23/03/2024
PART 2.
Tinanong ako ng papa ko kung dadalhin ba namin si mama sa hospital at naalala ko ang bilin ni mama na kung may mangyari man sa kanya ay wag na wag ko muna dalhin doon at bigyan ko muna siya ng herbal.
Sumang-ayon naman ang aking papa.
Habang kami ay naguusap minamassage ko ang aking mama at nilagyan ko ng activated charcoal poutice ang kanyang ulo, baka kasi nabagok.
Tiningnan namin ang kanyang katawan at siya ay humihilik lang habang natutulog.
Maya- maya ay naihi siya, sapagkat tumulo ang tubig sa kanyang damit. mabuti nalang at pahilis ang higa niya kaya nakita naming naihi siya diretso sa tiles at hindi sa sofa.
Umiling ang papa ko sapagkat iyun ay maaring senyales ng coma o brain dead at maaring malapit na siyang mawalan ng buhay.
Dahil doon, dali- dali akong tumakbo sa labas at naghanap ng siling labuyo. Mabuti na lamang at meron akong nakitang 2 kapiranggot na mamula mulang sili at iyon ay aking hinati,pinalabas ang katas at inilagay sa ILALIM ng kanyang DILA.
Pinagmasdan ko kung siya ay maaanghangan at magrereact subalik hindi. makalipas ang 2 oras ay parang gumalaw ang kanyang kamay at paa.
Patuloy siyang natulog hanggang 10:00am at nasaksihan ni Lola Lydia ang nangyari na parang siya ay patay na pero humihilik pa.
Pagkalipas ng 7 oras, biglang gumalaw si mama at dahan dahan niyang binuka ang kanyang bunganga at itinaas ang kamay at kinuha ang sili sa kanyang dila.
Muling natulog.
Paglipas ng 2 minuto ay inulit niya ito at kinuha ang natira pang sili.
Nagtawanan kami ni papa at ang sabi namin ay “nanloloko… “
Doon ay nasabi naming buhay siya.
Maya maya ay nagsabi ang aking hipag na pauwi siya para tingnan si mama. Ilang minuto bago dumating si ate ay gumalaw si mama at nagsalita.
Nagkatinginan kami ni papa at nagsabing “ wow himala”
Nagsalita siya at hinanap niya ang eyeglasses niya. Subalit paiba iba ang kanyang sinasabi. Mahina ang kanyang kanang kamay.
Dahan dahan ko siyang pinainom ng glaze herbal coffee at natulog muli.
Noong hapong iyon, dinalaw siya ng kanyang pinsan, si uncle Melvin kasama ang kanyang asawa at naikwento daw ni lola ang nangyari. Nagulat din sila at nakagising muli si mama at nagsasalita pero parang bata.
Kinagabihan dumalaw din ang aking mga pamangkin, ate at kanyang balae si uncle Noli at natuwa silang mas lumalakas pa siya. Pero paulit ulit ang mga sinasabi niya.
Kumain kaunti ng sabaw ng gulay at muli siyang natulog.
Kinabukasan, sa biyaya ng Panginoon ay lumakas si mama at nagsalita at sinabi niya ang nangyari sa kanya na natumba daw siya. Ang tagal daw niya akong ginising subalit walang boses na lumabas sa kanyang bibig. Hinawakan niya ang shower at pinukpok daw niya iyun para magising ako subalit ako ay mukhang nakatulog ng mahimbing. Dahil nawalan na siya ng pag-asa ay nanalangin siya at natulog nalang na mahinang mahina na at nanigas daw ang kanyang kanang kamay.
Maaaring doon na nagsimula ang pagtahol ng mga a*o upang ako ay magising at tumawag ng saklolo, dahil ang kanyang dalangin ay narinig ng Panginoon at ginamit lamang ang mga a*ong iyun upang mailigtas ang kanyang buhay.🙌🙏❤️
Nagulat ang aking kapatid ng makita niyang naglalakad ang aking mama at nagsasalita na patungo sa kanila pagkatapos ang dalawang araw.
Ngayon napagtanto ko sa aking buhay na kapag mahina na pala ang ating mga magulang,mainam pala na sila ay ating gabayan. Mahina na sila na parang bata. May mga desisyon sila na mali… parang sila pa ang ating tuturuan,at tayo na din ang magpapaalala sa kanila ng tama at mali. Kailangan nila ng anak sa kanilang tabi. Minsan hindi natin sila mauunawaan kasi nasasaktan nila tayo pero kailangan nating tanggapin dahil noong bata pa tayo ay mas matindi ang kanilang sakripisyo sa atin. Hindi natin iyun matutumbasan…
Hindi ko man alam gaano pa katagal ang buhay ng aking mga magulang pero
masaya ako ngayon na naalagaan ko sila lalo na ang aking mama. Dahil noong malayo ako sa kanya andami palang nangyari, kagaya ng nakagat siya ng a*o at magisa siya sa hospital na nagpaturok ng anti-rabies. Hindi man lang niya sinabi sa akin yun upang hindi ako magalala pero nararamdaman ko na nais niya na sana wag ko nalang siyang iwanan.
Nagpapasalamat din ako sa Diyos at hindi Niya kami pinahirapan. Bumalik sa normal ang aking mama, nagagawa niya ang lahat na wari ay walang bakas ng stroke pero syempre hindi na katulad dati angkanyang kalakasan.
Ang mga a*o(hindi ako mahilig) pero kapag minahal natin mas loyal pa sila kesa sa tao😆Ang a*o, kasangkapan din ng Diyos upang maligtas ang ating buhay.
Ang mga herbal na ginagamit natin sa tamang paraan, napakabisang pang-unang lunas sa mga sakit at kahit mga matitinding sakit kung gagamitin natin ng may karunungan at pananampalataya sa Manlilikha.
Ayaw ko sanang ishare pero baka sakali makatulong din sa iba ang aking conviction na maibahagi ito.
Salamat po🙌