19/08/2024
𝙉𝙖𝙧𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙠𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙡𝙪𝙨𝙪𝙜𝙖𝙣:
1️⃣ 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢 𝐬𝐚 𝐋𝐨𝐨𝐛: I-limit ang mga outdoor na aktibidad upang mabawasan ang pagka-expose sa volcanic smog.
2️⃣ 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐮𝐨𝐭 𝐧𝐠 𝐅𝐚𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐬𝐤: Magsuot ng Face mask, lalo na kapag lumalabas ng bahay, upang mabawasan ang paglanghap ng makakasamang particulate matter.
3️⃣ 𝐈𝐬𝐚𝐫𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐢𝐧𝐭𝐚𝐧𝐚: Palakasin ang pag-sara ng mga bintana at pinto upang maiwasan ang pagpasok ng volcanic smog sa inyong tahanan.
4️⃣ 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢 𝐒𝐚 𝐋𝐚𝐛𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐢𝐛: Subaybayan ang mga update mula sa lokal na mga awtoridad para sa pinakabagong impormasyon at tagubilin ukol sa kaligtasan.
PUBLIC ADVISORY :
Ipinababatid po sa lahat na nakakasaksi ng tila FOG o HAMOG na nasa ating paligid. Ito po ay Volcanic Smog (VOG), inaabisuhan na maging mapagmasid at gawin ang mga kaukulang paghahanda patungkol sa ibinubugang usok ng Bulkang Taal na maaring makaapekto sa kalusugan lalot higit sa may kasalukuyang karamdaman.
Ang volcanic smog ay isang mapanganib na kombinasyon ng gas at maliit na particulate matter na resulta ng aktibidad ng bulkan. Maari itong magdulot ng problema sa paghinga at iba pang sakit sa kalusugan, lalo na sa mga mayroong mga existing na kondisyon sa baga.
Narito ang ilang hakbang para pangalagaan ang inyong kalusugan:
1️⃣ Manatili sa Loob: I-limit ang mga outdoor na aktibidad upang mabawasan ang pagka-expose sa volcanic smog.
2️⃣ Magsuot ng Face mask :Magsuot ng Face mask, lalo na kapag lumalabas ng bahay, upang mabawasan ang paglanghap ng makakasamang particulate matter.
3️⃣ Isara ang mga Bintana: Palakasin ang pag-sara ng mga bintana at pinto upang maiwasan ang pagpasok ng volcanic smog sa inyong tahanan.
4️⃣ Manatili Sa Labas ng Panganib: Subaybayan ang mga update mula sa lokal na mga awtoridad para sa pinakabagong impormasyon at tagubilin ukol sa kaligtasan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay may mataas na lebel ng sulfur dioxide (SO2) ang ibinubuga ng bulkang Taal na nagdudulot ng volcanic smog o vog. Nagbuga ang Taal Main Crater ng 3,355 tonelada na volcanic sulfur dioxide o SO2 gas noong ika-17 ng Agosto.
Maaari itong magdulot ng iritasyon sa mata, lalamunan at sa respiratory tract na maaaring lumubha depende sa konsentrasyon o tindi ng pagkakalanghap. Mapanganib ang volcanic smog sa may mga kondisyon sa kalusugan tulad ng hika, sakit sa baga, sakit sa puso, sa mga matatanda, mga buntis at mga bata.
Mag-ingat po tayong lahat.
source: Municipality of Indang