05/11/2024
10 Signs na Hindi Ka Healthy
1. Laging sinisipon, laging may trangkaso - laging nagkakasakit. Baka may nakatagong sakit.
2. May pagdurogo - abnormal bleeding - nose bleeding lalo na if isang ilong lang may dugo, pag dumi may dugo, nakakatakot yan. Pwedeng may almuranas lang, may a**l fissure or pedeng may colon cancer. Pa check po
If yung dumi pag kulay dinuguan, pacheck po. Duming maitim, pedeng may ulcer. Dumudugo sikmura. Kahit anong bleeding, kahit sa regla, pag biglang humaba regla mo biglang naging 7 days o kahit di ka dapat reglahin pero in between, dinurugo ka o menopause na tapos dinurugo parin, may spotting. Mag pap smear, pa check sa ob gyne rule out tayo ng infections or cervical cancer.
Pag ubo, may dugo ang plema, pa check din tayo sa baga. Pag ihi, kulay pink, may dugo na, UTI, Kidney stones or Kidney Cancer, pa check po tayo.
3. Unstable ang personality - dati nakakausap ngayon hindi, paiba iba yung ugali so pedeng may bipolar disorder, baka manic or depressive, pwedeng may mental problem, schizoprenia, pwedeng anemic, pwedeng low blood sugar, pwedeng may infection or dehydration. Pacheck po.
4. Dark yellow ang urine - Sobrang dark or yellow or greenish na. Hindi po normal yan. Tinitingnan ng doctor yan. Maraming sakit ang nalalaman sa ihi. Dapat ang gusto natin light colored lang. Pag kulay orange na tapos uminom ka ng maraming tubig, ganon parin kulay, hindi maganda po iyun. Inom lagi maraming tubig para safe kidney natin. Ayaw natin ma dehydrate. Isa pa, pag ang ihi nyo mabula, parang ice tea, ayaw mawala yung bula, papa urinalysis po tayo
Pag may protina sa ihi, maaaring may diabetes or kidney failure o may kidney problem.
5. Sobrang pagod - Dapat pag nakatulog na, nakapag pahinga na, malakas na. Pero pag nakapahinga na, nakatulog na tapos pag gising, pagod parin, baka depressed o baka hypothyroid, pacheck yung thyroid, baka may adrenal gland problem, baka may toxin overload, may toxin sa katawan, pwedeng may cancer, minsan sobrang pagod, pwedeng diabetic or may chronic disease kaya laging pagod
6. May manas - Ayaw natin may manas. Sabi ng matatanda, pag may manas ibig sabihin malapit na. Depende sa manas, pag konti lang medyo normal lang yun kasi tayo talaga medyo malaki paa natin sa hapon kasi nakatayo tayo may konting pag mamanas yan lalo na kung may edad above 40, 50, 60 mas nagmamanas tayo kasi mga arteries at veins natin, hindi na ganun kaganda
pero yung manas na manas talaga yung pag pisil mo, maga, yung paa hanggang ankle, bukong bukong, hindi po normal yun. Pwedeng may heart failure, mahina puso, nag iipon ng tubig sa katawan, pwedeng kidney failure, hindi umiihi kaya nag mamanas o pwedeng liver failure - nagbabara yung dugo sa atay, hindi maka flow doon kaya nagmamanas.
7. Laging masakit ang tiyan - ok lang minsan masakit yung tiyan, pero kung laging masakit yung naabala ka na. Yung masakit ang kanang tiyan sa bahaging itaas papuntang likod, gallbladder stones yun, bato sa apdo lalo na sa kababaihan mga 40s, mataba, makabag ang tiyan, common nag kaka gallbladder stones, minsan inooperahan yan pag sumasakit. Pag yung sakit naman sa tiyan nasa gitna tapos after 2 days lumipat sa sa kanan, lower quadrant - appendix po iyun. Pa check sa surgeon.
May sakit sa tiyan sa sikmura - pwedeng ulcer, nagugutom, gerd, hyperacidity, pancreatic cancer, malala, may stomach cancer at meron ding sakit sa tiyan na heart attack kasi ang sakit sa puso hindi talaga sa dibdib minsan sa may sikmura.
8. Hirap huminga - Yung hinga na iba. Parang lagi kang hapo. Sa bata, pag mabilis huminga, pulmunya na iyan. Sa matanda, pede mong sabihing tumatanda lang, kulang sa exercise, baka mataba o nasa mataas na lugar kayo tapos kulang ang hangin, mainit lang, pero pag hinihingal talaga, pwedeng may bronchitis, pwedeng may hika, pulmunya, meron ding pulmonary embolism yun may namuong dugo sa binti, pumunta sa baga, hindi po maganda. Merong emphysima, malakas manigarilyo kaya hinihingal na.
Pwedeng sakit sa baga o sakit sa puso. Pag hinihingal - xray at 2Decho. Pwedeng hingal na panic attack lang.
9. Nilalagnat - Common yan. pag may lagnat, may sakit na yan. Hindi natin pedeng sabihing lagnat lang yan, konting sinat lang yan. Yung konting sinat sinat sa hapon, pwedeng tuberculosis na yan or pwedeng may cancer din. mga lymphoma or leukemia. Pero pag mataas taas na lagnat, UTI, pulmunya, meningitis (mas serious), or endocarditis (may infection sa puso), may lagnat din na viral lang - tonsilitis, viral infection
ang rule, pag lagnat lampas 4days na, pacheck up napo tayo. Dapat 4 days lang, wag paabutin ng 5 or 6 days. Pag sa bata, 2 years old pababa, dalawang araw lang lagnat - pacheck nyo na.
10. Namayat - Ok lang pag nag da diet namayat. Pero hindi ka naman nag dyeta, tapos namayat, pacheck po agad. Sa mga doctor, warning sign pag namamayat baka cancer yan. Baka may bukol sa loob ng katawan na nagpapapayat. Yung parents natin di natin napapansin, namayat paunti unti. Basta namayat, bumaba ng 10 pounds timbang, pacheck na. Baka depressed lang or hyperthyroid. Baka diabetes, baka liver disease. Baka may problem sa tiyan.
Ito ay mga early warning signs. Dapat alerto tayo lalo na kung kayo ay 40, 50 years old at pataas.
Sana po nakatulong ito. God Bless po.
Like and Follow 👉
https://www.facebook.com/body.healing.wellness