24/03/2026
๐๐ฎ๐ญ๐จ๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐, ๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐๐ข๐ฅ๐ข๐๐๐
Gwyneth Althea Baja | Womenโs Month Article
Parang isang mesa ng handaan ang lipunan: may pagkaing nakahain para sa lahat, ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong makibahagi. Sa pagpapasa-pasa ng bawat handa sa lamesa, unti-unting nauubos ang mga oportunidad at ang natitira na lamang ay kapira-pirasong dignidad sa mga plato. Sa bawat pagsubo sa mga tira-tirang ito ay kasabay ng paglunok sa tinik ng mapait na katotohanan.
Sa nagdaang milenyo, patuloy at nanatiling nakikipaglaban ang mga kababaihan sa kanilangkarapatan. Sa bawat pagbabago at pagkakaroon ng pantay na batas hanggang sa pagboto, nasa likod nito ang ibaโt ibang henerasyon ng kababaihang mayroong paninindigan.
Sa kasalukuyan, madalas ipahayag na mayroon nang pantay na kinalalagyan ang kababaihan sa lipunan. Subalit hindi maitatanggi ang patuloy na panawagan hinggil sa kakulangan ng mga oportunidad. Nanatiling limitado ang espasyo ng kababaihan sa pamumuno, pagkilala, at sa ibang larangan.
Isa sa malinaw na halimbawa nito ay ang hindi pantay na kompensasyon sa maraming sektor ng paggawa. Sa maraming pagkakataon, mas mababa ang kita ng kababaihan kumpara sa kanilang mga lalaking katrabaho sa parehong uri ng trabaho. Ito ay dahil pa rin sa umiiral na โgender wage gapโ hanggang sa kasalukuyan.
Hindi lamang ito usapin ng โequal pay for equal work.โ Ipinapakita ng maraming pag-aaral na malaki ang impluwensiya ng mga salik tulad ng umiiral na gender roles, mga social bias, at ang limitadong partisipasyon ng kababaihan sa ilang larangan ng paggawa.
Dahil dito, kahit may mga pagkakataong pareho ang sahod sa iisang posisyon, nananatili pa rin ang mas malawak na agwat sa kita at oportunidad. Sa katunayan, wala pang bansa sa mundo ang ganap na nakapagsara ng gender wage gap.
Ang hindi pantay na sahod ay isa lamang manipestasyon ng mas malalim na suliranin sa lipunan. Hanggang ngayon ay nananatiling malakas ang impluwensiya ng mga umiiral na estrukturang panlipunan na matagal nang humuhubog sa hindi pantay na pagtingin sa kakayahan ng kababaihan. Nananalaytay pa rin sa lipunan ang mga gender expectations at cultural norms na nakaaapekto sa pagtingin sa kakayahan ng mga babae.
Habang gutom sa kapangyarihan at pagkakataon, ang kababaihan ay patuloy na pinupuno ng mga inaasahang responsibilidad.
Mas malaki ang bahagi ng kababaihan sa tinatawag na โunpaid care workโ tulad ng pag-aalaga ng anak, gawaing bahay, at emosyonal na suporta sa pamilya kung saan ito ang mga tungkuling madalas ay hindi kinikilala bilang bahagi ng produktibong paggawa.
Nagmumula ito sa matagal nang panlipunang inaasahan na ang kababaihan ang dapat maglaan ng mas malaking oras sa mga gawaing pang-alaga at pangbahayโisang kalagayang kadalasang nagiging hadlang sa kanilang mga oportunidad sa trabaho at
pag-unlad.