang umaga. “Nagsumbong sa “kin ang ate mo. Nilagnat daw kagabi si Let,” tukoy nito sa pamangkin niya.

Napangisi siya. Tinakot kasi niya ang mga pamangkin niya na may tiyanak sa banyo ng bahay ng mga ito. Nakatuwaan kasi niyang kuwentuhan ang tatlong pamangkin niya tungkol sa mga tiyanak.

“Yaan n’yo sila. Para tigilan nila ang paglalaro ng tubig kapag naglilinis sila sa hapon,” katwiran pa niya.

“Basta tigilan mo na. Mamaya ho, eh, magkasakit ang mga “yan sa kakapanakot mo. Malilintikan ka sa “kin.”

Likas na sa kanya ang manakot hindi lang sa mga pamangkin kahit sa mga kabarkada at sa mga bagong kakilala niya. Pero sa totoo lang ay wala naman siyang naranasan isa man sa mga kuwento niya tungkol sa mga aswang, lamanlupa, multo at kung anu-ano pang kababalaghan.

Noong minsan, birthday ng kaibigan niyang si Artemio. Medyo tinamaan na ito sa nainom na alak nang sabihin niyang may kaluluwang nakaakbay rito. Namutla ito sa takot. Gusto na sana niyang matawa ngunit pinigil niya dahil naniwala lahat ng kainuman nila. Kinilabutan umano ang mga ito.

At dahil nga naniwala ang mga ito na nakakakita siya ng mga di-pangkaraniwang nilalang na hindi nakikita ng ibang tao, ang balak niyang pagbawi sa sinabi niya ay hindi niya itinuloy. Sa halip, dinagdagan pa niya ang kabulastugang iyon nang sabihin niyang ilang espiritu ang kasama nila sa umpukan.

Nang minsan namang gabihin sila ni Artemio ay tinakot niya ito na may kapre sa daraanan nilang punong-mangga. Nagkataon namang may bahagyang usok sa itaas ng puno nang ituro niya rito ang kapreng sinasabi niya. Naniwala ito.

Kung anu-ano pang nakakatakot ang ikinu-kuwento niya sa barkada niya kapag nag-iinuman sila. At sa tuwina ay naniniwala ang mga ito sa kanya.

PAUWI na si Badong galing sa inuman isang gabi nang makaramdam siya ng panunubig. Walang pakundangang inihian niya ang punong-mangga na nadaanan niya. Itinataas na niya ang zipper ng kanyang pantalon nang makarinig siya ng maliliit at matitinis na hoses.

Napayuko siya nang maramdamang may humihila sa laylayan ng pantalon niya. Nanlaki ang mga mata niya sa takot nang mapagtanto niyang apat na tiyanak ang humihila sa laylayan ng pantalon niya! Ipinagpag niya ang kanyang mga paa para tumigil ang mga ito ngunit kinagat siya sa binti ng isa sa mga ito. Napahiyaw siya at ipinagpag uli ang kanyang mga paa, ngunit nanatili itong nakakapit sa pantalon niya.

“Bakit, natatakot ka?” anito na tumutulo pa ang dugo sa bibig. “Nananahimik kami pero ginagambala mo kami sa mga kuwento mo.” Galit na galit ito, kagaya ng tatlo pang kasama nito.

Noon niya nabatid na totoo ang mga nilalang na ito. Halos manginig ang buong katawan niya sa takot nang humilera ang apat na tiyanak sa harap niya. Tila susugurin siya ng mga ito. Bago pa makalapit ang mga ito ay iika-ikang tumakbo na siya. Narinig pa niyang naghagikgikan ang mga ito.

Nang sa tantiya niya ay nakalayo na siya ay sumandal siya sa isang puno. Nagtaka pa siya nang matanto na iyon din ang punong-mangga na inihian niya. Napakagat-labi siya dahil sa sakit ng binti niya. Malayu-layo rin ang tinakbo niya. Napapikit siya ngunit mabilis din siyang dumilat dahil nakarinig siya ng sumisingasing. Nanlaki ang mga mata niya sa takot nang makita sa harap niya ang isang tikbalang.

“Kumusta, Badong?” anito. “Nagulat ba kita? Nasaan na nga pala ang buhok na kinuha mo sa ‘kin? Di ba, ipinagyabang mo ‘yon sa umpukan noong nakaraang gabi?”

“H-hindi naman t-totoo na nakakuha ako ng buhok mo, yabang ko lang “yon,” nanginginig na tugon niya.

“Puwes, dahil sa panggagambala mo sa katahimikan ko, ako naman ang kukuha ng buhok sa ‘yo,” anito, saka hinaltak ang ilang hibla ng buhok niya. Sumingasing pa ito na animo tuwang-tuwa.

Pakiramdam niya ay natanggal ang anit niya. Saglit lang ay naramdaman niya na may dumadaloy na likido sa noo niya. Nang pahirin niya iyon ay natanto niya na dumudugo ang anit niya.

“Masakit ba, Badong?” tanong pa nito na may pangungutya sa tinig.

“Patawad. Hindi na ko uulit,” aniya rito, saka kumaripas ng takbo.

Hindi siya makapaniwala sa mga nakita niya. Napagtanto niya na totoo ang mga naturang nilalang na binuhay niya sa mga kuwentong inimbento niya. Nagsisisi siyang kinasangkapan niya ang mga ito sa kanyang mga ikinukuwento para lamang maging bida siya sa umpukan.

Mayamaya ay huminto siya sa pagtakbo. Pakiramdam kasi niya ay parang ang layu-layo na ng natatakbo niya. Subalit ganoon na lang ang pagtataka niya nang mabatid na sa punong-mangga uli siya huminto, kung saan siya sinalakay ng mga tiyanak at tikbalang.

Pinaglalaruan siya ng mga ito kaya hindi siya makaalis doon!

Pagod na si Badong at tumitindi na ang sakit ng binti at anit niya, bunga ng ginawa ng mga tiyanak at tikbalang.

Sumandal uli siya sa punong-mangga. Napapikit siya at pilit na pinagana ang isip para makaisip siya ng paraan kung paano siya makakaalis doon. Ngunit napadilat din kaagad siya nang makarinig siya ng pagaspas ng animo malaking ibon.

Kinakabahang nagpalinga-linga siya sa paligid. Ano na naman kaya ang tatambad sa harap niya? Parang puputok na ang dibdib niya sa takot.

Nasagot kaagad ang katanungan niya nang mapatingala siya at makitang pababa ang lipad ng isang babaeng kalahati ang katawan. Isang mana’nanggal!

Nanlilisik ang mga mata nito nang titigan siya. Walang sabi-sabing kinalmot ng mahahabang kuko nito ang mukha niya. Napasigaw siya sa sakit na dulot niyon.

“Ganyan ang mga napapala ng katulad mo. Nananahimik ako pero binubuhay mo ako sa mga kuwento mo,” galit na sabi nito. “Pag hindi mo kami tinigilan, hindi lang iyan ang aabutin mo,” banta pa nito.

“Utang-na-loob, patawarin mo ako. Para mo nang awa,” pakiusap pa niya rito.

Walang sabi-sabing binitbit siya nito sa magkabilang braso niya at lumipad ito paitaas. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang kapre na panay ang hitit ng tabako. Parehong-pareho ito sa deskripsyon na ikinuwento niya sa mga kakilala niya!

Hindi pa humuhupa ang takot sa dibdib niya nang bitiwan siya ng manananggal at saluhin naman siya ng k**ay ng kapre.

“Ikaw pala ang pangahas na gumising sa amin. Hindi mo ba alam na ginambala mo kami? Nananahimik na kami. Lapastangan ka!” anang kapre na dumadagundong ang boses sa buong paligid.

“Patawarin n’yo na ‘ko,” pakiusap niya rito. Kung panaginip lang ang lahat ng iyon ay gusto na niyang magising.

Sa halip na sumagot ay hinawakan siya nito nang mahigpit. Nagpapalag siya ngunit lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya na animo pipigain siya.

“P-parang a-awa mo na. P-pakawalan mo na ‘ko. Hindi na ‘ko uulit. P-pakiusap.” Hindi na siya makahinga dahil lalo pang humigpit ang pagkaka-hawak nito sa kanya. Hanggang sa magdilim na ang lahat sa kanya.

NAGMULAT ng mga mata si Badong nang maulinigan niyang may mga nagsasalita sa tabi niya.

“Ano ba ang nangyari sa ‘yo, Badong?” tanong ni Artemio. Nasa likuran nito ang ilan pang kabarkada niya at ilang matatanda na tagaroon sa kanila rin. “Hinanap ka namin dahil sabi ng nanay mo ay hindi ka raw umuwi.”

Hindi siya nakasagot dahil naramdaman niya ang hapdi at kirot sa kanyang anit, mukha, at binti.

Nanlaki ang mga mata niya nang kapain niya ang kanyang mukha at madamang may sugat nga siya roon. At nang kapain naman niya ang kanyang ulo ay mamasa-masa pa sa dugo ang kanyang anit. Napatingin din siya sa pantalon niya na may bahid pa ng dugo.

Iisa lang ang ibig sabihin niyon, totoo ang mga naganap sa kanya nang nagdaang gabi, hindi iyon masamang panaginip lang.

Ang Wakas …

01/04/2012

"Sometimes we
maintain silence to protect one Beautiful Relation.."

"But,
too much silence creates a distance in every beautiful relations!"

01/04/2012

--- Sometimes, no matter how much you like one another there are things that keep you from becoming together. Maybe you just have to accept the fact that there are certain things that have happened that will forever keep you as friends, just friends.

01/04/2012

Morning is not only
Sunrise
But beautiful
miracle of God that
defeats darkness and
spreads light.May this be one
more beautiful day
of your life!

31/03/2012

Pag HIPON ka, patapon ang mukha pero panalo ang katawan.. Kung LOLLIPOP ka, patapon ang katawan pero panalo ang mukha.. Kung patapon ang mukha at katawan, dapat BULALO ka.. Panalo ang utak.. Pero kung patapon na ang mukha, katawan at ang utak.. Maging BUKO ka nalang.. Malinis ang kalooban. :)

30/03/2012

Boy: I broke up with her.

His Best Friend: What happened?

Boy: She’s just too much for me.

His Best Friend: What makes you say that? What did
she do wrong?

Boy: Well, for one.. She only cared about her
appearance. Always had to look good, always took
forever to get dressed! So insecure..

His Best Friend: So, you broke her heart because she
wanted to keep your eyes locked on her? She
wanted you to see that you have the prettiest girl
under your sleeve and not think otherwise? I see..

Boy: Oh.. Well.. She’d often call me or text me asking
where I am, who I’m with, telling me not to smoke,
not to drink. She’s so clingy!

His Best Friend: So, you broke her heart because she
cares about your well being? Because she cares
about you a lot? And her greatest fear is losing you.
I see...

Boy: But.. Uhh.. Well, she’d always cry when I say
something slightly mean. She can’t handle anything.
She’s a crybaby!

His Best Friend: So, you broke her heart because she
has feelings? And because she just wanted to hear
you say you love her? I see..

Boy: I.. Well! You know, she’d get jealous easily. I
could barely talk to other girls! She’s so annoying! I
had to hide it from her.

His Best Friend: So, you broke her heart because she
just wanted you to commit to her? She thought you
were faithful, but you lied so she could find out later
and hurt even more? She just wanted the guy she
loves the most to love only her. I see..

Boy: Well, she..

His Best Friend: You broke up with her because
she’s good for you? She just wanted the best for
you? She’s broken now because you were selfish.
Are you proud?

Boy: I broke her heart... Because I couldn’t see what
was happening... What happened to me?

His Best Friend: You lost the girl that loved you like
no one else could. You see? You didn’t want her
when all she ever wanted was you. THAT’S what
happened...

29/03/2012

Bantay

“SIGE na Mommy, pumayag ka na please.”

“Okay. Just don’t be too late. Alam mo naman na delikado ang panahon ngayon,” paalala iyon ng Mommy ni Judith over the cellphone.

“I will, Mommy. Thank you po. Bye!” saka ipinasok ni Judith ang cellphone sa kanyang handbag.

Nakaramdam ng lungkot si Judith nang matapos ang kanilang pag-uusap ng kanyang Mommy. Sinabi kasi niya rito na may research work pa siyang dapat tapusin sa school kaya siya gagabihin. Subalit hindi iyon ang tunay niyang dahilan. Ang pagsisinungaling na iyon ang kanyang ikinalulungkot. Hindi kasi niya ugali na magsinungaling sa kanyang Mommy. Hindi iyon itinuro sa kanilang magkakapatid ng kanilang mga magulang. Lalo na ng kanyang yumaong ama. Galit na galit ito sa mga taong sinungaling.

Nasa unang taon na ng kolehiyo si Judith. Hanggang 6:00 p.m. lang ang kanyang pasok sa araw na iyon at may usapan sila ng kanyang boyfriend na si Joseph na susunduin siya nito sa waiting shed ng kanilang school sa Mandaluyong. Third ‘monthsary’ kasi nila ngayon at napagkasunduan nilang mag-celebrate.

Lihim pa rin kasi hanggang ngayon ang pakikipag-boyfriend niyang iyon sa kaniyang pamilya. Maituturing kasing makaluma ang pag-iisip ng kanyang mga magulang sa usapin ng pakikipagrelasyon. Para sa kanyang mga magulang, hangga’t nasa poder sila ng mga ito ay kailangang sundin nila ang patakarang makapagtapos ng pag-aaral bago ang pakikipagrelasyon.

Ang dalawang nakatatandang kapatid ni Judith ay matiwasay na nakapagtapos ng pag-aaral nang hindi nagkaroon ng anumang problema sa bagay na iyon. At aminado siya, wala siyang nalaman sa anumang pagkakataon na ang kapatid niyang lalaki at babae ay nagkaroon ng karelasyon habang nag-aaral pa ang mga ito. Kaya naman ganoon din ang kanyang ipinangako sa sariling gagawin.

Dangan lamang at dumating sa buhay niya si Joseph. Doon na nasira ang pangako niya sa sarili at sa mga magulang. First love niya ang lalaking bumihag ng kanyang puso. At head over heels siya sa pagmamahal dito.

“I’m sorry.. .na-late ako,” paumanhin ni Joseph nang makaharap niya ito.

“Okay lang, saantayo?” tanong ni Judith.

“Mag-dinner muna tayo. Okay na ba sa ‘yo sa Chowking?”

“Oo naman. Alam ko namang ‘yun ang favorite mong kainan. Halika na…”

Dalawang chicken lauriat with side order ng special halu-halo ang pinagsaluhan nilang dalawa sa kanilang ‘monthsary’. Bakas sa mukha ni Judith ang kasiyahan dahil going strong ang kanilang relasyon ni Joseph.

Nang makatapos silang kumain ay may iniabot sa kanya si Joseph.

“Pasensya kana d’yan. Yan ‘yung gusto mo,” nakangiting sabi nito. “Happy third month anniversary.”

“Thank you…Pero ang daya mo naman, e. Ikaw lang ang may gift ako wala kasi hindi mo sinabi kung ano ang gusto mo. Samantalang ako nabili mo itong gift para sa akin.”

Namalayan na lang ni Judith na hinawakan ni Joseph ang kanyang palad. Malambing napinisil iyon. Nang magtama ang kanilang paningin ay hindi niya mawari kung bakit kinabahan siya sa kanyang nabasa sa mga mata ng kasintahan.

Pilit niyang iwinaksi ang isiping iyon sa isipan. Subalit hindi magsisinungaling ang mga mata ni Joseph. Nababasa niya kung ano ang saloobin ng binata.

“Alam mo naman kung ano ang gusto kong regalo mula sa iyo,” seryosong banggit ni Joseph. “Anniversary naman natin.. .baka pwedeng ngayon na.. Judith.”

Bumilis ang pintig ng puso ni Judith. Hindi agad siya nakatugon sa kahilingan ng binata. Ni sa hinagap, hindi niya naisip na muli ay kukulitin siya ng kasintahan hinggil sa pagpayag niyang ipagkaloob na rito ang kanyang pagkababae, ngayon pa namang anibersaryo nila.

You ‘re so naive, Judith!

Mahal na mahal ni Judith ang kasintahan. Batid niyang hindi niya kakayanin kung sakaling magkakahiwalay sila ni Joseph dahil sa hindi niya pagpayag sa kagustuhan nito. Sa maikling panahon na mag-on sila, pinatunayan rin ng lalaki kung gaano siya k**ahal nito. Ipinakita nito ang kabaitan, pagmamalasakit at pagbubuhos ng panahon sa kanya. Mga mahahalagang sangkap sa isang relasyon na sa tingin niya ay sapat na upang patunayan rito ang kanya ring lubos na pagmamahal maging ang kapalit noon ay ang pinaka-iingatang pagkababae.

“Salamat.. Judith,” ani Joseph habang magkadaop ang kanilang mga palad sa loob ng taxi.

“Love kasi kita e,” malambing na tugon ni Judith.

Ilang saglit pa ay pumapasok na ang taxi sa isang motel sa Sta. Mesa. Iginiya sila ng isang roomboy sa ikalawang palapag ng gusali sa direksyon ng kuwarto kung saan nila pagsasaluhan ang luwalhating dulot ng pagniniig.

Naroon pa rin sa dibdib ni Judith ang kaba ngunit ayaw niyang magpahalata sa kasintahan. Desidido na siyang tuparin ang ginawang desisyon kani-kanina lamang para kay Joseph.

“Nakup!.. .may nakalimutan ako,” anas ni Joseph bago pa man sila makapasok sa kuwarto.

“Sandali lang at may kukunin ako sa baba. Pumasok ka na sa loob, ha,” habilin nito sa kanya.

Atubili si Judith na pumasok sa loob. Aniya ay hihintayin na lang niya ang kasintahang makabalik at sabay na si lang papasok sa kuwarto.

Ganito pala ang hilsura ng motel. Ano kayang kukunin ni…

“Huh?!” gulat niyang wika nang mapansing may isang pusa sa kanyang tabi.

Binugaw niya ang pusa upang umalis subalit nanatiling naroon lang ang hayop at animo’y talagang pinagmamasdan siya.

Ano ba ‘tong pusang ito at kinikilabutan ako kung makatingin. Parang alam nito kung bakit ako narito. Sipain ko kaya ito para umalis.

Subalit bago pa naisagawa ni Judith ang balak ay naramdaman na lang niyang nagtayuan ang kanyang balahibo sa buong katawan.

Diyos ko! P-pusa namin ito…Hindi ako maaaring magk**ali!

Kasunod noo’y ibayong sindak dahil nang matitigan niya ang mga mata ng pusa ay ang larawan ng kanyang yumaong ama ang kanyang nakita!

Nagpapalahaw sa takot na bumaba ng hagdan si Judith. Takang-takang lumapit si Joseph sa kanya.

“luwi mo na ako, please! Iuwi mo na ako.. .Joseph.. .hu hu hu!”

HINDI natuloy ang balak na mangyari ni Joseph. Subalit hindi rin iyon naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa maayos na paliwanagan ay nakumbinsi ni Judith ang kasintahan na ibibigay lamang nito ang kahilingan ng binata kung sila ay kasal na. At mangyayari lamang iyon kapag sila’y nakapagtapos na ng pag-aaral.

Ang pusang nakita ni Judith nang gabing iyon ay ang pusa nga nilang alaga ng kanyang yumaong ama Nang gabing iyon pala ay namatay din ang pusa dahil sa katandaan.

Sinarili na lamang ni Judith ang mga nangyari ng gabing iyon. Batid niyang sa pagmamahal sa kanya ng ama ay hindi siya nito hinayaang magkasala. At kahit sa pamamagitan ng alaga nitong pusa ay nagawa nitong iparating sa kanya ang mensahe ng pagmamahal nito sa kanya.

Ang Wakas

29/03/2012

Patungo Na Sa Kamatayan

Tinangka niyang iangat ang takip ng kabaong pero hindi niya nagawa. Nagsimula na siyang kabahan. Malapit na siyang mawalan ng hangin.

NAGISING si Enrico na wala sa loob ng kuwarto niya kundi nasa loob siya ng isang… kabaong! May nagbiro ba sa kanya habang nahihimbing siya atbinuhat siya mula sa k**a at inilipat sa isang kabaong?

“Masyadong morbid at mahal ang practical joke na ito, kung gano’n. May props pang kabaong,” aniya. Pero kung walang nagbibiro sa kanya, ano ngayon ang ginagawa niya sa loob ng kabaong na ito na sa tingin niya ay gamit na?

Tinangka niyang iangat ang takip ng kabaong pero hindi niya nagawa. Nagsimula na siyang kabahan. Malapit na siyang mawalan ng hangin.

Pinagsisipa niya ang gilid ng kabaong, pinagbabayo niya ang salamin na nasa tapat ng mukha niya at nagsisigaw siya ngunit walang tumugon sa kanya. Gayunpaman, hindi siya tumigil sa pagsuntok sa salamin ng kabaong.

Hanggang sa lumapit sa kanya ang kanyang ina at kapatid na babae. Pinagmasdan siya ng mga ito. Nagsimula lumuha ang kanyang ina na nakatunghay sa kanya habang ang kapatid niya ay halatang mugto na ang mga mata sa pag-iyak.

“Enrico, bakit mo kami iniwan agad?” tumatangis na wika ng kanyang ina.

Ano ang pinagsasasabi nito? Pinaghahampas uli niya ang salamin. “Hindi pa `ko patay!” sigaw niya. Butil-butil na ang pawis niya at nagsisimula na siyang pangapusan ng hininga. “Hindi n’yo ba nakikitang gumagalaw ako? Hindi n’yo ba naririnig ang sigaw ko?”
Wala siyang nakitang reaksiyon sa ina at kapatid. Ang kanyang ina ay nagpatuloy sa pag-iyak habang ang kapatid niya ay inaalong niyakap ito. Pag-alis ng mga ito ay pinalitan ang mga ito ng mga k**ag-anak niya na tumunghay rin sa kanya na tila ba patay na talaga siya.

Nanghihina na siya ngunit pilit pa rin niyang iginagalaw ang mga k**ay niya, sumisigaw pa rin siya sa abot ng makakaya niya ngunit nananatiling walang reaksiyon ang mga tumutunghay sa kanya.

Hanggang sa lumapit sa kanya si Hector. Kababata at matalik na kaibigan niya ito. Agad na napamulagat ito nang mapatingin sa kanya.

“Gumagalaw si Enrico! Buhay pa si Enrico!” sigaw nito. Nakahinga siya nang maluwag sa narinig.

Tinanggal ni Hector ang takip ng kabaong ngunit sa halip na alalayan siyang makabangon dahil latang-lata na siya ay inundayan siya nito ng maraming saksak! Pagkatapos siyang paulit-ulit na saksakin ay muling ipininid nito ang kabaong.

“Ngayon, patay ka na talaga, pare,” nangingiting wika nito nang muli siyang pagmasdan. Puno ng talsik ng dugo niya ang mukha nito…

NAALIMPUNGATAN si Enrico na nanlalamig ang buong katawan. Nakakatawa ngunit nakakatakot ang panaginip niya.

May kahulugan ba ang panaginip niyang iyon? Dapat ba niyang ikabahala iyon o bale-walain tulad ng napakarami na niyang panaginip? Hindi na naman bago sa kanya na managinip na patay na siya o ang isa sa mga mahal niya sa buhay.

May mga panaginip daw na nagkakatotoo at mayroon namang kabaligtaran ang nangyayari sa totoong buhay. Pero iyong napanaginipan niyang iyon, mukhang malabong mangyari sa totoong buhay.

Nang ikuwento niya kay Hector ang naging panaginip niya ay natawa lang ito. Baka nga raw kahit nakikita na nitong hindi na siya humihinga ay pipilitin pa rin nitong buhayin siya. At kung nakasara man nang mabuti ang kabaong, hahagisan daw nito iyon ng nuclear bomb, mabuksan lang.

Itinuring niya si Hector na parang isang tunay na kapatid. Nag-iisang anak lang ito kaya sabik ito sa kapatid. Anim ang kapatid niya ngunit malugod pa rin niyang tinanggap ito bilang kapatid niya.

Hanggang sa may masamang nangyari kay Hector. Malubhang naaksidente ito habang sakay ng motorsiklo nito.

“Comatose siya,” umiiyak na balita sa kanya ng asawa ni Hector.

Lumipas ang mga araw na nananatiling comatose si Hector sa ospital. Hindi matiyak kung kailan magigising ito, o kung magigising pa.

Hanggang sa nahulog ang katawan ng asawa nito. Halos hindi ito makakain at makatulog dahil sa nangyari sa kaibigan niya.

Minsan ay kinausap siya nang masinsinan ng asawa ni Hector.

“Kailangan pa bang palawigin natin ang buhay ni Hector gayong mga machine na lang halos ang bumubuhay sa kanya?” tanong nito sa pagitan ng mga hikbi.

Alam niyang labag sa kalooban nito ang sinabi ngunit marahil ay ayaw na lang nitong patagalin pa ang paghihirap ng asawa nito.

“All we have to do is unplug all the machines,” sabi ng doktor nito.

May gumagawa naman nang ibang tao ng ganoong proseso at marahil ay maiintindihan naman sila ng Diyos kung sakali mang gawin nila iyon kay Hector. Ayon sa doktor ay wala nang magagawa pa kay Hector.

Namalayan na lang niyang umaayon siya sa gustong mangyari ng asawa at ng mga k**ag-anak ni Hector.

ILANG araw pagkalibing kay Hector ay napanaginipan niya ito. Tinapik daw siya nito sa balikat at nang lingunin niya ay isang salita lang ang namutawi rito.

“Bakit?” malungkot na tanong nito sa kanya bago naglaho.

Itinatanong ba ni Hector kung bakit pinatay na nila ito gayong may kaunti pang hininga ito? Lahat silang nagmamalasakit dito ay inakalang iyon din ang nais ng kaibigan niya kung makapagsasalita lang ito. Batid nilang ayaw ni Hector na makitang nahihirapan ang mga nagmamahal dito. Nagk**ali ba sila?

Mas gugustuhin ba ni Hector na kusang malagot ang hininga nito, may aparato mang tumutulong dito o wala?

Kasunod niyon ay naalala niya ang naging panaginip niya na nasa loob siya ng ataul, kung saan hindi pinansin ng pamilya niya ang pagtawag niya at sa halip ay itinuring siyang patay kahit walang tigil na sinusuntok niya ang salamin ng kabaong niya upang iparating na buhay pa siya. Dumating si Hector at napansing buhay pa siya ngunit sa halip na ilabas siya nito sa kabaong ay pinagsasasaksak pa siya nito hanggang sa tuluyan na siyang mamatay.

May koneksiyon ba ang panaginip niya sa nangyari kay Hector? At sa totoong buhay nga lang ay nagkabaligtad sila ng sitwasyon? Si Hector ang buhay pa pero itinuring nang patay ng mga nagmamahal dito.

Naalala rin niya ang sinabi ni Hector nang ikuwento niya rito ang panaginip niyang iyon. Kahit daw hindi na siya humihinga ay pipilitin pa rin nitong mabuhay siya uli.

Si Hector, may hininga pa nang kaunti, pero hindi na nila pinilit buhayin.

“Pinaikli lang natin ang paghihirap ni Hector, tutal, sa k**atayan na rin naman siya patungo,” wika noon ng isang k**ag-anak ni Hector sa kanya habang magkatabi sila nito sa burol ng kaibigan.

Sa kabila ng sinabi nito, hindi pa rin niya maiwasang makonsiyensiya nang todo.

Wakas.

28/03/2012

""TXTMATE""

My cellphone's beeping sound
woke me up one night. Used to
receiving important messages
only, I grabbed my cellphone
and sleepily pressed the keys
and read the message. "Hi there! Care 2 b my
txtmate?" Not knowing who the sender
was, I deleted the message
right away and placed the
phone on my bedside table. I
tried to go back to sleep. I had
just closed my eyes when I heard the message tone again. "Hi there, again! Care 2 b my
txtmate?" again, the message
said. "Who the hell could this be
asking for a textmate at the
wee hours of the night?" I
asked myself. Again, I deleted the message
without bothering to reply. I was never a 'textmaniac' -
someone who enjoys texting
anyone and everyone even in the
wee hours of the night, not to
mention during the day. My
parents who were always abroad, forced me to own a
cellphone. They told me that
having one was more convenient
- they could monitor me even if
they're miles away. I wanted to turn the cellphone
off. However, since my mother
was fond of calling me at night
just to check if I am safe at
home, I decided not to. Just as I was about to close my
eyes and return to my dreamless
sleep, the phone beeped again.
It was from the same number!
Such determination! "Ply reply 2 dis msg & b an
angel & save me frm dis abyss
of emptiness!" I never knew why but the
message struck me. I got up and
pressed the keys. I realized I
was replying to the message. "Im not an angel, n if u want
som1 2 save u, Im not
superman. Im just a simple
person whom u woke up in d mid
of d nite! Nway, do I know u?" I
typed. Seconds later came the reply. "Nope. U don't know dis lonely
soul. Nor does she know u. But I
want 2 b ur frnd. I'm Mikaella
Cervantes. U?" "Just call me Julius. How did u
get my no.?" I sent back. "Hi Julius, nice 2 meet u. Just
shuffled the last two digits of
mine" she replied. That was the first and maybe
the last time I met someone
over the cellphone. We exchanged messages and
learned so much about each
other that night. We only said
goodbye when my alarm clock
rang at 5 a.m.! I had to prepare
for school! And that was also how it all
started. There wouldn’t be a
day without a loving and
thoughtful message from her.
It was only then I learned to
appreciate text messages and become eager and excited
everytime my phone beeped,
hoping it would be her.

26/03/2012

Ang Mahirap na Lalaki at ang Mayaman na Babae

Isang araw nagpropose ang lalaki sa babae.

Girl: "Alam mo bang ang 1 Buwan mong Sahod ay ang gastos ko lang sa isang araw?
Makikisama ba ako sayo? Ano?
Kalimutan mo na ako, mag propose ka sa kamukha mong mahirap!"

Boy: ... Di mawala sa isip na lalaki ang sinabi ng minahal nya.

10 years later...

Isang araw ngkita sila sa isang mall.

Girl: "Hoy! Ikaw! Kumusta? Kinasal na pala ako.
Alam mo ba ang Sahod ng Asawa ko?
P200,000.00 sa isang Buwan at Sobrang Galing pa niya."

Bglang napaluha ng kaunti ang lalaki ng marinig niya ang sinabi ng dating minahal.

Pagkatapos ng ilang minuto, Dumating ang Asawa ng babae.

Girl's (Husband): Sir! Nandyan pala kayo,
Girl's (Husband): Sir, Eto po pala ang Asawa ko.
Girl's (Husband): Sya nga pala, Si sir ang Boss ko Hon.
Girl's (Husband): Ako pala ang tumutulong sa Project ni Sir na P2,000,000,000.00
Girl's (Husband): Hon, Alam mo ba? mayroong minahal si Sir, Pero hindi siya tinanggap nung babae.
Girl's (Husband): Kaya hanggang ngayon wala pa siyang Asawa, Napaka swerte ng babaeng Mapapangasawa ni Sir, diba Hon?

Life is not so short.
So, don't be so proud of yourself and damn others.
Situations change with time.
Every one should respect other's love.

Ang Pagmamahal ay Di nasusukat
sa Pera o Kayamanan.

Address

Sta Cruz
San Pablo
4000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when =new Loverz united= posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram