03/07/2025
🩸HIV AWARENESS CAMPAIGN, INILUNSAD! 🩸
Inilunsad ng Sto. Domingo Local AIDS Council, katuwang ang Nueva Ecija Provincial Health Office, noong June 26, 2025 ang “KNOW YOUR STATUS, Sto. Domingo: An HIV Awareness Campaign with Free Counseling and Voluntary Testing.” Layunin ng programang ito na:
1. Palaganapin ang tamang kaalaman tungkol sa paraan ng pagkalat, pag-iwas, at gamutan ng HIV/AIDS;
2. Hikayatin ang publiko—lalo na ang mga kabilang sa high-risk groups—na boluntaryong sumailalim sa HIV testing;
3. Itaguyod ang inklusibo at walang diskriminasyong talakayan ukol sa HIV sa ating mga komunidad.
Nagsilbing Resource Speaker sa programa ang Provincial HIV Program Coordinator na si Ma’am Jhoana Marie Pongasi. Tinalakay niya ang mahahalagang impormasyon patungkol sa HIV at AIDS. Matapos ang talakayan at isang testimonial, ay nabigyan ng pagkakataon ang mga dumalo na boluntaryong sumailalim sa HIV testing para malaman ang kani-kanilang mga status.
Dinaluhan ang nasabing programa ng mga miyembro ng iba’t-ibang LGBTQIA+ groups sa bayan ng Sto. Domingo, gayundin ang mga opisyal at miyembro ng Sangguniang Kabataan Federation.
x————x
Para sa mga interesado at nais magpa-HIV test para malaman ang inyong status, maaari po kayong magtungo sa ating Laboratoryo sa ating munisipyo. Sinisiguro po naming ang inyong personal na impormasyon at detalye ay mananatiling pribado o confidential. Maraming salamat po.