27/05/2021
: “Maliit pa lang naman butas ng ngipin, saka na pastahan”
or
“Maliit lang butas ng ngipin ko, pero nung pinastahan... nilakihan ng dentista”.
Please see picture ng hinati na ngipin. Ppwedeng maliit kapag tinignan sa taas na parte ng ngipin, pero malaki na pala sa loob dahil sa structure ng ngipin.
⛔️ Hindi din makikita ng dentista kung gaano na kalaki sa loob unless ini-xray at binuksan na ang ngipin. Madalas itong nangyayari dahil ang maliliit na canals ng ngipin sa loob ay hugis tatsulok... kung saan ang tulis ay nasa itaas at palapad naman habang paloob.
⛔️ Kaya importanteng magpacheckup sa dentista (atleast every 6 months) at habang maliit pa sa paningin ninyo at hindi pa sumasakit, dalhin na agad sa dentista para macheckup, ma-xray, mapastahan agad at maagapan na kailanganing bunutin ang ngipin.
——
Feel free to comment questions na sasagutin ko sa mga susunod na dental tip of the day or tiktok video 🤗
Follow on Facebook, Instagram, & Tiktok for more dental tips! 🦷
www.thesassydentist.com