Biñan City Epidemiology & Surveillance Unit - CHO1

Biñan City Epidemiology & Surveillance Unit - CHO1 A unit under the City Health Office 1 - Biñan Laguna
Responsible for collecting, analyzing and diss

✨📢 BAKUNA ESKWELA 2025 📢✨Ngayong Setyembre 29, 2025, matagumpay na isinagawa ng City Health Office 1,  katuwang ang Depa...
29/09/2025

✨📢 BAKUNA ESKWELA 2025 📢✨

Ngayong Setyembre 29, 2025, matagumpay na isinagawa ng City Health Office 1, katuwang ang Department of Education, Barangay Timbao Officials at Barangay Midwives and Health Workers ang School-Based Immunization Program sa Timbao Elementary School 🎒🏫.

💉 Libreng bakuna para sa proteksyon laban sa:
✅ HPV
✅ Measles
✅ Rubella
✅ Tetanus
✅ Diphtheria

👩‍⚕️👨‍⚕️ Sa pamamagitan ng programang ito, layunin nating bigyan ng dagdag na proteksyon ang ating mga mag-aaral laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Maraming salamat sa suporta ng ating mga g**o, magulang, at barangay health workers sa pagpapatupad ng makabuluhang programang pangkalusugan para sa mga kabataan ng Biñan! 💚✨





🛡️ Iwasan ang Hand Foot and Mouth Disease! 🛡️Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na pinaka nakaaapekto sa mga batang ed...
18/09/2025

🛡️ Iwasan ang Hand Foot and Mouth Disease! 🛡️

Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na pinaka nakaaapekto sa mga batang edad 5 taon pababa. Nagdudulot ito ng pagpapantal sa kamay, paa, at singaw sa bibig.

Protektahan ang iyong anak laban sa sakit na ito!
✅ Ugaliing maghugas ng kamay
✅ Iwasang hawakan ang mata, ilong, at bibig
✅ Linisin at i-disinfect ang mga kagamitan
✅ Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center

Protektahan ang sarili at ang pamilya laban sa HFMD!

22/08/2025
August 19 – Ang Lungsod ng Biñan, sa pamamagitan ng City Health Office – City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU),...
19/08/2025

August 19 – Ang Lungsod ng Biñan, sa pamamagitan ng City Health Office – City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), ay malugod na tumanggap kay Dr. Peter Kiiza mula sa Department of Health – Epidemiology Bureau (DOH-EB), katuwang ang US Center for Disease Control at SAFETYNET.

Layunin ng pagbisita ang pagsusuri sa Field Epidemiology Training Program – Intermediate Course (FETP-IC) at lalo pang pagpapatibay ng kapasidad sa epidemiology upang mapabuti ang ating disease surveillance systems dito sa ating lungsod.

Si G. Hans Kristian O. Lorenzana, Disease Surveillance Officer ng CESU-Biñan, ay isang proud graduate ng FETP-IC at naging Certified Applied Epidemiologist noong taong 2022.

🤝 Sama-sama tayong magpatuloy tungo sa isang mas malusog, ligtas, at matatag na Biñan! 💚



08/08/2025
🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospi...
24/07/2025

🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.

Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.

Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.







Delikado maglaro at lumangoy sa tubig baha. Maaaring naglalaman ito ng maruruming bagay na magdudulot ng sakit lalo na s...
23/07/2025

Delikado maglaro at lumangoy sa tubig baha. Maaaring naglalaman ito ng maruruming bagay na magdudulot ng sakit lalo na sa mga bata.

Kung may banta ng pagbaha, lumikas nang maaga para maiiwasan ang paglakad sa bahaing lugar.

Hulyo 23, 2025| 📍 Brgy. De La Paz, Lungsod ng BiñanBilang tugon sa kalusugan ng mga apektadong residente, matagumpay na ...
23/07/2025

Hulyo 23, 2025| 📍 Brgy. De La Paz, Lungsod ng Biñan

Bilang tugon sa kalusugan ng mga apektadong residente, matagumpay na isinagawa ng City Health Office - Biñan ang Rapid Health Assessment & Response na kinabibilangan ng mga sumusunod na serbisyo:

✅ Leptospirosis Prophylaxis
✅ Pamimigay ng Aquatabs para sa ligtas na inuming tubig
✅ Immunization at Vitamin A Supplementation para sa proteksyon ng mga bata

🤝 Patuloy tayong magkaisa para sa kaligtasan at kalusugan ng bawat Biñanense!

📞 Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:
City Health Office
Brgy. Sto. Domingo, City of Biñan
📧 cho@binan.gov.ph | ☎️ (049) 511-81-42





Lumusong ka ba sa baha? Kailangan mo nang magpakonsulta! Narito ang gabay sa tamang pag-inom ng Doxycycline bilang proph...
22/07/2025

Lumusong ka ba sa baha? Kailangan mo nang magpakonsulta! Narito ang gabay sa tamang pag-inom ng Doxycycline bilang prophylaxis.

Paalala:
- Kailangan ng reseta ng doktor upang makakuha ng gamot na doxycycline.
- Agad na magpakonsulta kung ikaw ay lumusong sa baha, may sugat man o wala.
- Ang doxycycline ay hindi ligtas para sa mga buntis at nagpapasusong ina.
- Ang doxycycline ay hindi binibigay sa mga batang may edad na mababa sa 8 taong gulang.

12/07/2025

❕DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE❕

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

🖐👣 Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
📌 lagnat
📌 singaw sa bibig
📌 sakit sa lalamunan
📌 mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

❗️Makaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:

✅Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
✅Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
✅Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




Address

Brgy. Sto. Domingo
Sto. Domingo
4024

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Biñan City Epidemiology & Surveillance Unit - CHO1 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Biñan City Epidemiology & Surveillance Unit - CHO1:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram