22/11/2021
Mahilig ka padin ba sa desserts at matatamis?
Then, you better read this:
Parte ng Low carbohydrate/ Keto diet and mga artificial and natural sugar substitutes, at aminin, salamat sa kanila dahil nakakaya natin masustain ang keto.
Pero gaano kabuti at ano din ang masamang dulot ng mga ito.
Sugar substitutes ay hulog ng langit sapagkat dahil sa mga ito, naeenjoy padin natin ang Low Carb/ Keto Diet.
Ang mechanismo kung paano ito nagwowork is that, ang mga sugar substitutes na ito binds sa ating SWEET receptor na nasa dila natin at ginagaya nito ang lasa ng totoong sugar, but of course, with less guilt dahil wala itong totoong SUGAR at walang calories. As GOOD as it sounds, however, ang utak natin ay complex, at may kakaibang mekanismo on its own. At dito papasok ang "all good things cant be soooo good"
SUGAR DEPENDENCE, kung sakaling di mo pa yan naririnig o nababasa, pag-usapan natin dito.
Maaaring naka Low Carb Diet ka na, pero kung araw araw ka padin naghahanap ng matamis (literal na katawan mo ang naghahanap at hindi ikaw, yung tipong kahit busog ka na dapat may sweets padin), maaaring SUGAR or SWEET DEPENDENT KA.
Sa ilang pag-aaral, wala namang masyadong epekto ang pagconsume ng sugar substitutes sa total calorie intake. Especially sa mga average consumer, tipong saktong pampatamis lang ng kape, saktong pampalasa lang sa tinapay. Ngunit sa mga may SWEET DEPENDENCE, they crave for SWEET TREATS, the KETO TREATS and what we call DESSERTS or PANGHIMAGAS. To the point na hindi na ito nagiging TREATS kundi STAPLE.
Mahalaga sa satisfaction ng isang tao ang FOOD REWARD, and this is the same as the satisfaction that may lead to addiction. At ang mga pagkain na sweetened o matatamis kahit pa no calorie sugar ang ginamit, ay pwede magsignal sa utak natin ng pagrelease ng kemikal that satisfies our appetite, at dun yun matatagpuan sa part ng brain natin na napaparamdam sa atin ng REWARDING FEELING.
The problem is, dahil sa ito ay hindi totoong asukal, hindi nito lubusang nasasatisfy at naaactivate 100% ang reward pathway na yan, kaya mas lalo tayo nagcre-crave at mas lalong nagugutom. Rason kung bakit bawal ang matamis na NO SUGAR NO CALORIE sweetener sa fasting dahil kait ito ay LASA lang, it can still trigger your hunger and even mimic real sugar sa pag activate ng INSULIN at some point.
Again, this is not for the general population. I am speaking to those na still battling for SUGAR and SWEET DEPENDENCE, na the more you have them, the more you want them, and yan din ang dahilan kaya ang ilan ay di padin nalalagpasan ang estado na madalas sila magutom, at estado na kahit matagal na silang LCIF ay madami parin sila cravings, because they may not be CARB ADDICTED, but they are still SWEET DEPENDENT which makes them hungry because it does not satisfy the FOOD REWARD PATHWAY in the brain.
Lastly, too much of this Sugar alternatives, especially sugar alcohols can disturb yung natural microorganism natin sa tiyan. And we all know, that a healthy tummy is our door to a healthy body.
People na nakaya na nila ayusin ang SUGAR/SWEET DEPENDENCE sila ang madalas nakakatagal ng fasting. And Keto Treats becomes REAL KETO TREATS and not a staple. Oh yes, the term. Other people eat keto treats as STAPLE. At yan ang lalong nagpapabagal sa progress nila...
Gayun pa man, salamat sa Sugar Alternatives. Para sa inyong preference only choose among these Low carb approve sweeteners na madalas sa market:
Stevia
Sucralose
Erythritol
Monk Fruit Sweeteners
AVOID THESE:
Aspartame
Maltodextrin (these is made of starch, nakakalinlang)
Xylitol (this is keto approved but may cause laxative effect at nakakatrigger ng Irritable bowel syndrome)