Your Blood Doctor - Dr. Ana Margarita R. Natividad

Your Blood Doctor - Dr. Ana Margarita R. Natividad Internist - Hematologist
Impormasyon tungkol sa sakit sa dugo, bone marrow, at kaugnay na organs (pali at kulani)
CBC • Anemia • Blood disorders
📍PH

TOTOO TUESDAYS on THALASSEMIA❌ MYTH: Pareho ang anemia at thalassemia.✅ FACT: Hindi ito totoo. Ang anemia ay isang kondi...
19/05/2026

TOTOO TUESDAYS on THALASSEMIA

❌ MYTH: Pareho ang anemia at thalassemia.
✅ FACT: Hindi ito totoo. Ang anemia ay isang kondisyon kung saan mababa ang hemoglobin o red blood cells sa dugo at maaaring dulot ng iba’t ibang sanhi tulad ng iron deficiency, pagdurugo, o chronic disease—kadalasan ito ay nagagamot depende sa dahilan. Samantalang ang thalassemia ay isang namamanang (genetic) blood disorder kung saan may problema sa paggawa ng hemoglobin dahil sa gene mutation, kaya ito ay panghabambuhay na kondisyon at sa malulubhang kaso ay nangangailangan ng regular blood transfusion. Sa madaling salita, maaaring magkaroon ng anemia ang taong may thalassemia, ngunit hindi lahat ng anemia ay thalassemia.

BLOOD DONATION SUNDAY🩸🔎 Akala mo simpleng turok lang? May checklist muna, bes! 😉Bago ka maging blood hero, dadaan ka mun...
17/05/2026

BLOOD DONATION SUNDAY
🩸🔎 Akala mo simpleng turok lang? May checklist muna, bes! 😉

Bago ka maging blood hero, dadaan ka muna sa mini health check-up — registration, vital signs, hemoglobin check, at chikahang medical interview. 💬💛

Hindi ito para i-reject ka…
✨ Ito ay para protektahan ka.
✨ Para siguradong safe ang pasyente.
✨ Para quality ang bawat patak ng dugo.

Tandaan: Isang ligtas na donor = Isang ligtas na buhay. 🩸❤️

Ready ka na ba maging certified blood hero? 🦸‍♂️🦸‍♀️

FEATURE FRIDAYTHALASSEMIA🩸✨ Trait? Minor? Major? Alamin bago manghula!Hindi lahat ng anemia ay pare-pareho — at hindi la...
15/05/2026

FEATURE FRIDAY
THALASSEMIA

🩸✨ Trait? Minor? Major? Alamin bago manghula!
Hindi lahat ng anemia ay pare-pareho — at hindi lahat ng thalassemia ay malala. 💡

Sa tamang kaalaman, maiiwasan ang maling gamutan.
Sa tamang impormasyon, may tamang desisyon. ❤️

🧬 Tandaan: Namamana ito, hindi nakakahawa!
📚 Knowledge is power — at minsan, lifesaver pa.

TOTOO TUESDAYS on THALASSEMIA❌ MYTH: Nakakahawa ang thalassemia✅ FACT: Hindi - ang thalassemia ay isang genetic o namama...
12/05/2026

TOTOO TUESDAYS on THALASSEMIA

❌ MYTH: Nakakahawa ang thalassemia
✅ FACT: Hindi - ang thalassemia ay isang genetic o namamanang kondisyon, ibig sabihin ipinapasa ito mula sa magulang papunta sa anak sa pamamagitan ng genes at hindi sa pamamagitan ng hangin, laway, dugo, pagkain, o simpleng pakikisalamuha. Hindi ito tulad ng impeksyon na maaaring mahawa sa pag-ubo, paghawak, o pakikikain sa taong may thalassemia. Kaya walang dapat ikatakot sa pakikipagtrabaho, pakikipagkaibigan, o pakikisalamuha sa kanila - ang mas kailangan nila ay tamang kaalaman, suporta, at pag-unawa mula sa komunidad.

BLOOD DONATION SUNDAYAng mga pasyenteng may thalassemia ay umaasa sa regular na blood transfusion para mabuhay. 🩸Kung ik...
10/05/2026

BLOOD DONATION SUNDAY
Ang mga pasyenteng may thalassemia ay umaasa sa regular na blood transfusion para mabuhay. 🩸

Kung ikaw ay eligible, ang isang oras lang ng iyong araw ay maaaring magligtas ng buhay. ❤️

📍 Sumali sa blood donation drive
🔁 I-share para mas maraming makaalam

FEATURE FRIDAY🩸 Hindi lahat ng anemia ay pare-pareho.Ngayong Thalassemia Awareness Month, palawakin natin ang ating kaal...
08/05/2026

FEATURE FRIDAY

🩸 Hindi lahat ng anemia ay pare-pareho.
Ngayong Thalassemia Awareness Month, palawakin natin ang ating kaalaman tungkol sa isang kondisyong hindi pala ganoon kabihira. 🩸✨

More knowledge = more action
Sama-sama nating ipalaganap ang tamang impormasyon ngayong Mayo! 💜

📌 Kung may history sa pamilya o madalas ang anemia, magpatingin at magpa-screen.
🔁 I-share para mas marami ang maging aware.

TOTOO TUESDAYS on NAMAMANANG SAKIT❌ MYTH: Kapag may genetic diseases laging severe.✅ FACT: Hindi - ang mga genetic disea...
05/05/2026

TOTOO TUESDAYS on NAMAMANANG SAKIT

❌ MYTH: Kapag may genetic diseases laging severe.
✅ FACT: Hindi - ang mga genetic diseases ay may iba’t ibang antas ng kalubhaan—may ilan na severe at nangangailangan ng masinsinang gamutan, ngunit marami rin ang mild o manageable lamang at maaaring hindi gaanong makaapekto sa pang-araw-araw na buhay. Ang epekto ng isang genetic disease ay nakadepende sa uri ng mutation, kung paano ito namamana, at sa pangkalahatang kalusugan ng isang tao, kaya hindi tama na isipin na lahat ng genetic conditions ay awtomatikong malubha.

BLOOD DONATION SUNDAY🩸✨ Platelet donation: Hindi lang ito basta turok—ito ay tunay na tulong!Isang upo sa donation chair...
03/05/2026

BLOOD DONATION SUNDAY
🩸✨ Platelet donation: Hindi lang ito basta turok—ito ay tunay na tulong!

Isang upo sa donation chair, ilang minutong paghihintay… ang kapalit? 💛 Buhay na nadugtungan.

From registration hanggang snack time, bawat hakbang ay may katumbas na pag-asa.

Hindi lahat puwedeng mag-donate ng platelets — kaya kung ikaw ay qualified, aba’y ikaw na ang bida! 🌟

🫶 Maging hero sa simpleng paraan.
Dahil ang platelets mo today, maaaring second chance ng iba tomorrow. 🩸💫

FEATURE FRIDAYMay G6PD? Hindi ito hadlang — basta alam mo ang dapat iwasan.🧪 Ang kaalaman ang pinakamabisang proteksyon....
01/05/2026

FEATURE FRIDAY
May G6PD? Hindi ito hadlang — basta alam mo ang dapat iwasan.

🧪 Ang kaalaman ang pinakamabisang proteksyon.
📌 I-save para may guide ka
🔁 I-share para mas marami ang maging aware

Palagi ka bang nagkakapasa? Alamin kung kelan mo kailangang magpacheck-up sa doctor dahil mas mabuting maagapan kaysa ma...
30/04/2026

Palagi ka bang nagkakapasa? Alamin kung kelan mo kailangang magpacheck-up sa doctor dahil mas mabuting maagapan kaysa mapabayaan!

HEMOPHILIA MYTHS vs FACTS: Bawal ba talagang magpadentist ang mga pasyenteng may hemophilia?
28/04/2026

HEMOPHILIA MYTHS vs FACTS: Bawal ba talagang magpadentist ang mga pasyenteng may hemophilia?

Address

Taguig
1630

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Your Blood Doctor - Dr. Ana Margarita R. Natividad posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share