
08/10/2025
Ang Oktubre 5, 2025 ay tinaguriang WORLD MENINGITIS DAY.
Ito ay naglalayong palawakin ang kamalayan tungkol sa meningitis, mga sintomas nito, at mga bakuna na makakatulong na maiwasan ito.
Ang unang World Meningitis Day ay ginanap noong 2008, at ginagamit ito ng Confederation of Meningitis Organizations (CoMO) bawat taon mula noon upang isulong ang kaalaman ukol sa meningitis bilang isang pandaigdigang isyu sa kalusugan ng publiko.
Hinihikayat namin ang publiko na subaybayan ang page namin hanggang Oktubre 5, 2025 upang ibahagi ang aming mga post upang ipakalat ang kamalayan at kaalaman ukol sa nakakapinsalang sakit na meningitis.
Para sa karagdagang impormasyon, tumuloy sa aming website https://www.childneurologysocietyphilippines.com/about-4