
31/07/2025
⚠️ DIABETES, NANATILING IKALIMANG SANHI NG PAGKAMATAY NG MGA PILIPINO
‼️Ayon sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA, 2024), ang diabetes ang ika-5 na pangunahing sanhi ng mortality sa Pilipinas. Ilan sa mga itinuturong dahilan nito ay ang madalas at labis na pagkain at pag-inom ng matatamis.
Ilan sa mga komplikasyon na maaaring idulot ng diabetes ay:
❤️ Atake sa puso at stroke
👁️ Pagkabulag o problema sa paningin
🦶 Pagkaputol ng paa o bahagi ng katawan (amputasyon)
🩺 Kidney failure
Basahin ang larawan para sa mga dapat gawin upang maiwasan ang diabetes.
Bantayan ang iyong blood sugar, kumunsulta sa inyong health center ngayon!
Isang paalala ngayong Diabetes Awareness Week.