17/10/2012
nakita ko sa ibang page p**i re-post lang po salamat tulong na po natin godbless us
Founders & Head Administrators Association International (FHAAI)
I saw this guy, resting at hte footbridge of paramount. His name is Arnesto Chua. He's part of the Sidewalk Cleaning Operation Group (SCOG). Part of the MMDA Company.
Tumawid ako from trinoma going to SM North sa paramount. Nakita ko siya na nakaupo, tapos napansin ko yung sugat niya. sobrang lala na. Di ako nagmamalinis, nilagpasan ko siya katulad ng ibang tao. Pero habang naglalakad ako, may dala akong kunsensya at awa. Hindi ako mapakali simula nung nakita ko siya. so, binalikan ko siya. Naisip ko na hindi ko nalang siya pwedeng iwan doon na alam kong may pwede akong gawin para matulungan siya.
Kinausap ko siya kasama nung guard ng Trinoma. tinanong ko siya kung di ba niya sinabi sa company na pinagtatrabahuhan niya yung tungkokl sa kalagayan niya. Pinadala daw siya sa hospital. Hindi ko alam kung ospital yun, pero ang sabi daw sa kanya, di na magagamot yung sugat niya. Actually, kinulit ko siya, sabi ko "bakit parang binabaliwala niyo nlng yung sugat niyo manong?" ang sabi naman niya, "magreretiro nadin naman ako sir eh. hayaan ko nalang." Parang hindi naman tama na ganun. Hindi ba dapat sa bawat kumpanya inaalagaan dapat nila yung mga nagtatrabaho sa kanila? Actually, natatakot siyang ipagamot yung sugat niya. Wala daw kasi siyang pera. Kitang kita ko yung hirap at sakit na nararamdaman niya. Pero kahit ganun, nagagawa padin niyang ngumiti. Na para bang wala siyang dinadalang sakit.
Sinuggest sakin nung guard ng Trinoma na ireport ko daw kay Chairman Tolentino. Siya daw yung head ng MMDA. At for sure daw, aaksyonan daw agad-agad ni Chairman Tolentino ito kapag nakarating sa kanya.
Nakikiusap po ako, in-behalf of Mr. Arnesto Chua. Please po, tulungan niyo po siya. Kailangang-kailangan po talaga niya ng tulong ninyo. Parang ang nangyayari po kasi sa kanya, tuloy padin ang pagtatrabaho niya para makasurvive sa buhay. Pero mismong buhay na po niya ang nagiging kapalit. I'am literally begging you to not put this issue aside. Please help him. He seriously needs medical attention. I will continue to pray about this. Thank you and God bless.