23/12/2025
π World AIDS Day 2025 Collaboration nang GABAY at TALA Treatment Hub π«π©Έ
Nitong nakaraang Disyembre 13, 2025, muling nag-kaisa ang komunidad para sa isang selebrasyong puno ng saya, pagkakaisa, at malalim na layunin, hindi lang ito basta pagtitipon. Ito ay pagpapatunay na sa kabila ng mga pagsubok o hamon pagdating sa HIV at AIDS ay patuloy na paglilingkod sa komunidad.
Narito ang mga mahahalagang sandali ng ating pagdiriwang:
π Masiglang Simula: Zumba for Wellness
Sinimulan natin ang umaga nang may hataw at sayaw! Ang ating Zumba session ay naging simbolo ng pagpapahalaga sa ating kalusugan at ang kagalakan ng pagiging buhay at malakas.
π Panalangin at Pag-asa: Banal na Misa
Nag-alay tayo ng isang Banal na Misa na nakatuon para sa lahat ng ating mga kapatid na PLHIV. Sa bawat panalangin, ating pinarangalan ang inyong katatagan (resilience) at ang pag-asang patuloy na nagbibigay-liwanag sa ating landas.
π Pagpuksa sa Stigma: Volleyball League
Sa gitna ng court, ipinamalas ang galing at camaraderie sa ating volleyball competition. Sa bawat spike, layunin nating wasakin ang pader ng stigma at diskriminasyon, at palitan ito ng pagtanggap at inklusibong pakikitungo sa lahat.
π€ Pagkakaisa: General Assembly
Ang araw ay nagtapos sa isang makabuluhang General Assembly kasama ang mga kliyente, stakeholders ng Tala Treatment Hub at GABAY Organization. Ito ay naging pagkakataon para sa bukas na diyalogo, pagbibigay parangal, pamaskong handog pagkain mula sa AHF Philippines para sa proyektong Food For Health, pagkakaisa, at muling pagtitibay ng ating panata na magbigay ng kalinga, pag-unawa at suporta.
Ang selebrasyong ito ay higit pa sa mga aktibidad; ito ay patunay ng ating pagmamalasakit at pagmamahal sa isaβt isa. Sama-sama tayong tatayo para sa pag-ibig, pagtanggap, at ligtas na espasyo patungkol sa HIV at AIDS.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng selebrasyong ito! ππ«Ά
(Nagpapasalamat kami sa mga sumuporta ng event na ito, mula sa Tala Treatment Hub Djnrmhs , AHF Philippines , Bahay Ni Lucas at sa lahat ng nagpaabot ng tulong para maisakatupakan ang proyektong ito.)