
01/09/2025
Kami po ay sarado ngayong araw na ito. Ang mga Health Centers po ay bukas para tumulong sa inyo. Salamat po
Public Advisory
Bagama’t inanunsyo na walang pasok ngayong araw, nais naming ipabatid na ang ating mga Health Centers ay BUKAS at naka-skeletal workforce duty upang:
-Mamahagi ng mga gamot kontra leptospirosis at
-Magbigay ng agarang serbisyong medikal sa ating mga evacuation centers
Tandaan na Mahalaga ang WASTO AT SAPAT NA PAG-INOM ng gamot laban sa leptospirosis upang makaiwas sa sakit na ito, at mas mainam na makainom sa unang 72 oras mula sa exposure sa tubig baha.
Hinihikayat po ang ating mga kababayan na lumapit sa pinakamalapit na Health Center kung kinakailangan ng gamot o serbisyong medikal.
Ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa ay aming pangunahing prayoridad.