02/03/2026
Kaka-“God will provide” mo,
ang dami mo nang utang.
Provider si Lord. Totoo yan.
Pero hindi ibig sabihin nun,
wala ka nang responsibility.
Kaka-“God will provide” mo,
hindi mo na inayos ang budget mo.
Hindi mo na binantayan ang gastos mo.
Hindi mo na tinigil ang swipe,
ang online order, ang impulsive na bili.
Tapos kapag due date na,
stress.
Tawag ng bangko.
Minimum payment.
Roll over.
Hindi masama ang umutang kapag may emergency.
Pero delikado kapag lifestyle na.
Hindi si Lord ang nag-checkout sa cart mo.
Hindi si Lord ang nagdesisyon na “deserve ko to.”
Ikaw.
Ang faith, hindi pangtakip sa disiplina.
Ang faith, dapat nagtuturo ng responsibility.
Kung talagang naniniwala ka na Provider Siya,
mas lalo mong aalagaan ang perang hawak mo.
Kasi blessing yan.
Pwede mong simulan ang pag aalaga dito:
Ilista mo lahat ng utang mo.
Alamin mo ang total.
I-stop muna ang dagdag na gastos.
Bayaran mo isa-isa.
Hindi kita hinuhusgahan.
Pero may cycle kang kailangang putulin.
God provides opportunity.
Ikaw ang mag-aayos ng diskarte.
Proverbs 21:5
“The plans of the diligent lead surely to profit.”
Hindi sapat ang faith lang.
Kailangan may plano.