26/09/2025
๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐!
๐ณ๐๐๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Ang Leptospirosis ay sakit na galing sa bacteria mula sa ihi ng mga daga, a*o, pusa, kambing at iba pang mga hayop. Pwedeng makuha ito kapag lumulusong sa baha. Ang doxycycline ay isang gamot laban sa Leptospirosis.
Tumawag sa Health Center Hotline o pumunta sa pinakamalapit na barangay health center para mabigyan ng libreng doxycycline.
Tandaan na ang doxycycline ay makukuha lamang nang may reseta ng doktor at ibinibigay lamang sa mga 9 na taong gulang pataas. Mayroong ibang gamot ang nakalaan para sa mga buntis at nagpapasuso.
Kung nakararanas na ng sintomas ng Leptospirosis tulad ng lagnat, sakit ng ulo, pamumula ng mata, pagsusuka, pagtatae, paninilaw ng balat o puting bahagi ng mata, agad na magtungo sa ating ospital.
UPANG ALAMIN ANG HEALTH CENTER HOTLINES, BISITAHIN ANG LINK NA ITO:
bit.ly/HealthCenterHotlines