27/10/2025
Lunes, Oktubre 27
Dapat mahalin ng mga asawang lalaki ang kanilang asawang babae na gaya ng sarili nilang katawan.ββEfe. 5:28.
Inaasahan ni Jehova sa isang brother na mahalin ang asawa niya at ilaan ang pisikal, emosyonal, at espirituwal na pangangailangan nito. Makakatulong sa iyo ang kakayahang mag-isip, respeto sa mga babae, at pagiging maaasahan, para maging mabuting asawa. Kapag nag-asawa ka na, puwede kang magkaroon ng anak. Ano ang matututuhan mo kay Jehova sa pagiging mabuting ama? (Efe. 6:4) Hayagang sinabi ni Jehova sa Anak niyang si Jesus na mahal Niya siya at sinasang-ayunan. (Mat. 3:17) Kung sakaling magkaroon ka ng mga anak, lagi mong sabihin at ipadama sa kanila na mahal mo sila. Lagi mo silang purihin sa magagandang bagay na nagagawa nila. Kung tutularan ng mga tatay si Jehova, matutulungan nila ang mga anak nila na maging mahuhusay na Kristiyano. Magiging handa ka sa pananagutang ito kung ngayon pa lang, mamahalin mo na ang mga kapamilya at kakongregasyon mo at sasabihin mo sa kanila na mahal mo sila at pinapahalagahan.ββJuan 15:9. w23.12 28-29 ΒΆ17-18
Pagsusuri sa Kasulatan Araw-arawβ2025