Non-Com Tagaytay

Non-Com Tagaytay HEALTHY LIFESTYLE

04/06/2025

๐Ÿ˜ SMILE NAMAN DIYAN!!

๐Ÿคข Tag your friend na mabaho ang hininga at naninilaw ang ngipin dahil sa yosi! Patingin nga ng photo diyan?

โœจ Sabihin mo, "Sayang ang kalusugan mo, sayang pa ang ngiti mo sanang pang-world class!"

๐Ÿšญ Kaya, 'Wag magyosi! 'Wag magvape!

๐Ÿ“ž Para maibalik ang ganda ng ngiti mo, tumawag sa DOH Quitline 1558.

"

04/06/2025

๐ŸŒˆ Makiisa sa pagsulong ng malaya, malusog, at ligtas na pagmamahalan para sa lahat!

May available na serbisyong pangkalusugan, anuman ang iyong kasarian o SOGIE:
๐Ÿง  Mental health at psychosocial support
๐Ÿ›ก Gender-based violence assistance programs
๐Ÿ’– Libreng HIV care services tulad ng PrEP, testing, at antiretroviral therapy
๐Ÿฅ Healthcare facilities bilang safe spaces para sa lahat

Tandaan: Ang kalusugan ay karapatan ng bawat isa.

Pumunta sa pinakamalapit na health center para sa sa libre at inklusibong serbisyong pangkalusugan.

Isang paalala ngayong PRIDE Month. ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ




04/06/2025

Dahil tag-ulan na, kailangang bantayan ang W.I.L.D na sakit na uso tuwing umuulan:

๐Ÿ’ง Waterborne diseases โ€“ mula sa maruming tubig
๐Ÿค’ Influenza-like illnesses โ€“ trangkaso / lagnat, ubo, sakit ng katawan
๐Ÿ€ Leptospirosis โ€“ galing sa ihi ng daga na nasa baha
๐ŸฆŸ Dengue โ€“ dala ng kagat ng Aedes aegypti na namamahay sa naipong tubig

Antabayanan ang karagdagang impormasyon para maiwasang magkasakit.

๐Ÿ“ž Masama ang pakiramdam? Tumawag sa Telekonsulta Hotline 1555 (Press 2) para sa mabilis na konsultasyon!




04/06/2025

AirPollution in the form of fine particulate matter or PM2.5, can lead to:

๐Ÿ”ธ strokes
๐Ÿ”ธ diabetes
๐Ÿ”ธ heart diseases
๐Ÿ”ธ lung cancer
๐Ÿ”ธ respiratory diseases

It also impacts pre and neonatal health

04/06/2025
04/06/2025
29/05/2025

Iwasan ang Nakamamatay na Rabies! ๐Ÿ•๐Ÿ˜ฟ

Ang rabies ay isang nakamamatay na sakit mula sa virus na naipapasa sa kagat, kalmot at laway ng hayop. Protektahan ang sarili at pamilya:

โœ” Pabakunahan ang alagang hayop taun-taon ๐Ÿฉน๐Ÿถ๐Ÿฑ
โœ” Huwag hayaang gumala ang alaga sa kalsada ๐Ÿšท
โœ” Iwasang lumapit sa di-kilalang hayop โš ๏ธ๐Ÿพ
โœ” Turuan ang bata na huwag harutin ang mga alagang hayop ๐Ÿ‘ฆโŒ๐Ÿ•

๐Ÿ’‰ Bakuna para sa alaga, proteksyon para sa lahat! ๐Ÿ’‰




CALLING MGA MOMSHIES! alamin ang inyong reproductive health status! Mag pacervical at breast cancer screening na! SIMPLE...
29/05/2025

CALLING MGA MOMSHIES!

alamin ang inyong reproductive health status!
Mag pacervical at breast cancer screening na!
SIMPLE, MABILIS AT LIBRE!

Tandaan! PREVENTION IS BETTER THAN CURE!

Mag iwan lamang ng mensahe sa FB page na ito para sa schedule.

06/05/2025

โ€ผ๏ธCervical cancer ang pangalawa sa pinaka karaniwang cancer sa mga kababaihanโ€ผ๏ธ

Makinig sa iyong katawan at bantayan ang alinmang sintomas na nasa larawan.

๐Ÿ“Œ Magpa-bakuna laban sa cervical cancer para may proteksyon ka sa human papillomavirus.

๐Ÿ“Œ Pagdating ng 30 y/o, magpa cervical cancer screening kada 3-5 taon.

๐Ÿ“Œ Sa mga pasyenteng nadiagnose na may cervical cancer, makipag-ugnayan sa PhilHealth centers para sa Z-Benefit Package na tulong sa inyong gamutan. Bisitahin ang philhealth.gov.ph/benefits/

Isang paalala ngayong Cervical Cancer awareness month. ๐Ÿ’–

06/05/2025

Patay na patay ka na bang humithit?

Sakto dahil may formaldehyde na pang embalsamo ang yosi mo ๐Ÿ’€

โ€˜Wag hayaang maihatid ka ng yosi sa morgue nang maaga.

'Wag magyosi, 'wag magvape. Tumawag sa DOH Quitline 1558.




06/05/2025

๐ŸคฐSAFE MOTHERHOOD CELEBRATION 2025 ๐Ÿคฑ๐Ÿผ
Theme: โ€œKalidad na Pangangalaga sa Ina, Kalusugan ng Sanggol may Garantiyaโ€

๐Ÿ“ŒNgayong buwan, ipinagdiriwang natin ang Safe Motherhood Celebration๐Ÿคฑ๐Ÿผ bilang pagkilala sa kahalagahan ng ligtas at maayos na pangangalaga sa mga buntis na kababaihan.

๐Ÿคฐ๐ŸปAng kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa ina ay susi sa malusog na pagbubuntis at ligtas na panganganak. ๐Ÿคฑ๐ŸปIsa sa pinakamahalagang hakbang ay ang kumpletong 8 antenatal check-ups ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿปโ€โš•๏ธpara sa bawat inaโ€”upang masigurado ang kaligtasan ng ina at sanggol sa bawat yugto ng pagbubuntis.

Alagaan ang INA, protektahan ang BUHAY ng bagong isisilang!

06/05/2025

Nakababahala ang sunod sunod na banggan na kumitil sa buhay ng ating mga kababayan.

Nasa 31,258 ang aksidenteng naitala ng PNP-HPG noong 2024. Habang nasa mahigit 1.19M ang namamatay taun-taon sa aksidente sa kalsada ayon sa WHO.

Ang mga insidenteng ito ay MAIIWASAN sa pinagsamang maayos na sistema at imprastraktura ng road safety at ng kahandaan, disiplina at maayos na kondisyon ng motorista, pedestrian at maging ng mga sasakyan.

Sundin ang mga paalala sa larawan para masiguro ang kaligtasan sa daan.

Road safety is A SHARED RESPONSIBILITY.

Ingat po tayo sa biyahe! ๐Ÿš™




Address

Akle Street Brgy. Kaybagal South
Tagaytay City
4120

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639386198040

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Non-Com Tagaytay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Non-Com Tagaytay:

Share