22/11/2025
‼️KASO NG DENGUE SA BANSA, MABABA BAGO DUMAAN ANG MGA BAGYO; DOH NAGPAALALANG GAWIN ANG TAOB, TAKTAK, TUYO, TAKIP ‼️
Mula sa 15,182 na kaso sa linggo ng September 28 hanggang October 11 ay bumaba ang kaso ng dengue ng 8% sa linggo ng October 12 hanggang October 25, 2025 na may 14,038 na kaso.
Matatandaang ito ang linggo bago manalasa ang mga bagyong Tino at Uwan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Matapos ang bagyo, mataas ang posibilidad na may mga naiwang containers na naimbakan ng tubig na pwedeng pangitlugan ng lamok na aedes aegypti.
Kaya naman, muling nagpapaalala ang ahensya na ‘wag maging kampante at mas paigtingin ang pagsasagawa ng taob, taktak, tuyo, at takip sa mga lagayang naimbakan ng tubig gaya ng sirang gulong, paso, basurahan at iba pa.
Paalala pa rin ng ahensya na agad magpakonsulta kung sakaling makaramdam ng sintomas gaya ng:
✅lagnat
✅pagpapantal
✅pananakit ng katawan, kalamnan at mga mata
✅pagkahilo
✅pagsusuka
Balikan ang PinaSigla Episode 17 dito:
📌 https://web.facebook.com/share/p/1Gd5r7NKtx/
📌 https://www.youtube.com/watch?v=B-dhy-0VrXI&list=PL7amYNiWriCysYdFXyyXQdFeXvmWtBaGz