
16/07/2025
Maraming salamat pong Federation of Goat and Sheep Producers of the Philippines Association Inc. (FGASPAPI) at Sir Camilo Velasco ng Urbiztondo Nubians sa aking napanalunan na Anglo Nubian Buck sa ating ginanap na Raffle for a Cause ng Fgaspapi- Official
para sa 3 ka-kambing transporters nating pinatay sa Maguindanao.
Pagkakaisa ng mga magkakambing, pagtulong at pakiki dalamhati sa ating mga ka-kambing.
Panalangin natin ang kapayapaan at hustisya saknila.
Ang buck na napanalunan ho natin ay ibbreed ho at isasama ko sa aking personal na programa na magtataas ng genetics ng mga native na kambing sa Concepcion thru our Goat Development Program.
Maraming salamat ho sa ating Municipal Veterinarian, Dr. Roland Arciga at Mayor NLV sa palagiang suporta sa ating industriya.