05/01/2022
May tinatawag na “breakthrough infection”. Ito ang nangyayari sa mga vaccinated na. Nagkakaroon pa rin ng Covid 19 kahit fully vaccinated na. Ang kaibahan natin, we are less likely to go severe. Kaya kadalasan, home care na lang. Pero since asymptomatic to very mild symptoms lang, eto ang kadalasang nangyayari sa mga vaccinated people na may breakthrough infection. 1. Sasakit ang ulo 2. Sisipunin 3. Pagkalipas ng 3 days wala ng Sipon So akala mo, wala lang. Akala mo nahamugan ka lang. Akala mo normal na sipon lang. So ang next mong gagawin, lalabas ka. Mamamalengke ka. Pupunta ka sa public places, papasok ka sa trabaho. Hind mo alam dala dala mo pa rin ang virus. So ano ang resulta? Nakapanghawa ka ng hindi mo alam. Ang masaklap pa, ang nahawaan mo ay unvaccinated pa na maaaring mamatay. Yang 20 thousand cases a day na nangyayari ay dahil sa mindset na ito. Top 5 symptoms of breakthrough infection: 1. Headache 2. Sipon 3. Sneezing 4. Sore throat 5. Loss of smell Reminder, this is not an “all or nothing” symptoms. Kahit Isa lang dyan, candidate ka na for breakthrough infection. So to all who are vaccinated, kung makaramdam kayo ng sakit ng ulo, sipon, lagnat, huwag nyong balewalain. Treat it as breakthrough infection. Mag isolate na kayo. Huwag na muna kayo lumabas. Unless wala kayong hawak na dokumento na negative kayo, huwag muna kayong lumabas. OA? Yes OA. Pero sa panahon ngayon, mas mabuti ng maging OA Kesa magsawalang-bahala. Last year ang concern natin ay kung paano tayo hindi mahahawa. Ngayong year na ito na marami ng vaccinated, dapat isipin din natin kung paano tayo hindi makakapanghawa. Again, overwhelmed na ang ating healthcare and government system. Let’s do our part naman. Keep safe po sa ating lahat. Please repost/circulate CTTO